CHAPTER 22

2029 Words
Pagkagaling ko sa school ay naisipan ko munang pumunta sa coffee shop nila Jade kung saan naabutan ko sila ni Jasen na nagtatalo kahit na may mga customer sila sa kanilang harapan. "Ang kulit mo kasi! Sinabi ko kasi na ikaw na ang gumawa nun! Tingnan mo at si Ate pa ang nabanlian ng mainit na tubig!" rinig kong sigaw ni Jade sa Kuya niya na ngayon ay magkasalubong din ang mga kilay habang nakatingin sa kaniya. "Dapat ikaw gumawa! Bakit ba ako ang sinisisi mo!? Sino ba ang may gusto nang nangyari!?" pasinghal na tanong ni Jasen sa kaniyang kapatid na ngayon ay masama rin ang tingin sa kaniya. Napailing na lang ako dahil sa kanilang inaasal sa harap ng kanilang customer. Naglakad ako papunta sa harap ng counter bago yumuko sa mga taong nasa harap ko. "Pasensya na po, sarado po ang coffee shop ngayon, balik na lang po kayo sa susunod na araw," sabi ko sa nga 'to, napakamot naman ng ulo ang ibang mga customer habang ang iba naman ay umalis na lang na hindi umiimik. Nang mawala na ng lahat ng tao sa paligid namin ay lumapit ako sa pinto at pinalitan ang sign do'n na close, ni-lock ko na rin 'to para talagang wala nang makapasok pa rito sa loob ng coffee shop. "Kanino ba kasi naka-assign ang bagay na 'yon!? Hindi ba at sa 'yo!? Sa 'yo! Kaya ikaw ang may kasalanan kaya nagkagano'n si Ate! That's your fault!" Narinig ko na naman ang pagsigaw ni Jade. Hinarap ko silang dalawa at para bang may kuryente sa kanilang mga mata dahil sa kung paano silang magtitigan na dalawa, para silang nagsusumpaan sa tingin pa lang. "Ano ba kayong dalawa—" "Ano ako na naman!? Ako na naman ang may kasalanan!? Alam ko naman, alam ko naman kung bakit sa maliit na pagkakamali ko ay galit na galit ka na agad! Bakit!? Dahil ba sa nangyari kahapon!?" Nanghahamon na tanong ni Jasen sa kapatid niya na ngayon ay pulang-pula na ang mukha dahil mukhang kanina pa sila nagkakainitan. Lumapit ako sa kanila upang ipaalam sa kanila na nandito ako sa harap nila at naririnig ko ang ginagawa nilang pagsisigawan, mukhang hindi pa kasi nila ako napapansin, mukhang hindi pa kasi nila alam na nandito ako at wala na ang kanilang mga costumer. Napaigtag ako nang ibalibag ni Jade ang hawak niyang notebook na gumawa ng isang ingay. "Ano ngayon? Pepersonalin mo na ako? Bakit mo sinasali ang bagay na 'yon sa problema natin ngayon? Iba ang nangyari kahapon sa ngayon, wala na akong pakialam sa nangyaring 'yon at 'wag mong ibahin ang usapan dahil kahit na ano pang sabihin mo, that's your fault, kasalanan mo ang nangyaring 'yon kay Ate at hindi na mababago ang bagay na 'yon!" Pagkatapos sabihin 'yon ay tumalikod na si Jade at madabog na naglakad papasok sa likod ng counter. Naiwan si Jasen na napapahilamos na lang sa kaniyang mukha dahil sa nangyari. Bigla naman siyang napatingin sa akin kaya itinaas ko ang kamay ko sa harap niya upang kawayan siya. "Hi, tapos na kayong mag-away?" tanong ko rito, nakita ko na nagulat siya nang makita ako pero hindi kalaunan ay napabuntonghininga na lang siya bago maupo sa isang upuan at dumukmo sa lamesa. Muli kong sinulyapan ang pinto na pinasukan ni Jade bago mapagpasyahan na lumapit sa counter upang maupo rito at kausapin si Jasen na mukhang nagsisisi na sa nangyari sa kanila ni Jade. Napakamot pa muna ako sa pisngi ko dahil hindi ko alam ang unang sasabihin ko, hindi ko alam kung saan magsisimula. "Away magkapatid lang 'yan, hindi lang kayo nagkaintindihan dahil parehas na mainit ang ulo niyo, mukhang pagod din kayo, magpahinga muna kayo bago ulit kayo mag-usap," saad ko nang makaupo na ako sa upuan. "Nasaan pala 'yong Ate niyo?" tanong ko rito habang inililibot sa paligid ang paningin at hinahanap ang kapatid nila. "Nasa bahay siya ngayon, pinauwi muna namin siya dahil nabanlian siya ng mainit na tubig, si Jade naman kasi ay mainit ang ulo dahil nagkasagutan sila ni Deana no'ng pumunta siya rito—" "Deana? Sino naman ang babaeng 'yon?" takang tanong ko dahil hindi naman familiar sa akin ang pangalan na 'yon, ngayon ko ang narinig 'yon. "Hindi mo pala kilala si Deana?" tanong niya sa akin at tanging iling na lang ang naisagot ko sa kaniya dahil wala akong idea kung sino ang taong 'yon. "Si Deana, 'yong fianceé ko." Tumaas ang kilay ko dahil sa sinabi niyang 'yon. Nagulat ako, may mapapangasawa na pala siya tapos wala akong alam. "Oh, may fianceé ka na? Sino namang wala sa sariling babae ang pumatol sa 'yo?" tanong ko rito at sinamaan naman niya ako ng tingin kaya nginitian ko siya. "Biro lang pero congrats, ha? After several years may nahanap ka nang babae na maapangasawa mo." "Tsk! Ikaw na lang naman ang hinihintay ko, si Dylan e ikakasal na raw, paano ka na?" Muling tumaas ng kilay ko sa panglawang pagkakataon. Tiningnan ko siya na nagtataka. "Paano ako? E 'di ako, masaya naman ako sa buhay ko kahit walang asawa, may apat akong kapatid na lalaki—" "Na kapag nag-asawa ay lalayasan ka na. Hoy, Callista, lahat ay umaalis, lahat tayo ay kailangan ng makakasama sa buhay. Ikaw naman sa kaso mo ay madali ka lang makakahanap ng lalaking makakasama mo sa buhay dahil maganda ka, matalino, mayaman, masipag, lahat na 'ata ay na sa 'yo— Oo nga pala, may Atreus ka nga pala, oh, ano pang hinihintay mo, grab the opportunity na." Ngumiti sa akin 'to kaya napabuntonghininga ako bago mapailing. "Desisyon ka masyado, kami ni Atreus ay hindi pa dumadating sa punto na 'yan, sabagay may punto ang lahat ng sinabi mo, kailangan ko ng makakasama dahil darating ang panahon na magkakasariling pamilya na ang mga kapatid ko pero hindi naman ako ang pinaka-main topic dito, kayo ni Jade ang problema rito kaya 'wag mo akong libangin," sabi ko rito. Nalilipat sa akin ang usapan. Pero tama siya, darating ang panahon na kakailanganin ko rin ng makakasama sa buhay pero sino? "Si Atreus." Napatingin ako sa kausap ko nang bigla na lang siyang sumagot. "Si Atreus?" gulat na tanong ko rito, nakita ko na nakatingin siya sa baba sa tabi ko habang nakanguso kaya sinundan ko ang tinitingnan niya at nakita ko ang cellphone ko na umiilaw at nakalagay ang pangalan ni Atreus sa screen. Agad ko itong kinuha at sinagot. "Atreus?" tawag ko sa kausap ko at kahit na hindi ko siya nakikita ay alam kong nakangiti na siya nang marinig niya ang boses ko. "Kumusta naman ang engineer ko?" Umikot ang aking mga mata dahil sa sinabi niya. "Ano'ng kailangan mo at napatawag ka?" tanong ko rito. "Wala lang, na-miss lang kita, it's a couple of days na hindi ako nakatawag sa 'yo, I miss your sweet voice." Napatango ako bago tingnan si Jasen na ngayon ay nakatingin na rin sa akin na may mapanuksong tingin sa akin. Tinaasan ko siya nang kilay bago siya senyasan na mauupo muna ako sa isa sa mga table nila. Nang makaupo na ako ay lihim akong napakagat sa aking labi. Hindi ko alam pero napaangiti ako kapag naririnig ko ang k'welang boses ni Atreus. 'Hindi, hindi ako kinikilig, sadyang masaya lang siyang kausap.' "Hmm, thank you," saad ko at narinig ko naman ang kaniyang paghalakhak sa kabilang linya kaya kumibot ang gilid ng aking labi. “Peste ka, ano ba talaga ang sadya mo at napatawag ka sa akin?” tanong ko rito na may halong inis na ang boses dahil mukhang tuwang-tuwa pa siya sa kalokohan niya. Naarinig ko pang muli ang kaniyang pagtawa kaya balak ko na sanang patayin ang tawag pero nagsalita na siya dahilan para hindi ko patayin ang tawag. “Sandali lang, ‘wag mo munang ibaba ang tawag, ang totoo niyan ay tungkol sa inyo ni Dylan ang itatanong ko kaya napatawag ako,” paliwanag niya sa akin, natigilan ao saglit bago ako nakaramdam ng panlalamig sa aking katawan sa sinabing niyang ‘yon dahil bigla ring nag-iba ang boses ni Atreus. Napalunok ako bahagyang napayuko bago mapalunok. Ramdam ko ang biglang pagbilis ng t***k ng puso ko nang marinig ko ang sinabi niya, bigla akong kinabahan sa tono ng boses niya. 'Bakit? Bakit naman ako kinakabahan?' "L-let me explain," sabi ko sa kausap ko pero hindi na niya ako pinagsalitang muli at pinagpatuloy na niya ang sinasabi niya. "Ang sabi sa akin ni Rein ay nakapag-usap na kayo ni Dylan kaya I just want to ask you kung ano ba ang napagkasunduan niyo, baka matulungan kita." Napadukdok ko sa lamesa dahil sa sinabing 'yon ni Atreus. Abot-abot na ang kaba ko dahil ang akala ko ay kung ano na ang sasabihin niya tungkol sa amin ni Dylan, ang akala ko ay nalaman niya ang tungkol sa past namin ni Dylan. Napabuga ako nang hangin dahilan para lumuwag ang aking pagkakahinga. Nagi-guilty na ako. Mariin akong napapikit bago sagutin si Atreus. "A-ahh, about that thing, uhmm… Okay naman ang naging usapan namin, nagustuhan niya ang ginawa kong plano no'ng nasa La Union kami, si Rein na lang ang kailangan kong makausap para masigurado na namin ni Dylan ang pinakaplano sa gagawin naming bahay nila," k'wento ko rito. Tumingin ako kay Jasen at nakita ko na nakatingin din siya sa akin na mukhang narinig ang sinabi ko, ang mga mata niya ay nangungusap, naguguluhan at nagtataka. "Okay-okay, just in case that you need my help, just call me anytime. Okay?" Tumango ako sa sinabi niya. "Okay, thank you for that, Atreus." "That's nothing, hayaan mo kapag nakauwi na ako d'yan ay sasamahan kita sa site, kakausapin ko si Rein na kung p'wede ay tayong dalawa ang maging engineer niya, alam ko naman na 'yon," anang kausap ko, huminga ako nang malalim. I can't wait for that part, Atreus. Umuwi ka na rito dahil baka hindi ko kayanin ang nangyayari ngayon dito. Gusto kong sabihin sa kaniya ang mga salitang 'yan pero alam ko na may mahalaga rin siyang ginagawa ngayon kaya madalang kaming makausap at malabong makauwi siya rito. "Thank you again, Atreus. I'll wait for you, ha?" humina ang boses ko nang sabihin ko 'yon. "Thank you, my Cally. Just wait for me, okay? I love you." Napapikit ako dahil sa sinabi niya. His words. "'Wag ka nang sumagot, saka na kapag tayo na," sabi niya bago tumawa nang malakas kaya napailing na lang din ako bago mapangiti. Pinutol na namin ang usapan namin dahil may ginagawa pa raw siya. "Cally, did I heard right?" kunot-noong tanong sa akin ni Jasen, hindi ko masabi ang nakikita ko sa kaniyang mga mata. Gulat, lungkot, pagtataka, pagkalito— hindi ko alam. Napabuntonghininga na lang ako bago mapatingin sa malayo, sa labas ng coffer shop nila. "Yeah, you heard right pero 'wag mo nang isipin ang bagay na 'yon, 'wag mo nang idagdag sa iisipin ang problema kong 'yon 'cause I can handle it." Tumayo ako at humarap sa kaniya bago ngumiti. "I'm okay, nakapag-usap na rin naman kami ni Kuya Ezekiel about that and we're okay, also nakapag-usap na rin kami ni Dylan nang maayos." "How? Paano mong nakaya na magtrabaho sa kanila? Bakit hindi ka na lang lumayo nang malaman mo na si Rein at Dylan pala? Dapat ay tinaggihan mo na lang ang alok ni Rein dahil siguradong ikaw rin ang mahihirapan," nag-aalalang wika niya sa akin. Nagkibit-balikat na lang ako bago isuot ang salamin at maglakad papalabas sa coffee shop nila. "Rein is a close friend of mine and she's Atreus cousin, don't worry, naka-move on na rin naman ako kay Dylan kaya wala na kayong dapat pang ipag-alala sa akin. Salamat sa oras, Jasen. Babalik na lang ako ulit kapag nagkaayos na kayo ni Jade, mauuna na ako." Hindi ko na hinintay pa ang sagot niya at tuluyan nang lumabas sa shop nila. 'Hay, bakit ba lahat sila ay gano'n ang reaksyon? Bakit? Sa tingin ba nila ay mahina pa rin ako tulad ni Eve Xhion? Well, they're wrong, nagkakamali sila, hindi na si Eve Xhion ang nasa harap nila ngayon.' "I'm Callista Everielle Valencia."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD