CHAPTER 19

1784 Words
Kinuha ko ang bag ng yelo at idinikit 'yon sa parte ng aking mukha na tinamaan ng bag na binalibag sa akin kanina ni Aemie. Nagkapasa na rin 'to kaya nagalit si Kuya Chase. "Kung ganiyang babae lang din naman ang irereto mo sa akin aba'y isaksak mo na lang 'yan sa apdo mo!" gigil na bulong ni Kuya Chase kay Kuya Ezekiel. "Sabi ko naman sa'yo na maldita ang isang 'yan," sagot naman ni Kuya Ezekiel bago mapatingin sa akin at mailing. Buti na lang at hindi kasama ni Kuya Chase sila Maxine at Charlie pagpunta rito dahil ayaw pa raw umalis sa mall ng mga ito kaya iniwan muna ni Kuya Chase kay Yulo ang mga bata. "I-i didn't mean that," sabi ni Aemie kaya naman tiningnan ko siya. "Tigilan mo ako, sinadya mo 'yon dahil nakita mo kaming magkasama ng kapatid ko, nagselos ka, wala naman palang namamagitan sa inyo ni Kuya Ezekiel," ani ko at napairap. Kung hindi ako nahawakan nila Kuya Chase at Ezekiel, siguro ay may pasa na ang isang 'to at ngumangawa sa harap ko. 'Yon nga lang ay nahagip ng kamay ko ang buhok niya kaya naman medyo nasaktan ko siya. "I'm sorry," mahinang sabi nito na hindi makatingin ng maayos sa amin kaya napairap na naman ako. Kabisado ko na ang mga klase ng mga babae na tulad nitong nasa harap ko, mga matapang sa una tapos kapag nalaman na relatives o magkapatid ang dalawang taong nakita nila ay daig pa nila ang maamong tupa. Plastic. Hindi ko na sana siya papatulan kanina pero kung ano-anong pinagsasasabi niya sa kapatid ko kaya nag-init na rin ang ulo ko. "Sa susunod kasi ay matuto kang magtanong, hindi 'yong sugod ka nang sugod. Tulad ngayon, bad shot ka kaagad sa akin at ngayon pa lang ay sinasabi ko nang wala kang pag-asa sa kapatid ko," prangkang wika ko at nakita ko na napangisi si Kuya Chase habang si Kuya Ezekiel naman ay napaklaro sa kaniyang lalamunan. Binaba ko ang hawak kong bag ng yelo at tumayo. "Ilugar mo ang sarili mo, tss." Humarap ako sa dalawa kong kapatid na hindi na nakapagsalita. "Kaya naman, ilugar niyo rin 'yang pagiging babaero niyo, napapahamak ang ibang tao ng dahil d'yan," sermon at agad na umapila si Kuya Chase. "Bakit naman nadamay ako!?" tanong nito kaya pinagtaasan ko siya ng kilay. Napakamot naman siya sa kaniyang pisnge bago mag-iwas ng tingin. "Naiintindihan niyo?" tanong ko sa kanilang dalawa at sabay naman silang napatango. "Ngayon, pahiramin niyo ako ng kotse at susunduin ko na ang mga bata." "Here, use my car." Hinagis sa akin ni Kuya Ezekiel ang susi na nasa baywanv niya kanina. "Be careful, i'll fix this mess." "Dapat lang," bulong ko at nilingon ang babaeng ngayon ay nakayuko na dahil sa hiya. Dapat lang siyang mahiya. Naglakad na ako palabas sa office ng kapatid ko at sumakay sa elevator na sinakyan namin kanina ni Ylla. Isa pa ang babaeng 'yon, nawala na lang bigla, may itatanong pa sana ako sa kaniya tungkol sa pinaggagagawa ng kapatid ko habang nandito sa kompanya. Pagbukas ng elevator na sinasakyan ko ay lumabas ako at nang makita ako ng mga tao ay nagyukuan silang lahat. Isa pang bagay kung ayaw ko talaga ang ganitong trabaho, ayaw ko na masyado akong tinitingala. Dumiretso ako sa parking lot at hinanap ang kotse na gamit namin kanina ni Kuya Ezekiel at buti na lang ay nasa bungad lang ito kaya hindi na ako nahirapan maghanap dito. Nagsimula akong mag-drive at tulad nang sabi ni Kuya Chase ay pumhnta ako sa Mall kung nasaan sila Yulo kasama ang mga kapatid ko. Habang nagda-drive ay magkasalubong ang mga kilay ko dahil ramdam ko pa rin ang sakit ng mukha ko dahil sa kagagawan ng Aemie na 'yon. Pasalamat siya ay medyo nasa maayos pa akong wisyo. Napalingon na naman akong muli sa site na nasa likod ng Mall. Naalala ko na naman din 'yong dalawang batang nakita ko no'ng nakaraan. Sino kaya ang mga magulang ng mgayon? Inihinto ko ang kotse ng gamit ko at bumaba. Mali rin ang mga tao sa may site no'ng mga oras na 'yon dahil hindi man lang sila naglagay ng kahit anong harang upang hindi mapunta sa lugar nila ang mga batang tulad no'ng mga bata na nakita ko no'ng nakaraan. Mapayapa akong naglalakad papasok sa mall habang pinaglalaruan sa aking kamay ang susi, balak ko na kumain na rin dahil nagugutom na ako. Akala ko kanina ay pagdating ni Kuya Chase ay may pagkain siyang dala pero nakalimutan niya raw bumili kaya naman mas lalong uminit ang ulo ko. Mabilis pa naman mag-init ang ulo ko kapag gutom ako. Pagpasok ko sa mall ay kinuha ko ang cellphone ko upang sana tawagan si Kuya Chase upang itanong ang cellphone number ni Yulo pero nagulat ako nang wala akong makapang cellphone sa bulsa ko. Tatakbo na sana ako pabalik sa sasakyan na gamit ko sa pa-aakalang nando'n 'yon nang parang bumalik sa ala-ala ko ang nangyari kanina. 'Yong phone ko ay nahulog sa sofa kanina nang batuhin ako ni Aemie ng bag niya. Napapikit na lang ako bago mapakagat sa labi. D*mn it! Ayaw ko nang bumalik sa kompanya na 'yon kaya naman mas minabuti ko na lang na magpatuloy sa paglalakad dahil hindi ko na kaya ang gutom na nararamdaman ko. Pumunta ako sa isang fast food upang do'n na lang kumain. Pagpasok ko ay agad akong nakakit ng bakanteng lamesa kaya ro'n na lang ako naupo at um-order ng makakain. Nasaan kaya sila Yulo? Saan na naman kaya dinala ng lalaking 'yon ang mga kapatid ko? Hindi ako mapalagay pero wala naman akong cellphone at gusto ko ng kumain. May lumapit sa aking isang waitress at kinuha ang mga order ko. Habang naghihintay ay nakatingin lang ako sa glass wall ng fast food chain, nililibang ang sarili dahil wala akong makausap. Maraming tao sa mall dahil araw ng Linggo ngayon. Family bonding. Biglang nag-iba ang mood ko. Family. "Here's you order, Ma—" Pagharap ko sa waitress na nagdala ng orders ko ay nagulat ako nang biglang tumapon sa akin ang lahat ng pagkain na nasa tray na dala ng dalaga. "The h*ll!" sigaw ko nang tumama pa sa mukha ko ang tray na hawak ng waitress, sa mukha ko kung saan may pasa. Napatayo ako at nasapo ang babaeng na-out of balance na para bang may tumulak sa likuran nito. "Aray ko po," anito habang hawak-hawak ko. Gumawa ng malakas na ingay ang pagkabasag ng mga plato at baso na naging dahilan upang mapatingin sa amin ang mga tao na nasa fast food chain. "Demetri!" Isang pamilyar na pangalan at boses ang narinig ko. "Demetri, are you okay?" tanong nito sa batang lalaki na nakatingala pala sa akin. Tiningnan ko siya at napataas ang kilay ko dahil sa hitsura niya, may karga na isang batang babae habang maraming hawak na paper bags. Bakit kasama niya ang mga batang 'to? Siya ba ang Tatay ng mga 'to? "God! I'm sor—" "Yo," bati ko rito bago itayo ang babaeng nakasubsob sa dibdib ko. "Are you okay?" tanong ko sa waitress na ngayon ay namumutla na. "Ma'am, s-s-sorry po," utal na wika nito habang sinusubukang punasan ang damit ko. Panay rin ang pagyuko niya sa harap ko. "It's okay, ako na." Hinawaka ko ang kamay ng babae dahil kung saan-saan na ito dumadapo. "P-pasensya na po t-talaga M-ma'am," anito habang hindi alam ang gagawin. "M-may tumulak po k-kasi sa akin." Sabay kaming tumingin kila Dylan na nakatayo sa likod namin habang may kinakausap na lalaki na mukhang manager ng fast food chain na 'to. "Gina," tawag ng lalaking kausap ni Dylan ang babaeng kaharap ko kaya naman agad na lumapit ang babae sa lalaki. "Ayos ka lang? Kung hindi ka naman nasaktan ay bumalik ka na sa trabaho mo," utos nito at yumuko ang babaeng waitress na kausap ko kanina. Lumingon pa ito sa akin at muling humingi ng pasensya bago tuluyang umalis. "Oh my god! You are the girl last time, right!?" tanong ng babaeng karga ni Dylan. "You're the beautiful girl! Oh my god! Tito Paps! Siya 'yong babae k'wento ko sa'yo lagi," anito na animong kinikilig. Tinaasan ko ng kilay ang dalawang batang nasa harap ko na ngayon. Ah, naalala ko na sila. "A-are you okay?" tanong sa akin ni Dylan kaya naman tumango ako bago tingnan ang damit ko na puro na dumi ngayon dahil sa pagkain na tumapon sa akin. Oo gutom ako pero bakit naman tinapon sa akin ang pagkain. Wala akong dalang cellphone. F*ck this! Uuwi na lang ako. Sigurado naman akong iuuwi ni Yulo ang mga kapatid ko, mayayari siya sa akin kapag hindi niya ginawa ang bagay na 'yon. Nagulat ako nang biglang lumapit sa akin ang batang lalaki na sa pagkakatanda ko ay nagngangalang Demetri. May hawk itong panyo habang pinupunasan ang sapatos ko na nadumihan din. "H-hey," tawag ko rito at tumingin kay Dylan. "Demetri," tawag ni Dylan sa batang nasa paanan ko. "'Yan, it's malinis na. Can you drive for us?" tanong nito nang matapos punasan ang sapatos ko na hindi naman nalinis. "Tito Paps is ubos na cash kaya wala na kami pambay—" Nahinto sa pagsasalita ang batang lalaki nang takpan ni Dylan ang bibig nito. "You're so talkative, Demetri," ani Dylan at namumulang tumingin sa akin. Sa tuwing nakikita ko ang mukha niya ay naaalala ko ang nakita ko kahapon. Umiling na lang ako. Ano ba naman 'to, sabay-sabay na trouble. Nanlalagkit na ako at gusto ko nang umalis pero hindi ako makaalis dahil magmumukha naman akong bastos kung tatalikuran ko na lang sila Dylan lalo na at KLIYENTE ko siya. "Ate Ganda, can you drive for us?" Ngayon ay ang batang babae naman ang nagsalita. Seryoso ba talaga sila sa sinasabi nila? Wala ba silang kotse? "Riy—" "Bakit ko kayo ipagda-drive?" tanong ko sa batang babae na nasa harap ko. Alam ko na nakatingin na silang tatlo ngayon sa akin at nakakaawa silang tingnan, mukhang tatay si Dylan sa hitsura niya ngayon. Napangisi ako dahil sa naisip ko. "He don't have any cash na po," sagot nito sa akin kaya naman napatango ako. Ubos ang pera ni Dylan sa mga bata na 'to. May idea na ako kung kaninong mga anak 'to. "Oh, then let's go, ipagda-drive ko kayo but before that i'll change my clothes muna, okay?" tanong ko rito at ginulo ang buhok. Tumingin ako kay Dylan na ngayon ay nakatingin sa akin. Nginisihan ko siya ng nakakaasar. "Kawawa ka," sabi ko rito at agad na namula ang mukha niya. "Tanggal angas mo sa mga pamangkin mo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD