CHAPTER 16

1485 Words
"Ako na magda-drive." Tinaas ko ang kamay ko habang hawak ang susi ng kotse ko. Uuwi na kami ngayon at sasabay nga sa akin si Dylan dahil may dala pala siyang mga gamit at kung magco-commute siya ay mahihirapan nga siya. "This is my car," sabi ko at humarap kila Ate Cony na nakatayo sa harap namin. "Uwi na po kami, salamat po sa pagpapatuloy sa akin dito sa munti niyong mansion." "Nako! Wala 'yon! Anytime ay welcome na welcome ka rito," nakangiting wika ni Ate Cony kaya naman ngumiti rin ako sa kaniya. "Maraming salamat po, babalik po ako rito, hintayin niyo po ako," aniko at sumandal sa kotse ko. "Aasahan namin 'yan, sa fiesta ay hintayin namin kayo." Tumango ako kay Kuya Robert. "Salamat po ulit," sabi ko at bahagyang yumuko sa kanila. "Mag-iingat kayo, ikaw rin Architect. Hihintayin namin kayo sa fiesta para masaya tayo," baling ni Kuya Robert kay Dylan. "Opo, ire-reserve ko na po ang araw na 'yon para po siguradong makakapunta kami rito," sagot ng katabi ko. "Oh, siya. Sige na, baka gabihin pa kayo sa daan niyan," wika ni Ate Cony kaya naman nagsimula na kaming maghanda sa pag-alis. "'Yong tinapay ay inilagay ko na riyan sa plastic para may makain kayo habang nasa byahe kayo." "Salamat po, Ate Cony. Nag-abala pa po kayo." "Maliit na bagay," nakangiting wika nito. "Paano po? Kita na lang po tayo sa isang Lingo?" ani Dylan habang nakapamulsa. "Sige po, mag-iingat kayo." Kumaway ako kila Ate Cony bago umakay sa kotse ko. "Ako na lang magda—" "Just shut your mouth, this is my car," baling ko sa kasama ko na nangungulit na siya na raw ang magda-drive. "O-okay, be careful," sabi niya kaya naman tumaas ang kilay ko. "I know, alam ko ang gagawin ko," wika ko bago buhayin ang makina ng sasakyan ko. "Mag-iingat kayo!" sigaw ni Ate Cony kaya naman bumusina ako sa kanila bago paandarin ang kotse. Dapat ay bukas pa ang uwi ko pero dahil nga tumawag na ang magaling kong kapatid at si Dylan ang nakasagot, mas mainam na atang umuwi na kami. Siguradong mayayari na naman ako kapag hindi ako makapagpapaliwanag ng maayos. Pero alam ko na sa isang salita ay maiintindihan na nila ang lahat. Ayon nga lang ay natatakot ako sa p'wede nilang itanong sa akin o baka may posibilidad pang hindi na nila ako payagan na ako ang maghahawak ng project na 'to pero naka-Oo na ako kila Rein. Siguradong ang una nilang itatanong sa akin kung... 'Ayos lang ba ako?' Napasinghap ako bago ibaba ang salamin ng bintana dahil pakiramdam ko ay nasu-suffocate ako. Gusto ko makalanghap ng sariwang hangin. Inalis ko muna sa isip ko ang mga bagay na p'wedeng maging dahilan nang pag-iyak ko. Kailangan ko munang mauwi ngayon. Kailangan ko muna siyang ihatid pero saan ko ba siya ihahatid? "Eve/Dylan," sabay na tawag namin sa isa't-isa kaya naman nagkatinginan kami at sabay na nag-iwas nang tingin. "May sasabihin ka?" tanong ko sa kaniya. "Wala naman," aniya kaya naman tumango ako at tumingin sa dinaraanan namin. "May sasabihin ka ba?" tanong niya kaya naman muli akong tumango. "Itatanong ko lang kung saan kita ihahatid," sabi ko sa kaniya. "And one more thing, don't call me, Eve. Just call me, Cally." "Okay," sagot nito. "So, saan kita ihahatid?" tanong kong muli sa kaniya. "Kahit na sa Manila mo na lang ako ibaba, magta-taxi na lang ako," wika niya kaya naman tumango ako. "Okay," maikling sagot ko at nagpatuloy sa pagda-drive. Muling naghari sa amin ang katahimikan. Mas okay na 'yong ganito, mas madali ang isipin na hindi ko siya kasama. Napatingin ako sa cellphone ko nang tumunog ito at mukha nila Charlie at Max kaya naman agad ko itong sinagot. "Ate?" boses agad ni Charlie ang narinig ko kaya naman sumagot ko. "Hey, how are you?" tanong ko sa kanila. "I'm fine and Maxine is also fine too," sagot niya sa akin kaya naman napangiti ako. "That's good," sambit ko. "Are you going to home na?" tanong niya kaya naman tumango ako. Naka-video call kami kaya naman nakikita ko siya. "Charlie! That's your Ate Cally?" Sunod kong narinig ang boses ni Jade kaya naman nangunot ang noo ko. Kasama sila nila Jade? Nasa mansion ba siya o... "Pauwi ka na!? Akala ko ay bukas pa ang uwi mo!?" tanong niya sa akin at ang lakas ng boses niya. "Pauwi na ako, mamaya na lang ako magpapaliwanag," sagot