CHAPTER 18

1683 Words
Tamad na tamad akong naglalakad pababa sa sala kung saan naghihintay si Kuya Ezekiel. Isasama niya ako sa company niya dahil gusto niya raw akong ipakilala sa mga business partner niya. Alam naman niya na wala akong interest sa mga business-busunee na 'yan. "Cally!" tawag niya sa akin kaya naman umikot ang aking mga mata bago sumagot. "Ito na," tamad na wika ko at medyo binilisan ang paglalakad. Paggising ko ay hindi ko na naabutan ang mga bata dahil sinama naman daw ito ni Kuya Chase na magpunta kila Yulo. "Are you ready?" tanong niya kaya naman tumango ako. "Okay, let's go," aniya at hinawakan ako sa pulsuhan bago hilahin palabas ng bahay. Gusto kong matulog maghapon pero makulit masyado ang kapatid kong 'to. Sinabi ko na ayaw ko pero siya ay mapilit kaya wala akong nagawa kung hindi ang sumama. Pumasok ako sa kotse na sinakyan niya. Sumadal ako sa upuan at kinuha ang cellphone ko upang libangin ang sarili. Wala pa nga kami sa kompanya niya ay nakakaramdam na agad ako ng pagkabagot. "Alam ko naman na mabait ka pero maging mabait ka ro'n—" "Mukha ba akong bata?" tanong ko sa kaniya at sinamaan niya naman ako ng tiningan kaya naman itinikom ko na lang ang aking bibig. "Nando'n ang mga business partner ko kaya naman makisama ka sana," sabi niya kaya naman tumango ako. Business, business, business! Sumasakit na ang ulo ko kapag iniisip ko palang kung anong klaseng business ba ang ginagawa nila. Alam ko ay riyan din ang naging dahilan kung bakit ako naglayas sa amin dati. Anak ng ka-business partner ni Daddy ang dapat na ipapakasal sa akin. Tss. Binaba ko ang sinasadalan ko at pinikit ang mga mata dahil pagod talaga ako at walang maayoz na tulog tapos inistorbo pa ko ng isa na 'to. Alam ko na maikli lang ang tulog ko nang gisingin niya ako. "We're here," aniya bago bumaba at pagbuksan ako ng pinto. Bumaba naman ako at tumingala upang tingnan ang kabuuan ng building ng company niya. Mataas at mukha namang maganda ang pagkakagawa. "Hindi ko na maalala kung sino ang kinuhang Engineer dito ni Kuya Van pero sigurado ako na magaling siya," sabi niya kaya naman tumango ako. "Pero lagi mong tatandaan na wala ng mas gagaling pa sa'yo." Tiningnan ko siya bago mapakagat sa labi upang pilitin itago ang ngiti na gustong lumubas mula rito. "Tch," ani ko at naramdaman ko naman ang paghawak niya sa braso ko. "'Wag lang lalaki ulo mo," bulong niya bago niya ako hilahin papasok sa kaniyang magal na kompanya. Sa bungad pa lang ay may iilan nang yumuyuko at bumabati sa kaniya. Napapatingin din sila sa akin at sa tuwing binabalak kong ngitian sila ay nag-iiwas na sila ng tingin kaya naman mas pinili ko na lang yumuko at kumapit kay Kuya. Ang gara naman ng mga empleyado niya, manang-mana sa kaniya. Mga abno. "Good morning, Mr. Valencia!" masiglang bati sa kaniya ng limang kababaihan na halata namang empleyado niya. "Good morning, ladies," bati nitong magaling kapatid ko habang nakangiti kaya naman bigla kong naalala ang narinig kong usapan nila ni Kuya Chase kagabi. 'Chix boy.' "Ang g'wapo niyo naman, Mr. Valencia," wika ng isang babae kaya naman tiningnan ko ang katabi ko at may maliit na ngiti sa kaniyang labi. "Lagi naman akong g'wapo." Napangisi ako sa sinabi niya. Mahangin. "By the way, guys." Hinila niya ako at hinarap sa mga babae niya— este sa mga empleyado niyang babae. "This is my younger sister, Callista." Namilog ang mga mapupulang labi ng mga ito bago sila mag-unahan na lumapit sa akin at makipagkamay. "Hi, Miss Callista. I'm Charmie, nice to meet you po. You so pretty po," nakangiting wika nito kaya naman ngumiti rin ako sa kaniya bago makipagkamay. "Thank you, you're beautiful too," bati ko rito at agad siyang namula. "Excuse me." Bigla namang may isang babae ang humawi sa kaharap kong si Charmie. "Hello, Miss Callista. I'm Nellyn, ang cute-cute niyo po," sabi niya at nagulat ako ng sundutin niya ang pisnge ko. "Ang lambot ng pisnge!" "Hoy, Nellyn, lumayas ka muna nga riyan." Tinulak niya si Nellyn kaya naman napaatras ito. "Miss Callista, kumukhang-kumuha mo po si Sir Chester," anito at bahagya pang tumalon-talon. Ang akala ko ay may susunod pang magpakilala sa akin pero nagtaka ako nang bigla silang matigilan at biglang magsilayuan sa amin. "She's here," bulong ni Kuya kaya naman tumingin ako sa kaniya. "Who?" takang tanong ko sa kaniya. "My secretary, Ylla," bulong niya habang nakatingin sa kaniyang likuran kaya naman tumingin din ako rito at nakita ko ang isang babaeng may katangkaran na naglalakad habang nakatingin sa amin. Nang isang dipa na lang ang layo niya sa amin ay huminto siya at bahagyang yumuko. "Magandang araw po sa inyong dalawa," sabi nito habang nakayuko at 'yong boses niya ay maganda. Ito na ba ang secretary ni Kuya Ezekiel na pinag-uusapan nila kagabi? "Hello, Miss Callista. Masaya po ako na makita kayo sa personal, I'm Ylla Torres, your brother's secretary," pormal na pagpapakilala nito kaya naman tinaas ko sa kaniyang harap ang aking kamay. "Too formal but I like it, It's nice to meet you too, Miss Ylla," wika ko bago siya ngitian. Inabot niya ang kamay ko at nakipagkanay sa akin. Walang duda. Siya na nga. "Ylla, bring her to my office, nandito na sila Mr. Willson, kailangan ko silang salubungin," bilin ng kapatid ko bago tumingin sa akin. "Sa office ka muna, pupunta na lang ako ro'n kapag natapos na ako sa meeting namin," sabi niya bago ako halikan sa noo at muling bumaling sa kaniyang sekretarya. "Bantayan mo siya." 'Para naman akong bata.' "But, Mr. Valencia, I'm your secretar—" "I can handle this, just go with her," wika ni Kuya Ezekiel bago umali sa harap namin. "Let's go?" tanong ko kay Ylla kaya naman napatingin skya sa akin. "Yes po," magalang na sagot nito kaya naman nagsimula kaming maglakad. Siya ang nauunang maglakad habang ako ay nakasunod lang sa kaniya. Malay ko ba sa kompanya ng kapatid ko, ngayon nga lang din ako nakapasok dito baka maligaw pa ako. Sumakay kami sa isang elevator at pinindot niya ang number na sixteen kaya naman sumandal muna ako dahil mukhang mataas ang pupuntahan naming floor. Tahimik lang kaming dalawa. Ako naman ay inililibot ang paningin sa loob ng elevator. Mukhang nasa private elevator kami dahil sa design nito kaya naman tumingin ako kay Ylla at nakita ko na tahimik lang siya habang nakaharap sa pinto ng elevator. Tumikhim ako bago magsalita. "Can I ask you something?" tanong ko rito at napataas ang kilay ko nang makita ko na bahagya siyang napaigtag. "Y-yes," sagot nito sa akin kaya naman magsimula na ulit ako magsalita. "Uhmm, how old are you?" tanong ko sa kaniya. "I'm twenty-five years old," sagot niyang muli sa akin. Bata pa. "Matagal ka na bang secretary ni Kuya?" tanong ko sa kaniya. "5 years?" hindi siguradong sagot niya. Matagal na rin. Bata pa siya, kasing edad ko lang siya. Huminto ang elevator na sinasakyan namin at agad na bumungad sa amin ang isang floor na parang pang-VIP Sosyal. Lumabas siya kaya naman gano'n din ang ginawa ko. Nilibot ko ang paningin ko sa paligid at parang hindi naman office ang isang 'to. Parang maliit na bahay na 'to. Sosyal talaga. "Dito muna raw po tayo sabi ni Sir Chester, may gusto po ba kayong kainin o inumin?" tanong niya sa akin kaya naman tumingin ako sa kaniya. "No, I'm fine," nakangiting sagot ko rito. Umupo ako sa sofa na nakita ko. Matulog muna kaya ako? Hindi naman siguro magagalit ang isang 'yon. "Ylla, matutulog muna ako, p'wede mo akong iwan anytime, 'wag mong pansinin ang kapatid ko, do whatever you want," sabi ko rito bago umayos ng higa at ipikit ang mga mata. Medyo nagising ang diwa ko nang maramdaman ko na may humahaplos sa aking ulo at nakaunan na ako sa kung anong bagay. "Matulog ka pa," sabi nito. Si Kuya. Kuya Ezekiel. Boses niya 'yon. "Bumili ng pagkain sila Kuya Chase at Charlie, gigisingin na lang kita mamaya," sabi nito. Tumagilid ako upang maging komportable sa pagkakahiga. "Kasama nila si Maxine?" tanong ko rito. "Yeah, safe ang mga kapatid natin kaya sige na, magpahinga ka muna." Humikab ako bago idilat ang mga mata ko. Nawala na ang antok ko pero hindi muna ako tumayo sa pagkakahiga sa hita niya. "Tapos na 'yong meeting niyo?" tanong ko sa kaniya. "Yes, nagutom ako kaya tinawagan ko sila Kuya. Baka raw isama nila si Yulo dahil ayaw raw bitawan si Maxine," natatawang wika niya. "'Yong lalaki na naman na 'yon," sagot ko at handa na sanang tumayo pero napatigil ako nang may biglang kung anong matigas na bagay ang tumama sa mukha ko. "F*ck!" sigaw ko bago mapahawak sa mukha dahil sa sakit. "Ouch! What the f*ck!?" ani ko habang nakahawak sa mukha ko. "Mal*ndi!" sigaw ng kung sino kaya naman tiningnan ko ito habang magkasalubong ang mga kilay ko. "Aemie!" sigaw ni Kuya bago tumayo at lumapit sa babaeng nasa harap namin. "What the h*ll are you doing here!?" tanong ni Kuya, ako naman ay hinawakan ang pisnge ko dahil pakiramdam ko ay namanhid ang parte ng mukha ko na 'yon. "Napakal*ndi mo! Kaya pala ayaw mo akong pinapapunta rito ay dahil may kasama kang mal*nding babae!" naghihimutok na sigaw nito kay Kuya. "Can you shut your mouth!?" inis na tanong ni Kuya Ezekiel. Sino ba siya? "Mal*ndi ka! Play boy! Manloloko! Paasa! G*go!" sunod-sunod na sigaw nito kaya naman nag-init ang ulo ko, tumayo ako at lumapit sa kaniya. "Oi, ayusin mo 'yang pananalita mo. Hindi mo gugustuhin kapag lumapat sa bibig mo ang kamao ko," mahinahong wika ko at naramdaman ko na agad akong hinawakan ni Kuya Ezekuel. "Wow! Ang tapang ng kabit! Iba na—" Natawa ako sa sinabi niya dahilan para mapatigil siya sa pagsasalita. Akalain mo nga naman may girlfriend na pala 'tong kapatid kong abno. "Aemie," tawag ulit ni Kuya Ezekiel dito. "Hindi ko siya kabit, she's my sister, younger sister." "W-what!?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD