CHAPTER 23

2583 Words
"I love violet, Kuya, buy it for me." Napatingin ako sa kapatid kong si Maxine nang may ituro siyang isang pencil case na kulay violet kaya kinuha ko 'to at ipinakita kay Kuya Ezekiel. "Oh my god! I love that one, Kuya! Just buy it for me, Kuya. Please! Please!" pangungulit nito habang tumatalon-talon pa sa harap ng kapatid namin at syempre dahil bunso siya alam niyo na ang mangyayari. "Of course, baby, we will buy it for you," anang Kuya namin bago halikan ang noo nito at magpatuloy sa pagtutulak ng push cart. Tiningnan ko naman sa kabilang banda ang dalawa ko pang kapatid na busy rin sa pagtingin at pagpili ng mga gamit ni Charlie para sa paparating na pasukan nila. Ako, 'eto tamang panggulo lang sa kanila habang naglilibot dito. "How about this one, bro? Do you like it? I think magagamit mo 'to kapag nagsimula na ang school niyo." Tiningnan ko ang hawak ni Kuya. "That's a sketch pencils, right?" tanong ko rito, tumingin naman siya sa akin bago tumango. "Well, you're right, p'wede mong magamit 'yan." "Yeah, I think magagamit ko nga 'to, but by the way. May isa pa akong hinahanap," sabi ni Charlie bago ilibot ang paningin sa paligid kaya hindi ko na rin napigilan ang mapatingin sa aming paligid para magtingin-tingin din kahit na hindi ko pa alam ang hinahanap ng kapatid ko. Ang daming gamit dito at sa totoo lang, magdadalawang oras na kami sa loob ng bookstore na 'to, at sa loob ng dalawang oras na 'yon halos mapuno na nila ang kani-kanilang cart sa paglilibot at pagpili ng mga gamit. Hindi ko na lang sila pinapakialaman dahil sila Kuya naman ang magbabayad niyan kaya kunin na nila ang lahat nang gusto nilang kunin. Tumingin ako saglit kay Charlie upang tanungin kung ano ang bagay na kaniyang hinahanap. "Charlie, ano ba 'yong hinahanap mo?" takang tanong ko rito. "The… 'yong ano… what the hell is that?" balik tanong sa akin nito kaya tinaasan ko siya ng kilay. "Malay ko sa 'yo," sagot ko rito. "Just wait for me, I'll back." Umalis sandali sa harap namin si Charlie upang hanapin ang bagay na hinahanap niya. Napahugot naman ako ng hangin bago magpatuloy sa paglalakad. Next week ay pasukan na nila but before that pupunta muna kami sa La Union ngayong weekends tulad nang sinabi at ipinangako ko kay Ate Cony no'ng huli naming punta ro'n ni Dylan. Fiesta sa kanila at nangako ako na babalik ako sa araw na 'yon, wala naman akong masyadong gawain ngayong lingo kaya ayos lang sa akin na magpunta ulit sa La Union, gusto ko rin munang makapag-relax bago pa magsimula ang project ko kila Rein. "Tutuloy ka ba sa Sabado?" Tumingin ako kay Kuya Ezekiel nang bigla na lang 'tong tumabi sa akin habang naglalakad-lakad ako. "Oo, balak ko rin isama sila Maxine para naman makapasyal sila rito sa Pilipinas," sabi ko rito. "Isa pa, siguradong mag-e-enjoy sila ro'n dahil fiesta, siguradong masaya ro'n." "Masaya ro'n?" tanong nito sa akin at tumango naman ako. "Kung gano'n ay sasama rin ako, masaya pala ro'n." Kusang umarko paitaas ang kilay ko dahil sa sinabi nitong kaharap ko. Kailan pa natutong makihalubilo ang lalaki na 'to? Umiling ako dahil hindi siya p'wedeng sumama. Hindi naman sa ayaw ko pero nando'n din kasi sila Dylan kaya sigurado ako na aarangkad na naman ang pagiging g*go nito kapag nakita niya si Dylan lalo na at alam niya na ang tungkol kila Dylan at Rein, baka mawalan ako ng trabaho kapag kasama ko 'to. "Hindi na, dito ka na lang at asikasuhin mo 'yong kumpanya mo, manahimik ka na lang dito." "Hindi, sasama ako, malayo 'yon at kasama mo pa ang mga kapatid natin, baka mamaya ay maligaw pa kayo," pagmamatigas nito sa akin. "'Wag na nga, nakita mong nakapunta na ako ro'n kaya malabong maligaw pa ako," napapailing na lang ako dahil nakakaramdam na ako na hindi magpapapigil ang isang 'to, mukhang magmamatigas siya hanggang sa masunod ang gusto niya. "Masaya ro'n, gusto ko sa masasayang lugar." Umikot ang aking mga mata dahil halata naman na hindi 'yon ang dahilan niya kung bakit gusto niyang sumama sa amin sa La Union. Alam ko na nakatunog na siyang nando'n din si Dylan kaya siya nagkakaganito. "Dapat sa bar ka na lang pumunta, mas masaya ro'n," bulong ko sa sarili ko. Sa hindi malamang dahilan dinala ako ng mga paa ko palabas sa bookshop kung saan sila namimili ngayon, alam kong hahanapin nila ako pero alam ko rin na hindi nila ako hahanapin kapag napagtanto nila na humiwalay ako sa kanila. I feel bored. Gusto ko nang mapaglilibangan. Nakapamulsa ako habang naglalakad sa mall, hindi naman gaano karami ang tao ngayon dito kaya nakakapaglakad ako nang mapayapa, nakakapagmuni-muni at nalilibang ko na rin ang sarili habang nagtitingin-tingin sa mga bagay na nasa paligid ko. 'Bilhan ko kaya ng mga pasalubong sila Ate Cony?' Napahinto ako sa paglalakad nang dahil sa naisip ko. "Tama." Hindi p'wedeng puro sila lang ang magpapabaon sa amin kailangan ay may pasalubong din ako sa kanila. Nagpalinga-linga ako sa paligid hanggang sa mahinto ang mga mata ko sa isang tindahan ng mga pagkain. May maliit na ngiti ang lumabas sa aking labi bago maglakad papalapit dito. "Magandang buhay, Madam! Welcome to Buenista Store!" Nagulat ako sa isang babae nang bigla na lang 'tong sumigaw nang makapasok na ako sa tindahan. Bahagya na lang akong tumango rito bago magpatuloy sa paglalakad. Bibilis pala agad ang t***k ng puso mo kapag pumasok ka rito. Kumuha ako ng isang push cart at nagsimula nang pumili at maglagay ng mga p'wedeng madala ko sa La Union. Napapakagat ako sa aking labi sa tuwing nakakakita ako ng mga pagkain at gamit na p'wede kong bilhin, nahihirapan kasi akong pumili. Hindi ko masabi kung ano ang kailangan at gusto nila. Hindi naman ako magaling sa mga ganito. Nakarating ako sa isang stall kung saan may nag-iisa na lang item, parang last item na ito kaya nilapaitan ko 'to upang tingnan dahil mukhang mabenta 'to pero nang kukunin ko na ang bagay na 'to may isa pang kamay ang humawak din dito kaya natigilan ako. 'Yong mainit niyang palad ay nakahawak sa kamay ko na may hawak sa item. Hindi ko maintindihan pero nang magdikit ang mga balat namin para akong nakaramdam ng kuryente sa aking katawan, parang gumapang 'to sa buo kong katawan. Simula sa ulo na umabot hanggang paa. "Sorry," sabay na wika namin at do'n na ako napalingon sa tao na may hawak sa kamay ko. "Ikaw pala," sabi niya bago bitawan ang kamay ko. Dali-dali ko namang kinuha ang pagkain na hawak ko at tumingi sa kaniya. "Dylan, ikaw pala 'yan, sino'ng kasama mo?" tanong ko rito at napatingin sa likod niya dahil inaasahan ko na kasama niya si Rein. "She's there, nga pala." Tumingin 'to sa hawak kong pagkain. "Can I have that?" tanong niya habang nakatingin sa hawak ko. "This one? But nauna ako na makuha 'to," sabi ko rito. "Bawi ka na lang next time—" Handa na sana akong talikuran siya dahil mukhang wala naman kaming kailangan pag-usapan pero napatigil ako sa pagtalikod ko. "Please, I'll pay it, babayaran ko 'yan sa 'yo kahit na doble pa ang halaga basta ay ibigay mo lang sa akin 'yan," aniya na parang nagmamakaawa na dahil sa tono ng boses niya. "Please." "Ah—ayaw ko, this is the last item. Sigurado na matagal pa bago mag-restock, bibigay ko kay Ate Cony 'to." Pang-aasar ko rito. Nakita ko kung paano siyang namutla na ikinataka ko, tiningnan ko siya at nakita ko na malayo na ang tanaw nito at hindi na sa akin. "Darn!" Tumingin siya sa akin at napalunok. "Twenty thousand, babayaran kita ng twenty thousand basta ibigay mo lang sa akin 'yan." "Bakit ba—" "Abraham!" "I'm dead." "Abraham! I told you na bumili ka ng pili!" Napaatras ako nang makita ko sa likuran ko ang isang babae. Magkasalubong ang mga kilay at matatalim ang tingin sa aming dalawa ni Dylan. Wait— this is Ate Dhalia? Napatingin ako sa tiyan niya at tumaas ang mga kilay ko dahil sa gulat nang makita kong malaki ang kaniyang tiyan. "Nasaan na!?" tanong nito sa lalaki na nasa likod ko. "O-out of stock na raw," mahinang sagot ni Dylan habang umuusad apunta sa likod ko na parang nagtatago. Para siyang maamong tupa na may kaharap na mabangis na hayop. Napatingin ako sa hawak ko at nakita ko na ang hinahanap niyang pili at ang pagkain na hawak ko ay iisa kaya agad ko 'tong itinaas sa harap niya upang ibigay kay Ate Dhalia. "Here," agaw ko sa atensyon niya. "Just take it." Ibibigay ko naman kay Dylan 'yon, sad'yang trip ko lang siyang asarin pero hindi pa rin ako makapaniwala na nasa harap ko si Ate Dhalia at malaki ang tiyan. 'This is her third baby?' Demetri, Riye and there's another baby in her tummy. D*mn, tatlo na baby niya samantalang ako ay single pa rin. Umarko paitaas ang kilay ni Ate Dhalia sa akin. Mukhang pati siya ay hindi na ako nakilala. "Long time no see, Ate Dhalia," bati ko rito bago ngumiti. "Huh? Kilala ba kita?" tanong nito bago kunin ang hawak kong pagkain. Napakamot na lang ako sa batok ko dahil sa sinabi niyang 'yon. Nakalimutan na niya talaga ako. Sabagay, huling pagkikita nga pala namin ay lalaki pa ako. Napabuntong hininga na lang ako. "Ah, by the way, Ate. This is Callista, she's my engineer," pakilala sa akin ni Dylan, saglit na napahinto si Ate Dhalia at napatingin sa akin. "Engineer Valencia." Namilog ang kaniyang pinkish na mga labi. "Oh, she's Callista, siya 'yong lagi mong ikinuk'wento sa akin? 'Yong magaling na engineer ka mo?" tanong nito bago lumapitsa akin at hawakan ang mukha ko. "Your face is so familiar, nagkita na ba tayo before?" Bahagya akong natawa dahil sa tanong niya. "Yeah, if you still remember Eve, well, I'm Eve. A real color of Eve." Nangunot ang noo niya dahil sa sinabi kong 'yon. Napahawak siya sa kaniyang bibig bago ako ituro. "E-eve!? The guy— wait! I thought you're a boy but how!? Are you a transgender!?" hindi makapaniwalang tanong nito, umikot siya sa likod ko upang suriin ang kabuuan ko. "Ate, 'wag ka ngang oa, si Eve 'yan. 'Yong kasama namin dati nila Icom sa bahay," singit ni Dylan pero parang hindi siya narinig ng Ate niya at ipinagpatuloy lang ang pag-ikot sa likod ko. Nakakaramdam na ako ng pagkailang pero naiintindihan ko naman siya, kung sa akin din mangyayari ang bagay na 'to, sigurado ako na ganito rin ang magiging reaksyon ko. Naalala ko pa, ako nga pala ang pinaglihian ni Ate Dhalia. Napangisi ako bigla dahil bigla kong naalala ang mukha ni Demetri. Hindi ko alam kung imahinasyon ko lang ang bagay na 'yon pero may pagkakahawig kamini Demetri no'ng bata pa lang din ako. "Eve, Ninong ka kaya nila Riye at Demetri, sayang nga lang at hindi mo na naabutan 'yong panganganak ko." Nasamid ako sa iniinom ko nang sabihin ni Ate Dhalia ang bagay na 'yon. "N-ninong?" Nag-iinit 'yong mukha ko nang marinig ko 'yon, nahihiya ako, Ninong ako no'n pero Ninang na ngayon. "Oo! Kaso umalis ka raw no'n! Kung alam ko lang na babae ka no'n dapat ay ikaw na lang ang sumungkit dito kay Dylan!" Tumingin ako kay Dylan, nakatingin lang 'to sa kaniyang cellphone niya at hindi narinig ang sinabi ng kapatid niya. Nagbaba ako ng tingin sa pagkain na nasa harap ko. Ang dami pa lang nangyari no'ng umalis ako, marami akong hindi nakita tulad na lang ng panganganak ni Ate Dhalia. Nanghihinayang ako. Naikuyom ko ang mga kamao ko. Tapos na 'yon. Past na lang ang bagay na 'yon. Wala na akong dapat pagsisihan sa bagay na 'yon dahil tama ang pinili kong desisyon. 'Tama nga ba?' Nagulat ako nang tumunog ang cellphone ko kaya dali-dali ko 'tong kinuha at tiningnan kung sino ang caller. "Excuse me," ani ko bago sagutin ang tawag nang makita kong si Kuya Chase ang tumatawag. "Oh?" "Uuwi na tayo, nasaan ka na ba?" Sinulyapan ko ng tingin ang dalawa kong kasama. "Kumain lang ako, sa parking na lang tayo magkita." Hindi ko na hinintay ang isasagot niya at ibinaba na ang tawag. Bumalik ako sa inuupuan namin nila Ate Dhalia at dinampot na ang lahat ng binili ko. "Ate Dhalia, mauuna na ako sa inyo. Pasensya na, hinahanap na rin kasi ako ng mga kapatid ko," sabi ko habang nakatingin kay Ate Dhalia. "Huh? Aalis ka na?" tanong niya na napatigil pa sa pagkain niya. "Oo, may gagawin pa kasi kami ng mga kapatid ko, babawi na lang ako sa susunod," sagot ko rito. Tumango naman siya bago hampasin ang balikat ng kapatid. "Ihatid mo si Eve! Baka mamaya ay mapa'no 'yan!" pagsusungit nito sa kaniyang kapatid. Tumingin si Dylan sa kapatid niya bago tumingin sa akin. "No/Sure." Nagkatinginan kami ni Dylan nang sabay kaming magsalita. "Hindi na, may sasakyan kami. Kasabay ko naman ang mga kapatid ko," pigil ko rito. "Paano una na ako? Sa susunod na lang." Tumingin ako kay Dylan at nagtanguan na lang kaming dalawa. Nagsimula na akong maglakad papalayo sa kanila, halos tatlong oras din ang tinagal ko sa magkapatid na 'yon but— Napangiti ako. May tao na naman akong nakita na nakasama ko no'n. Ang saya ko, sana sa susunod ang malalapit ko naman na kaibigan. Lalo na si Sandra. Pagkarating ko sa parking nakita ko sila na nakatayo sa labas ng kotse na dala namin, nakatanaw sa akin at halatang kanina pa nila ako hinihintay. "You're late," sita sa akin ng kapatid ko. Binitawan ko ang mga hawak ko at nag-inat. "Wala ka namang binigay na oras sa akin. Umalis ka nga riyan." Sinenyasan ko siya na umalis sa tapat ng pinto ng compartment dahil ilalagay ko ro'n ang mga binili ko. "Ate, I saw a guy, he's tall like Kuya Chase. He's handsome like Kuya Ezekiel and he's kind like Kuya Charlie." Nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Maxine sa harap ko. Namumula ang mga pisngi nito habang nakatingala at parang inaalala ang mukha ng tao na tinutukoy niya. Napailing na lang ako. Sa tuwing makakakita naman siya ng ibang tao lagi niya namang pinupuri. "Oh, what's his name?" tanong ko rito habang inaayos ang mga binili kong pasalubong kila Ate Cony. "I don't know but he helped me to get the milk kanina." Ibinaba ko ang pinto at tumingin sa kaniya. Sinulyapan ko ang iba pa naming kapatid na ngayon ay nag-uusap-usap sa hindi kalayuan sa amin. Napakunot ang noo ko pero agad din namang nawala 'yon nang makita ko na tumatawa si Kuya Ezekiel. Mukhang pinagkakatuwaan lang nila si Charlie. "But I remember, someone called him 'Doc' so I think he's a doctor," dagdag pa ni Maxine kaya yumuko ako upang pantayan siya. "Next time, don't be so close to strangers, okay? Hindi lahat ng nagpapakita ng mabuti ay mabait." Kinalabit ko ang ilong niya bago ngumiti. "Okay po— oh! Yes! That one! I remember!" Nakangiti itong tumingin sa akin kaya nakangiti ko rin siyang tiningnan. "What is it?" Nakangiti ko pang tanong pero nang marinig ko ang sunod niyang sinabi para bang saglit na tumigil sa pagtibok ang puso ko dahil sa gulat. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman nang sabihin ni Maxine ang pangalang… "Doc Icom, that's it. His name is Icom."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD