DYLAN's POV
Hindi ko alam kung paano kong malilinis ang kahihiyan na nagawa ng mga pamangkin ko at sa mismong harap pa talaga ni Eve and now she's front of me habang may ngisi sa mga labi.
"Kawawa ka naman, Dylan. Naging taga-alaga ka lang ng pamangkin," pang-aasar niya sa akin.
I know she's teasing me pero hindi ako natutuwa.
Hindi ako makapagsalita dahil baka mag-iba bigla ang mood niya at hindi na kami ihatid sa bahay.
Naubos ang lahat ng cash ko at nakalimutan ko ang mga cards ko kaya naman mukha talaga akong kawawa ngayon.
Kung hindi ko lang naman kailangan ang tulong niya kanina pa kami umalis nila Riye at Demetri pero wala rin kaming sasakyan.
Si Ate naman kasi.
"Ate Ganda, how old are you na po?" tanong ni Riye at gusto ko siyang patahimikin dahil sa kadaldaan niya.
"I'm twenty-four, and you are?" balik na tanong ni Eve.
"We're five years old and we're turning six years old in this up coming August," sagot ni Riye.
"Oh, that's true?" Eve asked Riye again.
"Yes and you're invited," masayang wika ni Riye at napatingin naman ako sa karga kong si Demetri na mahimbing na natutulog.
Nakatulog si Demetri habang hinihintay namin na makapagpalit ng bagong damit si Eve kanina.
"Hintayin niyo na lang ako rito, kukunin ko lang sandali ang kotse ko," aniya at hindi pa nga ako nakakasagot ay umalis na siya sa harap namin para kunin ang kotse niya na nakaparada siguro sa parking lot.
Tiningnan ko naman si Riye na nakatanaw kay Eve na papalayo na sa amin.
Si Eve ang magda-drive.
Napalunok ako.
Sa tuwing siya ang hahawak ng manubela ay parating dinadaga ang dibdib ko dahil hindi pa rin nawawala sa alaala ko ang ginawa niya sa akin no'ng nasa college pa kami.
Daig niya pa ang nakikipagkarerahan no'n.
That Eve.
Tinanaw kong muli si Eve na malayo na sa amin.
She's back after five years.
Nagbalik siya na ibang-iba na, sa pagiging boyish at mala-l*sbian na pormahan at ngayon ay babaeng-babae na siya, mula sa maikli at panlalaking buhok ngayon ay humaba na ang buhok siya, she's totally changed.
Kahit na alam kong babae siya bago pa lang siya umalis ay nagulat pa rin ako nang makita ko siya sa La Union.
Napakalayo na niya sa dating Eve.
Pero after five years, nakaya ko, nakaya ko na wala siya at do'n ko nakilala si Rein.
Napayuko ako bago makapangiti.
Rein changed my life after Eve's left me.
She's always there if I need someone to talks, she's always beside me no'ng mga panahon na akala ko ay hindi na ako makakaalis sa nakaraan ko pero 'eto na kami at pinagpapatuloy ang buhay ng magkasama.
Napatingin ako sa harap ko nang may bumusina ro'n at nakita ko si Eve na nakasakay na sa kotse… niya? Ibang kotse ang gamit niya no'ng nasa La Union kami, ah?
Well, I forgot, she's part of the Valencia family.
Hinawakan ko si Riye bago maglakad papalapit sa kotse niya, kusa namang nagbukas ang pinto ng kotse kaya pinasakay ko na si Riye ro'n.
Pumunta naman ako sa passenger's seat at do'n nilapag si Demetri na hanggang ngayon ay tulog pa rin.
Nang mailapag ko na si Demetri ay agad kong binalikan ang mga pinamili namin dahil baka naiinip na ang isang 'to at iwan na lang ako.
Nang maisakay ko na ang lahat ng pinamili namin sa likod ng sasakyan ni Eve ay agad naman akong bumalik sa passanger seat at binuhat muli si Demetri upang kalungin.
"Okay ka na?" tanong ni Eve at magsasalita na sana ako nang magsalitang muli si Eve. "Riye?" tanong ni Eve sa pamangkin ko na nasa back seat at abala sa laruan niyang baril.
'Akala ko ay ako ang tinatanong niya, muntik na akong mapahiya.'
"Yes," sagot ni Riye kaya naman binuhay na ni Eve ang makinang sasakyan niya.
Ito na.
Nakasakay na ako kay Eve no'ng umuwi kami galing La Union pero hindi pa rin nawawala ang kaba sa dibdib ko sa tuwing aandar na ang sasakyan at siya ang driver.
Muli kong sinulyapan si Riye at nakita ko na nakasuot na sa kaniya ang seat belt niya.
Napatingin ulit ako sa hawak niyang laruan.
Ang weird ni Riye, mahilig sya sa mga laruan tulad ng baril, espada at granada.
Konti na lang talaga at mapagkakamalan ko ng gusto niyang maging mandirigma paglaki niya.
Napailing ako.
Bakit ba kasi sa akin iniwan ni Ate ang mga anak niya e p'wede naman niyang isama ang mga 'to sa hospital.
Pati ang kotse ko ay tinangay.
Tss.
"Saan ba ang bahay niyo?" tanong ng driver namin.
"Mag-drive ka lang, ituturo ko sa'yo ang direksyon," sagot ko at nakita ko na napatango siya bago magpatuloy sa pagmamaneho.
Mukhang normal lang sa kaniya ang lahat.
Hindi ba siya naapektuhan sa nakaraan namin?
E, ano naman ang pakialam ko kung naapektuhan siya o hindi?
She's with Atreus at alam ko na may relasyon silang dalawa tulad ng sabi sa akin ni Rein.
She's happy with Atreus and I don't care about them
Hindi na ako kumibo at tumingin na lang din sa dinaraanan namin.
Sa ilang araw naming pananatili sa La Union ay parang ibang Eve na ang kasama ko ro'n, she's not the Eve na nakilala ko limang taon na ang nakalipas.
Si Eve na kilala ko ay hindi palangiti at lagi lang tahimik, pero ngayon ang kaharap kong Eve ay ibang-iba.
Naging palangiti siya at umamo na rin ang boses niya hindi tulad ng boses niya dati na malalim at malaki.
Aish, bakit ba pinapansin ko pa ang bagay na 'yon?
Wala na akong magagawa kung nagbago na siya.
Wala na akong pakialam sa kaniya.
"Iliko mo sa kaliwa," utos ko rito at agad naman niyang niliko 'yon sa sinabi kong direksyon.
Naramdaman ko naman na gumalaw si Demetri kaya tiningnan ko ang pamagkin ko.
"Papa," anito kay inayos ko siya ng upo at hiyakap.
"How's your sleep, baby?" tanong ko rito at agad naman siyang ngumuso at kinusot ang mata ko.
Bakit ba ang cute ng mga pamangkin ko?
Parang gusto ko na tuloy magkaanak pero ayaw ko munang galawin si Rein hagang hindi pa kami naikakasal dahil nirerespeto ko pa rin siya kahit na magkasintahan na kami.
"Papa," ani Demetri kaya ngumiti ako rito.
"He's in the mansion," sagot ko rito at nakita ko na sumulyap siya sa likod ko kung nasaan si Riye na tahimik din sa likod.
Hindi naman na nagsalita ulit si Demitri at sumandal na lang ulit sa dibdib ko.
Bigla naman akong napatingin kay Eve nang biglang tumunog ang cellphone nito.
Tinanggal niya ang isang kamay niya sa manubela kaya naman napalunok ako bago tumingin sa harap sa may daanan.
'She's stup*d! Hindi niya alam na may kasama kaming mga bata tapos isang kamay lang ang gagamitin niyang pan-drive.'
Napalunok ako ulit bago kumapit sa hawakan sa may ulo ko.
Narinig ko naman ang boses ni Eve na parang may kinakausap sa telepono niya.
"Hello, this is Callista Valencia. I'm his sister, who is this?" anitong katabi ko habang patuloy sa pagpapatakbo. "Ah, naiwan niya ang phone niya sa kotse. Kung gusto mo ay pag-uwi ko saka ka na lang tumawag." Binaba niya ang cellphone na hawak niya bago muling ilagay ang kamay sa manubela kaya medyo nakahinga na ako ng maluwag.
"Saan na tayo?" tanong sa akin nito at hindi naman sa kalayuan ay natanaw ko na ang bahay namin kaya tinuro ko na sa kaniya ito.
"D'yan sa may malaking bahay na 'yan," wika ko at tumango naman siya bago bilisan ang takbo at ihinto ang kotse niya sa may tapat mismong bahay namin. "Ipasok mo na."
"Hindi na," sagot nito bago magtanggal ng seat belt. "Saglit lang naman ako, ibaba ko lang ang mga pinamili niyo saka ako aalis." Hindi na ako nakapagsalita nang bumaba na siya at nakita ko na buksan niya ang pinto sa may likuran at buhatin niya pababa si Riye kaya naman napailing na lang ako bago bumaba na rin sa kotse niya.
Binaba ko na rin si Demitri upang tulungan si Eve na magbaba ng mga pinamili ng mga pamangkin ko.
Pumunta ako sa likod ng kotse kung saan naabutan ko si Eve na nakatayo at sinisimulan nang ibaba ang mga pinamili namin kaya lumapit na ako sa kaniya upang tulungan na siya.
Dinampot ko ang isang plastic pero hindi ko inaakala na dadamputin din pala 'yon ni Eve kaya napatigil kaming dalawa nang mahawakan ko ang kamay niya na nakahawak sa plastic na dadamputin ko sana.
Titingnan ko pa lang sana siya pero agad na niyang binawi ang kamay niya na nadadagan ng kamay ko, agad siyang tumalikod sa akin at kunwari ay naging abala siya sa pag-aayos ng mga plastic na ibinaba niya.
Napailing na lang ako bago ipagpatuloy ang ginagawa kong pagbababa sa mga pinamili namin sa Mall.
Ang karamihan dito ay mga laruan ng kambal at ang iba ay mga gamit na magagamit ko sa pagguhit.
Napahinto pa ako saglit bago mapatingin kay Eve.
Buti na lang ako naalala ko.
May binilin nga pala sa akin si Rein na sabihin at itanong kay Eve.
Kailangan kong kausapin ang isang 'to.
Nakatalikod na ito habang nakatanaw sa bahay namin kaya pati ako ay napatingin sa malaking bahay na nasa harap ko.
"How's my design?" tanong ko sa kaniya.
Hindi naman siya agad kumibo na parang pinag-aaralan nang mabuti ang bawat sulok ng bahay namin na ako na mismo ang nagdisenyo.
"It's good," maikling sagot nito kaya napatango ako nang dahil sa sinabi niya. "Everything is good."
"Well, ako gumawa e," biro ko pero imbes na matawa siya ay napairap lang siya na ikinangisi ko. "By the way, can we talk?" tanong ko rito kaya sa akin nalipat ang paningin niya na nasa bahay namin.
"About what?" anito kaya napakibit-balikat ako magsalita.
"About sa project natin? At may ibinilin din sa akin si Rein na kailangan kong itanong sa 'yo kaya if you don't mind, can we talk inside?" tanong ko rito na sinenyas pa ang bahay namin.
Akala ko ay hindi siya papayag dahil matagal bago siya bago sumagot makalipas lang ng ilang minuto ay tumango ito kaya napatango ako bago siya isama papasok sa bahay namin.
Pagpasok namin si Mama agad ang bumungad sa amin.
"Abraham, hijo," bati nito sa akin bago lumapit upang gawaran ako ng halik sa pisnge, bahagya namang namula ang mukha ko dahil sa ginawa ni Mama.
Okay lang sana na halikan niya pa rin ko sa pisnge basta ay 'wag lang sa ibang tao.
Nakakahiya.
"M-ma," tawag ko rito at imbes na sa akin siya mapatingin, mas napansin niya pa ang kasama ko na tahimik habang nakatingin sa kaniya.
Lalapit na sana ako kay Eve upang ipakilala siya kay Mama pero agad na itong yumuko upang magbigay galang sa rito ko.
"Magandang araw po," bati nito kay Mama habang nakayuko.
"Nako, Abraham, bakit hindi mo sinabi na may darating ka pa lang bisita para nakapaghanda ako, nako, teka, hija, nagugutom ka ba? Ano ang gusto mong kainin?" sunod-sunod na tanong ni Mama sa kasama ko na mukhang nagulat sa pagiging tuliro ni Mama kaya lumapit ako rito bago siya hawakan sa magkabilang balikat upang pakalmahin.
"Relax, Ma. She's Engineer Valencia, siya ang Engineer ng bahay na ipapatayo namin ni Rein sa La Union," sabi ko rito bago tumingin kay Eve na ngayon ay nakatingin sa akin.
Pilit akong ngumiti sa kaniya bago iharap si Mama.
"Mama ko," pakilala ko rito.
"Callista po." Itinaas niya ang kamay niya upang makipagkamay sa Ina ko na ngayon ay nakangiti sa kaniya.
Ngiti na halatang nagustuhan niya si Eve.
Ganiyan din namn reaksyon niya no'ng malaman niya na ikakasal kami ni Rein.
"Napakagandang dalaga, kumain ka na ba?" tanong nito sa kasama ko.
Saglit pang napatingin sa akin si Eve bago sumagot kay Mama.
"Hindi po, ang totoo po niyan ay kakakain ko lang no'ng makita ko sila Dy—lan, kaya ayos lang po ako," magalang na sagot nito.
Dinilaan ko ng mga labi ko nang maramdaman ko na nanunuyo ang mga 'to.
'D*mn, ang layo na niya sa dating siya.'
Napailing ako bago bitawan si Mama at harapin na siya.
"Tara sa likod, do'n na lang tayo mag-usap," agaw ko sa atensyon niya na agad ko namang nagawa. "Ma, 'wag ka na raw mag-abala, saglit lang namin kami, may pag-uusapan lang kami," bilin ko rito bago muling senyasan ang kasama ko na sumunod sa akin sa likod bahay.
Nakita ko na muli siyang yumuko kay Mama upang magpaalam bago sumunod sa akin papunta sa likod bahay.
Habang naglalakad ay hindi ako mapakali.
Hindi ako komportable— hindi, kinakabahan 'ata ako.
'Saan naman!?'
Napapikit ako at muling nagpatuloy sa paglalakad.
May sasabihin lang naman ako sa kaniya kaya hindi dapat ako kabahan nang ganito.
Kalma, Dylan. Kalma.
Huminga ako nang malalim bago huminto sa upuan na bato na nandito sa likod ng bahay namin.
Naramdaman ko siya na nasa likod ko kaya hindi ako humarap sa kaniya.
Hindi ko na kaya na makita ang mukha niya na para bang walang nangyari.
Na parang normal lang ang lahat.
Muli akong huminga nang malalim.
"Ano nga pala ang sasabihin mo?" tanong nito na mukhang hindi na makapaghintay sa sasabihin ko.
Naupo ako sa upuan na nasa tabi ko bago tapikin ang tabi ko.
"Upo ka," alok ko sa kaniya pero hindi na siya kumilos pa sa kinatatayuan niya.
"Okay na ako rito, saglit lang naman akong tatayo," tanggi nito sa akin kaya napakibit-balikat na lang ako ulit bago magsimulanh magsalita.
"Ibinilin lang sa akin ni Rein na sabihin ko raw sa 'yo na baka raw makumbinsi mo si Atreus na makipag-usap sa Daddy niya—"
"That's impossible," agad na pagputol niya sa sasabihin ko kahit na hindi pa ako tapos magsalita. "Hindi ako makikisali sa usapan tungkol sa pamilya nila, pakisabi kay Rein na hindi ko siya mapagbibigyan sa hiling niya na 'yan," tumalikod siya na parang handa nang umalis kaya napatayo ako bigla para pigilan siya.
"Wait," ani ko at hindi ko namalayan na napahawak na ako sa braso niya kaya naman nang lingunin niya ako ay sa kamay ko agad dumapo ang paningin niya.
Kaya dahan dahan ko itong binawi at napalunok nang magtamang muli ang paningin namin.
"Look, Dylan, Rein is my friend but I can't do that, involved ang pamilya nila sa usapan na 'yan at wala akong balak na makisali pa sa kanila kaya kung wala ka ng ibang sasabihin ay aalis na ako, marami pa akong gagawin," litanya na nakapaglahinto na sa akin lalo na nang harapin niya ako at salubungin ang mga titig na ibinibigay ko sa kaniya. "Alam ko na maiintindihan ni Rein ang rason ko, hindi mo na kailangan magpaliwanag sa kaniya dahil ako na ang kakausap sa kaniya para sa 'yo," dugtong pa nito bago ako tapikin sa balikat at tuluyang maglakad palayo sa akin.
Tiningnan ko siya na naglalakad na paalis.
Tanging likod na lang niya ang nakikita ko.
Para akong naitulos sa kinatatayuan ko at bigla na lang bumigat ang paghinga ko nang may maalala na naman ako kaya hindi ko na napigilan pa ang aking sarili na tawagin siyang muli upang mapahinyo siya sa paglalakad.
"Eve!" tawag ko rito na agad na napahinto.
"Cally," sabi nito at nanatiling nakatalikod sa akin. "I'm Cally not Eve."
"May isa pa akong gustong itanong," sabi ko at napalunok.
Hindi ako matatahimik hanggang hindi ko nalalaman ang dahilan niya kung bakit ang tagal niya bago bumalik.
Hindi ko na dapat inuungkat pa ang bagay na 'yon pero I want to hear her side, gusto ko na marinig ang dahilan niya na sa mismong bibig niya mismo manggagaling.
"Bakit?" tanong ko rito. "Bakit… bakit ngayon ka lang?" tanong ko at nakita ko naman na napakamot siya sa kaniyang batok na para bang hindi man lang interesado sa tanong ko.
Mula sa kinatatayuan niya pumihit siya paharap sa akin kaya nakita ko ang malalamig niyang mga mata na ang tagal ko nang hindi nakita.
'Yong mga mata na labis kong nagustuhan sa kaniya NOON pero nawala na 'yon.
Nagbago na ang lahat at pati siya ay nagbago.
"Alam ko na hindi na dapat natin 'to pinag-uusapan pero gusto ko lang sana marinig mula sa 'yo 'yong dahilan kung bakit ang tagal mo bago bumalik? Hinintay kita sa loob ng dalawang—"
"Mahalaga ang bawat segundo sa akin, ang bawat minuto na lumilipas at mga oras na nasasayang ng dahil sa walang k'wentang bagay, kung 'yan lang din naman ang pag-uusapan natin, sinasabi ko na sa 'yo, Dylan. I don't have enough time for that past sh*t, hindi ko na kailangan magpaliwang sa 'yo 'cause that none of your business," wika nito bago magpakawala ng isang malalim na hininga. "'Wag mo akong personalin, trabaho ang pinunta ko rito at hindi ikaw kaya kung hindi mo mamasamain, Mr. Enrique. Aalis na ako dahil naghihintay pa sa akin ang napakadaming trabaho sa bahay."
Hindi na ako nakapagsalita lalo na nang makita ko siyang napailing at muling tumalikod sa akin.
Pinanood ko na lang siya makalayo sa akin at hindi na muling tinangkang tawagin siya.
She's right.
Hindi na niya kailangan magpaliwanag sa akin.
Sino ba naman kasi ako sa kaniya.
May sarili na akong buhay at mukhang gano'n din siya.
Hindi na namin kailangan ungkatin pa ang nakaraan para wala ng masaktan pa sa amin.
Napatingala ako bago mapangiti.
Sa nakalipas na limang taon alam ko sa sarili ko na okay na ako.
Masaya na ako at sasaya pa ako sa piling ni Rein.
Ipinikit ko ang mga mata ko upang damahin ang lamig ng hangin na tumayama sa mukha ko.
'Welcome back, Eve.'