Pinatay ko ang makina ng sasakyan ko at bumaba.
Dapat talaga sa coffee shop nila Jade ako dideretso pero tinamad na ako kaya naman dito na lang ako sa mansion dumeretso upang magpahinga na rin.
Pagod na naman ako.
Pagpasok ko sa loob ng bahay ay ang maid agad ang bumungad sa akin.
"Ma'am, Cally!" masayang bati sa akin ni Rachell, isa sa mga katulong namin sa mansion. "Ang akala ko po ay bukas pa ang uwi niyo."
"Napaaga nga e, by the way, sinong tao rito?" tanong ko sa kaniya.
"Nako, Ma'am, wala pong tao ngayon rito dahil nag-alisan po silang lahat," sagot nito kaya naman napatango ako.
"I see, sige, aakyat muna ako sa k'warto ko. 'Wag niyo na akong gigisingin kung kakain na ng hapunan dahil gusto kong magpahinga," bilin ko rito at agad naman siyang sumaludo sa akin.
"Sige po, Ma'am!" sagot niya kaya naman tumango na ako sa kaniya bago magsimulang maglakad papaakyat sa k'warto ko sa taas.
Habang naglalakad ay nag-iinat-inat na rin ako dahil pakiramdam ko ay masakit ang katawan ko.
Pumasok ako sa k'warto ko at naghubad ng damit hanggang sa sando na lang at pantalon ang matira sa akin.
Balak ko pa sanang maligo pero hinihila na ako ng kama ko kaya naman pabagsak akong nahiga rito at pagod nga ako dahil hindi nagtagal ay dinalaw na ako ng antok pero bago ako makatulog ay muling pumasok sa isip ko ang nakita ko kaninang eksena nang ibaba ko si Dylan.
"Tch."
Nagising ako dahil sa sakit ng puson ko.
Bumangon ako at dumertso sa banyo ng k'warto ko.
Pagpasok ko sa banyo ay ginawa ko lang ang kailangan kong gawin bago lumapit sa salamin upang tingnan ang sarili.
Ang laki na naman ng eye bags ko.
Napailing na lang ako bago maghilamos ng mukha at maisipang bumaba sa kusina dahil nakakaramdam na rin ako ng gutom.
Hindi ko alam kung anong oras na pero pagkababa ko sa sala ay tahimik na at nakapatay na rin ang mga ilaw kaya naman agad na pumasok sa isip ko na baka tulog na sila kaya naman dumertso na ako sa kusina.
Pagpasok ko rito ay natigilan ako.
"D*mn, she look so good but she's not my type." Tumaas ang kilay ko dahil sa sinabi niya.
"How about this one? She's Aemie, she's the daughter of my business partner," sabi naman no'ng isa habang nakatapat ang cellphone sa lalaking kainuman niya.
"Ayaw ko riyan, masyadong mataray at halatang spoiled brat, hanap ka ng iba," ani Kuya Chase kaya naman lumapit ako sa kanila at nakisilip din sa tinitingnan nila.
"Here, she's my secretary, suplada at tahimik, ano sa tingin mo?" tanong ni Kuya Ezekiel kaya naman nagsalita ako.
"She's pretty at mukhang matalino, maganda rin ang katawan niya at ang kulay niya, papasa 'yan," ani ko at sabay silang napangiti at nag-apir.
"Kaya sa'yo kam— Cally!?" gulat na tanong ni Kuya Chase nang makita niya ako.
Tiningnan ko si Kuya Ezekiel at halos magkandalaglag na ang kaniyang cellphone sa kakamadaling pagtago nito sa kaniyang bulsa.
Huli na.
"Ahh!" Tinaas ko ang mga braso ko upang mag-inat. "Anong makakain?" tanong ko sa kanila at naglakad papalapit sa stove.
"K-kailan ka pa nakauwi? Akala ko ay b-bukas ka pa uuwi?" tanong ni Kuya Ezekiel.
"Wala e, may biglaang nangyari kaya mas minabuti ko na umuwi na lang," sagot ko sa kaniya habang nakatalikod sa kanila.
"Matagal ka na bang nakatayo sa likod namin?" tanong ni Kuya Chase kaya siya naman ang sinagot ko.
"Sakto lang, 'yong anak ng business partner at ang secretary ni Kuya Ezekiel lang ang narinig ko," sabi ko habang kumukuha ng pagkain.
Naglakad ako papunta sa lamesa kung nasaan sila habang dala ang mga pagkain sa plato.
Nakatingin lang sila sa akin habang naghahanda sa pagkain.
"Tuloy niyo lang 'yan, 'wag niyo akong pansinin," sabi ko bago magsimulang kumain.
Hindi nila ako pinakinggan at pinanood nila akong kumain.
"Ano bang problema?" tanong ko at hininto ang pagkain.
"Hindi ka talaga magkuk'wento?" taas kilay na tanong ni Kuya Ezekiel sa akin. "Hindi ka man lang magpapaliwanag kung sino ang sumagot ng tawag ko kaninang umaga?" tanong niyang muli kaya naman napalunokagad ako at bahagyang naubo.
"Oo nga," gatong ni Kuya Chase habang umiinom sa baso niya kaya naman sumandal ako sa inuupuan ko at tiningnan sila.
"Maraming tanong pero sa simpleng salita masasagot lahat nang 'yan," nakangising wika ko sa kanila at nagkatinginan naman sila bago ako tiningnan habang nakakunot ang noo.
"Spill it," sabay na sabi nila kaya naman sinalubong ko ang kanilang mga tingin.
"Si Rein ikakasal siya kay... Dylan," mahinahong wika ko at halatang natigilan agad si Kuya Ezekiel tulad ng inaasahan ko samantalang si Kuya Chase naman ay nagtataka pa ring nakatingin sa akin. "Si Dylan ang fiancé ni Rein."
"Nakalimutan kong sabihin, sabihin mo kay Rein congrats," ani Kuya Chase habang nakangiti kaya naman nginitian ko siya habang si Kuya Ezekiel ay tahimik lang at halatang nakikiramdam.
"Sige, sasabihin ko sa kaniya," bigkas ko.
Oo nga pala, hindi kakilala ni Kuya Chase si Dylan.
Tumingin ako kay Kuya Ezekiel at nakita ko na nakatingin din siya sa akin.
"Inaantok na si Kuya Chase, matutulog na siya," biglang sabi niya habang tinatapik si Kuya Chase sa balikat.
"What!? Hindi pa nga tayo nakakara—"
"Inaantok ka na, ang pungay na ng mga mata mo. Sige na, umakyat ka na sa k'warto mo," ani Kuya Ezekiel habang tinutulak si Kuya Chase.
"Normal na mapupungay ang mga mat—"
"Matutulog ka na nga sabi e!" Nagulat ako nang biglang mataas ng boses si Kuya Ezekiel. "Kuya, matulog ka na."
"Hindi mo pa sinabi na gusto mo akong paalisin," sabi ni Kuya Chase bago umirap at tumingin sa akin bago ngumiti. "Kain ka lang d'yan, gusto ka atang masolo ni Ezekiel."
Tumingin siya kay Kuya Ezekiel bago ambahan ng batok kaya naman ang Ezekiel ay todo iwas.
Nang makaalis na si Kuya Chase ay nagsimula na ulit akong kumain.
"What did you just say?" tanong ni Kuya Ezekiel kaya naman tiningna ko siya.
"Si Dylan ang fiancé ni Rein," simpleng sagot ko habang kumakain. "Ang ibig lang sabihin no'n, s-siya ang magiging asawa ni Rein, kuha mo ba?" tanong at biglang nanubig ang mata ko kaya naman binitawan ko ang kutsara at tinidor na hawak ko at tinakip sa mukha ang dalawang kamay ko upang hindi makita ni Kuya ang mukha.
Inaasahan ko na 'to.
Wala namang ibang makakakita sa akin bukod kay Kuya Ezekiel na lagi ko nang iniiyakan dati.
"M-magpapakasal na s-sila," nauutal na wika ko dahil sa paghikbi.
"Do you still love him," aniya kaya naman tumango ako.
"Kahit na a-anong tanggi ko ay w-wala e, h-hindi ko kayang magsinungaling s-sa sarili ko," sabi ko rito.
"Hay, kakausapin ko si Rein at sasabihin na hindi mo na tatanggapin ang projec—"
"No!" pigil ko sa kaniya. "Naka-Oo na ako sa kaniya, nakakahiya kung tatanggihan ko pa."
"What do you want!? Makipagtrabaho sa lalaking 'yon!? Makita sila sa mismong harapan mo na nagl*landian!?" tanong niya sa akin kaya naman muling tumulo ang nga kuha ko at napahikbi na. "Are you st*pid!? Ikaw na mismo ang gumagawa ng bagay na maikakasakit mo."
Hindi ako nakapagsalita dahil may punto ang lahat ng sinasabi ni Kuya.
Si Rein 'yon e, hindi ko matatanggihan 'yon dahil sobrang bait sa akin no'n.
"I can't, Kuya." Tumingin ako sa kaniya na may luha sa mga mata. "I can't do that," sabi ko rito at agad naman siyang tumayo at umikot papunta sa akin kaya naman tinaas ko ang aking mga braso upang yumakap sa kaniya.
I cried hard.
Iniyak ko lahat ng sakit na nararadaman ko, iniyak ko 'yon lahat sa dibdib niya.
"Alam mo namang ayaw na ayaw kitang nakikitang umiiyak."