"Ang ganda!" Ngumiti ako kay Ate Cony dahil sa sinabi niya.
Nandito na ako sa kanila at ngayon ay hawak na niya ang drafting paper na may nakaguhit ng pansamantalang plano.
"Ang galing-galing," sabi ulit ni Ate Cony.
"Salamat po," sambit ko.
"Ganito ba ang magiging bahay nila Architect?" tanong ni Ate Cony kaya naman tumango ako.
"Opo," sagot ko rito.
"Ang ganda, hindi na ako makapaghintay na makita ang bahay na ito na tapos na," sabi ni Ate Cony habang hindi naaalis sa drafting sheet ang paningin.
"Hayaan niyo po, sa isang buwan po ay magsisimula na kami kaya naman po hindi magtatagal ay makikita niyo rin po ang unti-unting pagkabuo niyan," sabi ko rito.
"Hindi na ako makapaghintay!" masayang wika ni Ate Cony kaya naman napangiti ako.
Kung nabubuhay kaya si Mommy ay ganito rin ang magiging reaksyon niya sa tuwing may projects akong matatanggap? Si Mama rin kaya? O kahit na si Daddy?
Proud kaya sila sa akin na nakarating na ako rito sa kinatatayuan.
Napangiti na lang ako.
Si Lolo na lang ang mayro'n kami ngayon pero wala siya rito, nasa ibang bansa siya kasama si Kuya Van
Nahiga ako sa duyan na nandito sa likod bahay nila Ate Cony.
Ganito pala kasarap ang buhay probinsya.
Ipinikit ko ang aking mga mata at dinama ang kapayapaan.
Ganitong kapayapaan ang matagal ko ng hinahanap.
Sana habang buhay na lang ganito.
Sana wala ng manggu—
Napadilat ako nang biglang mag-ring ang cellphone ko.
Nagmadali naman akong kunin 'yon sa pag-aakalaang isa sa mga kapatid ko ang tumatawag pero agad na nagsalubong ang mga kilay ko dahil sa nakita kong numero sa screen ng cellphone ko.
Kakasabi ko lang na sana wala ng manggulo sa akin pero ito na ang peste.
Sinagot ko ito at inilagay sa tainga ang cellphone.
"Hello?" sabay na sabi namin kaya naman napapikit ako samantalang siya ay tumawa.
"Grabe, na-miss mo talaga ako," sabi nito kaya naman tumaas ang kilay ko.
"Sino nagsabi? Buti ikaw alam mong na-miss kita ako kasi wala akong maalala na nami-miss kita," ani ko.
"Aray ko naman, Engineer ko. Wala man lang bang, 'Atreus, na-miss kita. Kailan ka ba uuwi rito?'" Napailing na lang ako sa sinabi ni Atreus.
Napakagat ako sa aking labi upang pigilan ang ngiti sa aking mga labi.
"Cally," tawag nito sa akin.
"Bakit?" tanong ko naman sa kaniya.
"Buksan mo nga 'yong camera mo," saad niya kaya naman binuksan ko ang camera ko upang makita niya ako. "Ang ganda mo... Palagi," bungad niya ng mabuksan ko na ang camera.
Natigilan naman ako at ramdam ko ang biglang pag-init ng mukha ko.
Peste talaga ang isang 'to!
"Sobrang ganda mo," sabi na naman nito kaya naman nginitian ko siya.
"Atreus, nakainom ka na ba ng gamot mo?" tanong ko rito at inirapan naman ako ng loko. "B*kla," bulong ko na mukhang narinig niya.
"Ako!? Bakla!? Ha! Baka nakakalimutan mo na nahalikan na kita dat—"
"Shut your mouth! Kadiri ka," sambit ko at tinawanan naman niya ako.
"Ako pa tinatawag mong b*kla, samantalang ilang beses na kitang nahalikan."
"Manahimik ka na nga, Atreus. Kinikilabutan ako sa mga sinasabi mo," saway ko rito.
"Hmm, sabihin mo lang kinikilig ka kapag naaalala mo 'yong mga bagay na 'yon." Naramdaman ko talaga ang pagtindigan ng mga balahibo ko dahil sa sinabi ni Atreus.
B'w*sit naman ang isang 'to!
"By the way, how are you? Kumusta ang lakad mo kila Rein?" tanong niya sa akin at napakibit-balikat naman ako.
"Everything is good, go signal na lang nila ang hinihintay ko para makapagsimula na ako. Ikaw? Kailan ang uwi mo rito?" tanong ko rito at nagtaka naman ako kung bakit bigka siyang namula.
"Wait lang kinikilig ako," wika niya at nakita ko na biglang may pigil na ngiti ang gumuhit sa kaniyang labi. "Na-miss mo talaga ako, 'no? Ikaw talaga! Kunwari ka na hindi mo ako na-miss!"
Natawa ako sa sinabi niya.
Nakakatawa talagang kiligin si Atreus, ang cute, sarap iuntog sa pader.
"Manahimik ka, tinatanong ko kung kailan ka uuwi rito para naman mapag-usapan natin ng maayos ang plano nating—"
"Pagbuo ng sariling pamilya? Engineer ko, 'wag mo naman akong madaliin, I'm not ready," m*landing wika nito kaya naman napaawang ang aking mga labi dahil sa sinabi niya.
Kailan ko kaya siya makakausap ng matino?
"Hoy, Atreus, ako tigil-tigilan mo ako sa kal*ndian mo—"
"Engineer Valencia." Bigla akong napabangon sa hinihigaan kong duyan nang may tumawag sa akin.
"D-dylan?" tawag ko rito.
"Let's talk," anito kaya naman tuluyan na akong bumaba sa duyan.
"Who is he, babe?" tanong nito.
"It's Dylan, your future cousin in law," sabi ko rito. "Let's talk later," wika ko bago patayin ang tawag at sumunod kay Dylan na pumasok sa loob ng bahay nila Ate Cony.
Pagpasok ko ay naabutan ko siya sa sala habang may hawak na drafting paper.
"Why?" tanong ko rito nang makalapit na ako sa kaniya.
"Tingnan mo 'to." Inabot niya sa akin ang hawak niyang drafting paper at may nakaguhit dito.
This is like a building?
"Anong gagawin ko rito?" tanong ko sa kaniya.
Naupo siya sa isang sofa at tumingin sa akin.
"Nakalimutan ibigay sa'yo kahapon 'yan ni Rein, pinabibigay raw 'yan ni Tito Benjie."
Tito Benjie?
Siya ang tatay ni Rein.
"Para saan 'to?" tanong ko at naupo na rin upang makapag-usap kami ng maayos.
"Si Atreus daw ang gumawa niyan, matagal na raw 'yan naiguhit ni Atreus," paliwanag nito kaya naman napatango ako.
"And now?" tanong ko rito.
"'Yan ang magiging project ni Atreus sa oras na umuwi na siya rito." Kusang tumaas ang kilay ko dahil sa sinabi niya.
Muli kong tiningnan ang plano at na palunok ako.
Napakalaking trabaho nito!
Hindi ko alam kung good news ba ito o bad news for Atreus.
"T-thanks," saad ko at inangat ang drafting paper.
Kaya ba apurado sila Rein na makauwi na rito si Atreus dahil dito? Nakalimutan na ba ni Rein na hindi pa ayos ang pamilya niya at si Atreus?
Sh*t, may posibilidad na magkaro'n ng gulo kapag nakauwi na si Atreus.
Napahawak ako sa ulo ko.
Kung tatanggihan 'to ni Atreus ay baka magkaro'n na naman ng issue pero wala naman kasing karapatan ang pamilya nila Rein na pilitin si Atreus na gawin ang project na 'to pero masyado kasi nilang ginigipit si Atreus.
Madadamay na naman ang pamilya ni Atreus.
Sumasakit ang ulo ko kapag naiisip ko na ang p'wedeng mangyari kapag nagkabangga na naman ang pamilya nila Atreus at ang pamilya nila Rein.
Magpinsan silang dalawa, kapatid ni Tito Benjie ang Daddy ni Atreus pero never nagkasundo ang dalawang magkapatid na 'yan dahil sa naging agawan nila sa pamana ng mga magulang nila.
Hindi ko p'wedeng hayaan lang sila Rein at Atreus dito.
"Hay." Napabuga na lang ako ng hangin.
"Can I see your work?" Napatingin ako kay Dylan.
May kasama nga pala ako rito.
Tumango ako bago abutin ang sheet container ko na nasa tabi ko.
Kinuha ko ang drafting paper do'n at inabot sa kaniya.
Nang maabot niya na ang drafting paper ay natigilan ako.
Bakit niya pala alam na may gawa na ako?
Baka naik'wento ni Ate Cony.
"Hindi pa 'yan ang pinaka-mai—"
"It's look good," anito kaya naman naputol ang pagsasalita ko.
"Huh?"
"Maganda ang gawa mo, hindi nagkamali si Rein sa pagpili sa'yo," sabi niyang muli kaya naman mas lalong nangunot ang noo ko.
"Huh?"
"Alam ko na magugustuhan din ni Rein ang ginawa mo," wika niya kaya naman napakagat ako sa aking labi bago mapayuko.
Another client!
Masaya ako na nagustuhan niya ang gawa ko bilang isang Engineer.
"Salamat," sabi ko at hindi ko napigilan ang hindi mapangiti.
Masaya ako, sobrang saya ko dahil may muling pumuri sa gawa ko.
Hindi talaga nag-iiba ang epekto sa akin kapag sinasabi ng mga kliyente ko na maganda ang gawa ko.
Nakakataba ng puso.
"You're always welcome, Engineer Valencia..."