ko rito. "Where's Max?" tanong ko rito at agad naman siyang napakamot sa ulo. "She's with your brothers." Mas lalong nangunot ang noo ko. "She's with my brothers? Kung gano'n ay nasaan si Charlie?" tanong ko at bigla naman niyang inilipat sa likod ang camera ng cellphone ni Charlie at nakita ko na maglalakad si Charlie habang may dalang tray at may kape na nakapatong. "Siya ang may gusto niyan, ayaw niya raw sumama sa company ni Ezekiel kaya naman dito ko muna siya dinala," paliwanag niya agad. "At ginawang waiter," aniko at napakamot naman sa ulo si Jade. "Siya naman ang nagprisinta na tumulong at saka sigurado naman akong ligtas 'yan kaya wala kang dapat na ikabahala," sabi niya kaya naman napairap ako at bahagyang sinulyapan ang kasama ko na busy rin sa kaniyang cellphone. "That's good, mas mabuti na nakakalabas siya sa mansion, silang dalawa ni Max. Sige na ibababa ko na ang tawag dahil nagda-drive ako." "Sige, 'wag ka nang pumunta rito sa coffee shop kung wala kang pasalubong!" Hindi na ako nakasagot nang ibaba na niya ang tawag. Napailing na lang ako bago ilagay ang cellphone ko sa bag na nasa tabi ko. "Pauwi na ako, just wait for me, ang kulit mo," bulong ng katabi ko na halatang may kausap sa cellphone. "Hindi alam ni Rein na sa'yo ako uuwi." Hindi ko naman gustong marinig ang mga sinasabi niya pero katabi ko lang siya, nasa iisang sasakyan lang kami kaya naman hindi ko maiwasna na hindi marinig ang mga sinasabi niya. "I'm sure, ang alam niya ay bukas pa ako uuwi kaya naman d'yan muna ako ngayong gabi." Napalunok ako. Ano bang 'tong mga naiisip ko? Iba naiisip ko sa mga sinasabi ni Dylan. Ayaw ko siyang husgahan dahil lang sa mga salita. "Yeah, I'm with my Engineer," aniyang muli at napakagat na ako sa aking labi. "Hindi naman madaldal ang isang 'to kaya alam ko na hindi siya magkuk'wento kay Rein." Binaling ko na lang sa daanan ang buo kong atensyon at sinubukan na hindi na makinig sa mga sinasabi ni Dylan pero hindi ko kaya. "The h*ll, ofcourse, I love you more than Rein. Ano ba namang klaseng tanong 'yan," saad ni Dylan. "Okay-okay, I'll hang up this call. Magpahinga ka na baka makasama pa 'yan kay baby—" Bigla kong natapakan ang break dahil sa gulat. "Oh god," bulong ko bago sundan nang tingin ang motor na bigla na lang sumulpot sa harap namin. Hindi ko 'to napansin dahil masyado akong na-distract sa kasama ko. "Bye, anong nangyari?" tanong nito sa akin at tanging iling na lang ang naisagot ko sa kaniya. Ilang ulit akong huminga nnag malalim bago ko ulit paandarin ang kotse ko. Ano ba kasi 'tong mga narinig ko. May babae si Dylan? And... A-and magkaka-baby na sila? No... Hindi niya magagawa 'yon lalo na at ikakasal na sila ni Rein at alam kong mahal niya si Rein. But he said, he love her more than Rein. Hindi baka naman nagkakamali lang ako nang mga narinig kanina. Ano ba naman 'to. Hindi na ako nakapagsalita pa. Kahit na kanina ay inaalok niya akong kumain ng pinabaon sa amin ni Ate Cony na tinapay ay tanging iling na lang ang naisagot ko sa kaniya. Hindi naman siguro katulad ng naiisip ko ang ginagawa ni Dylan. Hindi siya mangbababae. I know that. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko? Hindi naman ako 'yong girlfriend niya pero nakakaramdam ako ng sakit. Nakakatawa naman. Pati ako ay apektado. "Tss." Hanggang sa makarating kami ng Manila ay walang nagsasalita sa amin. "Salamat sa pagsabay," aniya nang makababa na siya sa kotse ko. "Maliit na bagay," sagot ko sa kaniya. "Dideretso ka na ba niyan ng Bulacan?" tanong niya sa akin kaya naman tumango ako. "Mag-iingat ka, tatawagan ka na lang namin ni Rein kung may mga tanong kami tungkol sa project mo." "Okay," maikling sagot ko. "Una na ako," paalam ko bago buhaying muli ang makina ng kotse ko. "Alis na ako." "Sige, mag-ingat ka," sabi niya kaya naman bumusina na ako sa kaniya bago simulang paandarin ang kotse ko pero hindi pa man ako nakakalayo ay may nakita na akong isang babae na papalapit kay Dylan. Agad niyang sinunggaban ng yakap si Dylan. Napairap naman ako bago tapakan ang gas upang bilis ang takbo ko. Hindi ko kita ang mukha ng babae pero mapapansin mo na agad ang tiyan niya na medyo nakaumbok. "Cheater."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD