CALLISTA’s POV
Maaga akong nagising ngayon dahil kailangan kong maghanap ng eskwelahan na p’wedeng mapasukan ng mga kapatid ko.
Hindi p’wedeng nandito lang sila sa bahay.
Inaayos na rin naman ni Kuya Chase ang mga papel nila para rito na sila sa Pilipinas maging citizen.
Dito na kami titira.
“Nasaan si Kuya Ezekiel? Pati ang mga bata?” tanong ko isang kasam-bahay na nakita ko nang makababa na ako sa sala.
Wala akong naabutan na ibang tao bukod sa mga kasam-bahay namin dito sa bahay.
“Ma’am, sinama po sila ni Sir Chase, pupunta raw po sila kila Sir Yulo dahil gusto raw po makita ni Madam ang mga bata.” Napatango ako sa sinagot sa akin nito.
Nabanggit nga sa akin ni Yulo na gustong makita ng Mommy niya sila Maxine, hindi ko naman inakala na ngayon na pala ang araw na ‘yon.
Nang marinig ko ang sinabing ‘yon ng kataulong namin ay muli na akong bumalik sa k’warto ko upang tingnan sa internet kung ano ang eskwelahan na maaari nilang pasukan.
Pagpasok ko ay agad kong kinuha ang laptop ko at tumingin do’n ng mga eskwelahan na may magandang feedback.
Mas mabuti nang sigurado ang kaligtasan ng mga kapatid ko.
Kahit na mahal pa ang tuiton dito ay wala kaming pakialam sa babayaran, ang mahalaga ay may matutunan ang mga kapatid ko at makakapag-aral sila nang maayos.
“Oh.” Namilog ang aking bibig nang matigilan ako sa isang litrato ng eskwelahan dumaan sa screen ng laptop ko. “Villa Rose,” basa ko sa pangalan ng eskelahan na ngayon ay nasa screen ko.
Napakunot naman ang aking noo nang dahil sa nakita ko.
Oo nga pala, may eskwelahan nga pala kami.
Bakit hindi ko naalala ang bagay na ‘yon?
May sarili nga pala kaming eskwelahan tapos nagpakahirap pa akong maghanap ng eskwelahan na mapapasukan ng mga kapatid ko.
Napabuntong-hininga ako.
Pambihira.
Napailing ako bago tingnan ang feedback ng eskwelahan na pinaggalingan ko no’n.
Si Jade nga pala ang iniwan at pinagbilinan ko ng eskwelahan tapos hindi man lang niya binggit sa akin ang bagay na ‘yon no’ng magkita kami.
“Ang babait ng mga estudyante ng Villa Rose, hindi tulad ng mgaka-batch nila Third, mga basag-ulo,” basa ko sa isang feedback at napangisi ako nang dahil do’n dahil ang tinutukoy niyang mga estudyante ay mga ka-batch ko. “Goods at mababait ang mga teacher.” Napatango ako sa nabasa ko bago magpatuloy sa pagbabasa ng kanilang mga feedbacks.
Natutuwa ako sa mga nababasa ko dahil mukhang karamihan sa kanila ay mga ka-batch ko at ang mga anak na nila ang ng-aaral ngayon sa Villa Rose.
Mukhang wala naman akong nakikitang pangit na feedback tungol sa eskwelahan namin kaya napagdisesyonan ko na rito na lang papasukin sla Maxine.
Do’n na sila mag-aaral.
Natatawwa na lang ako sa isipin na nakalimutan ko ang eskwelahan namin.
‘Sobrang hangal ko para kalimutan ang pinakamalaking bagay na iniwan sa amin ni Mama.’
Napabunga ako ng hangin sa aking bibig bago lumabas ng k’warto upang pumunta na sa eskwelahan.
“Kapag nakauwi na sila Kuya at hinanap ako, just tell them na nasa eskwelahan ako, sa Villa Rose,” bilin ko sa mga kasam-bahay namin bago ako tuluyang umallis sa mansion.
Limang taon na rin pala ang nakakalipas simula nang iwan niya kami at sumama kay Mommy na nasa heaven na riin.
Si Papa rin.
Lahat na sila ay wala na, ang tanging mayro’n na lang kami ay ang mga kapatid namin pati si Lolo.
Kailan kaya uuwi sila Kuya Van at Lolo?
Madalang na namin silang makausap at alam ko naman na sobrang busy nila pero sana naman ay hindi nila pinababayaan ang sarili nila.
Ang katawan at kalusugan nila.
Inihinto ko ang kotse ko nang matagpuan ko na ang eskwelahan… Eskwelahan kung saan umikot ang pitong buwan ko kasama ang mga taong no’n ko lang nakilala at nakasama.
Bumaba ako at sinuot ang dala na sunglasses upang matakpan ang mga mata ko sa sinag ng araw habang naglalakad ako papasok sa loob ng campus.
Nang makita ko pa lang ang pangalan ng Villa Rose ay may naramdaman na agad akong kakaiba.
Parang ang saya na makitang muli ang lugar na ‘to.
Hindi ko tuloy napigilan ang aking sarili na mapangiti habang naglalakad papasok, nakikita ko kasi ang bawat sulok ng Villa Rose kung saan habang nakikita ko ang mga sulok na ‘to ay para bang bumabalik sa akin ang lahat.
Kung saan nagsimula at natapos ang lahat.
Napangiti ako.
Hindi dahil sa saya kung hindi sa sakit.
Pakiramdam ko ay gusto kong ibalik ‘yong kahapon.
‘Yong kumpleto pa kami at walang ibang iniisip kung hindi ang pagtatago ko at pagpapanggap.
Gusto kong maranasan ulit ‘yong lagi kaming sabay-sabay kumain sa cafeteria.
Masaya.
Laging magkakasama.
Gusto ko lang maranasan ulit ‘yon, ‘yong lagi silang nasa tabi ko.
Napahinto ako sa aking paglalakad nang maramdaman ko ang paghapdi ng gilid ng mata ko.
Wala e.
Ngayon kasi ay may kaniya-kaniya na silang buhay at ako? ‘Eto, nagpapatuloy sa buhay na hindi ko alam kung ano ang hahantungan.
“Valencia?” Napatingin ako sa aking likod nang may marinig akong isang boses dito na tumawag sa pangalan ko.
“Mr. Dean,” bati ko rito nang makita ko siyang nasa likod ko.
“Nako, ikaw nga, hija, ano’ng ginagawa mo rito? Nakabalik ka na pala ng bansa, ay, teka, tara sa office at doon tayo mag-usap, mainit dito,” aniya kaya smunod ako sa kaniya nang magsimula siyang maglakad papunta sa Dean’s Office.
Akalain mo ‘yon, buhay pa pala si Dean.
Biro lang.
Matibay talaga ang mga Velasquez.
Pinapasok at pinaupo nya ako sa loob ng office niya.
Pinagtimpla ng tsaa at binigyan ng tinapay.
“Salamat, Dean, sakto at hindi pa ako kumakain ng almusal,” biro ko rito at natawa naman siya kaya nagsimula na akong kumain dahil totoo ang sinabi ko.
Nakalimutan kong kumain bago umalis.
"Nako, sige, kumain ka lang, kung gusto mo ng ibang pagkain ay magsabi ka lang para maipabili natin," aniya kaya nginitian ko siya bago magsimulang kumain. "Kumusta ka na ba? Ang tagal na rin simula nang huli kong kita sa 'yo?" tanong niya sa gitna ng pagkain ko kaya tiningnan ko siya bago mapakamot sa aking batok.
"Ayos naman po ako, medyo nagbago ng kaunti—"
"Kaunti?" tanong nito na nakapagpatigil sa akin sa pagsaslita. "Nagbago ka, hija, ibang iba ka na sa dating Valencia na nakilala ko, nako, kung p'wede ko lang talaga ibalik ang nakaraan sana ay hindi gano'n ang nangyari sa 'yo, pagpasensyahan mo na at hindi kita agad nakilala no'ng mga oras na 'yon." Tuluyan na akong napahinto sa aking pagkain nang dahil sa mga sinabing 'yon ni Dean.
Natawa ako nng mahina bago ibaba ang hawak na tasa na may laman na tsaa.
Tiningnan ko siya na may ngiti sa mga labi.
Kitang kita ko sa kaniyang mga mata ang pagsisisi.
"Dean, matagal na po ang bagay na 'yon, kalimutan niyo na lang po ang bagay na 'yon dahil ang mahalaga ay nakapagtapos kaming lahat, pati si Third," sabi ko rito at napayuko naman siya. "Past na 'yon at wala na akong balak na balikan pa ang bagay na 'yon, let's enjoy our life, Dean. 'Wag natin masyadong i-stress ang sarili natin, maging masaya na tayo sa buhay na mayro'n tayo." Nginitian ko si Dean pagkatapos sabihin ang mga bagay na 'yon.
Napatango siya sa akin bago muling magbaba ng tingin.
Magsasalita na sana akong muli pero may nakaagaw ng pansin ko.
May isang picture frame ang nakapatong sa lamesa sa likod ni Dean.
Wala na sana akong balak na pansinin pa ang bagay na 'yon pero 'yong mga nando'n ay ang mga ka-team ko sa volleyball.
Sila Axe.
Napansin siguro ni Dean na natigilan ako kaya sinundan niya ang tinitingnan ko at nakita niya ang picture frame sa likod niya kaya kinuha niyo iyon bago mapabuntonghininga.
"Kayo 'to, ang buong team ng boys volleyball team," aniya bago iabot sa akin ang hawak niyang picture kaya kinuha ko 'yon.
Nakapila kami habang ang kamay namin ay nasa dibdib namin at nakatingala.
Ito ang pila namin sa loob ng arena no'ng championship, bago magsimula ang laro.
"Hindi ko alam na kinuhanan pala kami ng picture no'n," sabi ko bago mapangiti habang nakatingin sa hawak kong litrato.
Ang bawat isa sa amin ay seryoso ang mukha.
Halatang mga kabado.
Hinaplos ko ito bago tumingin kay Dean.
"Nasaan na kaya sila?" tanong ko rito.
Klinaro niya muna ang kaniyang lalamunan bago itaas ang kamay upang kunin ang hawak kong litrato.
"May kaniya-kaniya na silang buhay, ang iba ay nagpatuloy sa paglalaro o pagtuturo ng volleyball habang ang iba mas piniling tuparin ang kanilang pangarap sa buhay, tulad ni Axe na ngayon ay isang Doctor na sa isang sikat at malaking hospital," sabi nito bago ituro si Axe na nasa litrato.
Kung gano'n ay naging doctor pala siya.
Sinundan niya ang yapak ng kaniyang Ate.
Napangiti ako kapag naaalala ko ang mga pangyayari habang magkasama kami.
Biglang gusto ko siyang makita.
"Si Kale ay isang trainor, nagt-train siya ng mga lalaki at babaeng player na gustong maging isang mahusay na player sa larangan ng volleyball, si Clarence ay isa ng Piloto at napangasawa ang isa sa mga kambal na si Ruby—"
"What!?" gulat na tanong ko kay Dean nang marinig ko ang sinabi niya. "T-talagang sila ang nagkatuluyan?" tanong ko rito at napatango naman siya kaya napahawak ako sa aking bibig.
My god!
Buti na lang at sila ang nagkatuluyan, ang huling balita ko sa kanila no'n ay buntis si Ruby and I didn't know na si Clarence na pala ang Ama.
Well, congrats sa kanila.
Sana ay makita ko rin sila.
"How about Hobi? Nasaan na siya?" tanong ko kay Dean at tiningnan naman niya ang hawak niyang picture.
Napangiti siya bago muling iabot pabalik sa akin ang hawak niyang frame.
“Nagpatuloy siya sa paglalaro ng volleyball at ngayon ay nakasali siya sa isang sikat na boys volleyball team at ang nilalabanan nila ay mga international team din,” kuwento ni Dean kaya napakagat ako sa aking labi bago mapayuko sa frame na hawak ko.
‘You did great, Hobi. I’m so proud of you kahit nasaan kaman ngayon.’
“Sa bawat larong nilalabanan nila ay lagi niyang dala ang buong team sa puso niya at kasama ka na ro’n, Madam Cally.”
Hindi ko na napigilan ang mga luhang kusa nang kumawala sa aking mga mmata.
I’m so happy for him, very happy.
Hindi ko alam na sa mga nangyari sa kaniya ay nagawa niya pa rin magpatuloy.
Ginawa niyang inspiration ang mga 'to at mas lalong pinatibay ang sarili.
Hindi ako nagsisisi na nakasama kita sa team Hobi.
Pinagmamalaki kita.
Deserve mo kung ano man 'yong nakuha at narating mo ngayon.
Agad kong pinunasan ang mga luha ko at inayos ko ang sarili ko bago muling humarap kay Dean.
Ngumiti ako rito bago iabot pabalik ang hawak kong bagay.
"Salamat po sa mga sinabi mo, Dean. Natutuwa ako na malaman na ang layo na ng narating nila at masaya ako para sa kanila pero maiba na po tayo, sabihin ko na talaga ang tunay na pakay ko rito."
"Yeah, oo nga, bakit ka nga pala napasyal nang walang pasabi?" tanong nito sa akin kaya inilibot ko ang aking paningin sa paligid.
"May dalawa kasi akong kapatid na mas bata sa akin, Dean. Ang isa ay fourth year high school na at ang isa naman ay grade 2, balak ko na rito na lang sila pag-aralin dahil dito na kami maninirahan sa Pilipinas."
"Kung gano'n ay bibigyan ko sila ng special—"
"No, don't do that, Mr. Dean. Threat them like a normal student, 'wag niyong isipin na kapatid ko sila. Hayaan niyo silang makapag-aral nang tahimik ang buhay at normal ang paligid, ayaw ko lang maranasan nila ang mga bagay na naranasan ko habang nandito ako."
'Yon lang ang bagay na napag-usapan namin ni Mr. Dean bago kami magpaalam sa isa't isa.