"Anak gising na malelate kana sa klase mo." naalimpungatan ako sa yugyog sa balikat sa akin ng aking Ama.
Dumilat ako sabay tingin sa cellphone kung 3310.
"five minutes tay. ang aga pa alasingko pa lang." reklamo kung bulong na narinig niya.
"Syempre alam ko kasing makupad ka kumilos mabuti nang maaga kang gisingin para mahaba pa oras mo sa pag aasikaso mo sa sarili mo para hindi ka gahulin sa oras. Oh sya sige bumangon kana diyan wag kana umidlip baka mapahaba pa oras ng pagtulog mo ulit at baka malate kana talaga sa unang araw mo sa eskwela." sabay tayo at lumabas na ng silid.
Tumayo narin ako kahit inaantok pa at nakapikit pa ang mata. nag'iinat inat mona ako bago ko sinimulan ang magligpit ng aking higaan at nagwalis narin pagkatapos magligpit agad akung pumasok sa banyo at nagmumog.
oo nagmumog dahil hindi mona ako naghihilamos pagkagising palang dahil madali daw makasira ng mata pag hinilamusan mo agad ito kahit kakagising mo palang proven and tested na yan dahil marami ako kakilala na nasira ang mata dahil diyan kaya ayun nadin ang paniniwala ko wala namang mawawala kung susundin basta tanggal tanggal nalang mona ng morning glory bago lumabas.
Naabutan ko si tatay na nagkakape nang bumaba ako mula sa taas at agad akung pumunta sa kusina para mag almusal.
"Tay, asan tinapay ko?." nakasimangot kung bungad ng wala akung makitang tinapay sa lamesa.
"Bumili kana lang doon langga sa tindahan. inubos kasi ng kuya ebong mo ang tinapay dahil nagkape siya bago pumunta ulit sa talipapa para magtinda ng isda ito ang bente bumili kana doon ng makapagalmusal kana dahil alasais na. " sabay abot sakin ng bente pesos.
"wow! Salamat tay!." namimilog ang matang sambit ko nang makitang bente pesos nga ang ibinigay sa akin.
"hmm, sampong peso lang ang ibibili ko nang tinapay dito para yung tirang sampo ay maipambaon ko!." nagagalak kung sambit habang papunta sa tindahan para bumili ng tinapay.
"tao po! pabili po!." nakangiti kung bungad sa tindahan.
"Ano yung sayo Ne?." tanong ng tindera.
"Pabili nga po ng tinapay yung dalawang taglimang peso para malaki yung may palaman lang po sa loob" maluwang ang ngiti kung sabi.
"ito ba yun ne? "turo nito sa tinapay na kanina kopa ininguso.
"opo ayan po dalawa po niyan! ito po bayad ko" nakabungisngis kung saad sabay abot ng bente pesos na bayad.
ibinalik naman agad ang sukli na sampong peso.
Tumuloy na ako sa bahay at dumiretso sa kusina para magtimpla ng kape at nang makapag almusal na.
"Dalian mo diyan langga at baka malate kana maliligo kapa." sabi ni tatay.
"opo tay saglit lang"aniya
Nagmamadali na akung mag asikaso pagkatapos kung mag almusal agad kung kinuha ang balde sa kusina at agad na dumiretso sa labas papunta sa igiban namin ng tubig kala ante bikay poso ang aming iniigiban dito kami kumukuha ng tubig para magsaing at inumin.
"ohh ang aga mo ne ah?." bungad ni ante bikay ng makita akung nag'iigib na.
"kailangan po eh alam nyo na usad pagong ako kumilos." natatawa kung saad.
"tama yan kasi ang bagal mo kumilos dapat talaga maaga ka lalo pa para kang pagong kung kumilos. " nangaasar na saad nito.
"oo nga po eh! sige po dito na ako at maliligo na ako!. " may pagmamadali kung saad at hindi na hinintay na makasagot ang aking ante.
"maliligo napo ako tay!. "pasigaw kung saad habang nagmamadaling pumasok sa banyo at may pagmamadaling naghubad lahat ng suot habang nagsimulang ibuhos ang tubig sa katawan gamit ang tabo.
"bilisan mo diyan at alasais kinse na!. " sigaw na saad ng aking ama.
sa sobrang kupad kung kumilos minadali ko na ang aking pagliligo.
pagkatapos kung maligo dumiretso agad ako sa aking silid hindi ko na pinagabalahang ayusin ang pagtuyo ng aking buhok dahil magaalasiete na.
agad akung nagsuot ng aking sapatos ng matapos ay agad kung kinuha ang aking backpack at dumiretso na sa baba ng hindi pa nakakapagsuklay ng buhok.
Tumingin naman sa akin ang aking ama ng makita akung nasa ibaba na.
"ohh anak bakit basa pa ang buhok mo? hindi mo manlang inayos baka mabasa ang damit mo niyan dikapa naman nagsusuklay." ani nito.
"Hindi yan.tay, ihahatid niyo po ba ako gamit padyak niyo? tara napo hatid niyo napo ako. " nakangiti kung saad habang nagsusuklay.
Tumingin naman sa akin si tatay at agad akung nakatikim ng sermon.
"ohh anak bakit tumutulo pa yung buhok mo? tapusin mo nga mona yang pagsusuklay mo at punasan mo ng maayos yang buhok mo ng hindi nababasa yang damit mo hindi ka manlang yata nag aksayang punasan yang buhok mo tumutulo pa." sermon nito sa akin ng makitang tumutulo pa ang buhok ko habang sinusuklay ko.
"Hindi yan tay, halika napo hatid niyo na ako malelate nako eh."tipid kung sambit.
Nagmamadali akung nagpatiuna sa paglakad papalabas ng bahay at agad sumakay sa padyak na naghihintay sa labas ng bahay at hinihintay na lumabas ang aking ama.
Habang nasa byahe sakay ng padyak ibinibilin kay cindy ni Mang Bebot ang lahat ng kailangan malaman sa isang estudyanteng unang tatapak sa kolehiyo.
"Oh anak, hawak mona ba ang schedule mo?. " malumanay na tanong ng ama kay cindy.
"Opo tay hawak kona po binabasa kona po kahit nakakaduling at hindi ko alam paano ko to makakabisado. " nakasimangot niyang sambit.
"Ganon talaga sa una kailangan mo kabisaduhin at kelangan mong makisama ng maayos sa iyong magiging kaklase para magkaroon ka ng kaibigan. magtanong tanong ka narin lang doon sa departamento mo sa mga room number na nandiyan nakalagay sa hawak mong schedule wala namang masama kung magtatanong ka." tumatawang sambit ng ama.
"Opo tay!."
Pagkahatid sa paaralan agad na bumaba si cindy sa padyak sabay lahad ng kamay na ikinatingin ng mga dumadaang estudyante.
"Tay Baon kopo?." nakangisi kung sambit habang nakataas ang kilay sa mga dumaraang estudyante na panay ang pang'aarok ng tingin o mga tingin na may panglalait nakamasid sa kanya.
Hmp! paki ko sa inyo basta ako proud ako na may tatay akung kahit pdcab driver ay may marangal na trabaho na pwede mong ipagmalaki sa kahit na sino. nakangiti kung bulong habang tinitignan at tinatapatan ng tingin ang mga estudyanteng napapatingin sa gawi nila.
"oh anak ito bente pesos mo papasada palang si tatay mo eh. " tipid niyang sambit.
agad ko naman itong kinuha at agad na lumapit sa kanya at humalik sa pisnge para ipakita sa mga estudyante kung gaano ko ipinagmamalaki ang tatay ko.
"ingat sa daan tay. "pagkatapos ko halikan sa pisnge ang aking ama agad akung umalis at nagsimulang humakbang papasok sa departamento ng CAFNR o College of Agriculture Fisheries and National Resources.
Kinakabahan akung naglalakad sa hallway ng departamento at dahil unang beses kung tumapak ay hindi kopa alam ang aking gagawin. hanggang sa makita ko ang mga tulad kung freshmen na nag'uumpukan at may pinagkakaguluhan sa may Bulletin Board. out of curiosity ay lumapit ako saka tinignan ang kanilang pinag'uumpukan.
"Ayan pala class schedule ng lahat ng estudyante dito kasama na mga freshmen na tulad natin." dinig kung sabi ng isang estudyante.
"Ahm, Hi! freshmen ka?. " nakangiti kung sambit sa isang estudyanteng malapit sa akin na busy kakatingin sa bulletin at busy sa kasusulat sa notebook para sa schedule.
Agad itong napatingin sa akin ng makitang siya ang kinakausap ko agad akung binigyan ng ngiting pala kaibigan.
"ah yess agribusiness course ko.ikaw ba? ako nga pala si nica. " tipid at nakangiti niyang sambit sabay lahad ng kamay para makipag shakehands.
"Cassandra Mendez pero tawagin mona lang akong cindy."balik ngiti kung sabi sa kanya.
"tapos kana sa pagkuha ng schedule mo? tara duon tayo sa hagdan maupo para matignan natin kung magkaklase tayo. "aniya habang nakaabrisete ang mga braso sa braso ko.
"sige tara ate. " anyaya ko sa kanya.
Malapit lang naman ang sinasabi niyang hagdan na pupuntahan namin kaya agad kaming nakarating at sabay na umupo sa gitna ng hagdan kung saan ang daanan papuntang second floor ng mga silid aralan.
"Akin na schedule mo titingnan natin kung may magkakapareho tayong mga subjects para hindi nako mahirapang makipagpalagayan ng loob sa iba. "
"Sige ito ohh tignan mona lang ako kasi dipa masink in ng utak ko nakalagay diyan naduduling ako. " natatawa kung saad sabay abot sa kanya ng notebook na agad niyang tinignan ng bigla siyang sumigaw. saktong naibuga ko ang iniinum kung tubig sa gulat ng bigla nalang siyang sumigaw na ikinagulat ko kaya halos magkanda samid ako..
"OMG!! magkaklase tayo sa lahat ng subjects Cindy!!!. " tumitili niyang saad.
Inikot ko ang paningin sa paligid at may mangilan ngilan akung nakita na nakatingin sa amin na may pagtataka kung bakit sumisigaw ang katabi ko.
"Ate Niks hinaan mo boses mo tignan mo marami nakatingin satin nakakahiya. " nahihiya kung saway sa kanya na ikinahagikhik lang niya at tila walang pakialam sa paligid.
"Pabayaan mo sila inggit lang sila." nakahagikhik niyang sambit sabay ismid sa mga matang nakamasid.
"Baliw! Tara na nga punta na tayo sa unang room natin sa taas yun diba? lika na!. " mabilis ko siyang nahigit at inakay paakyat para hindi na makapag reklamo.
"Dahan dahan naman cindy! Nagmamadali ka?." taas kilay niyang saad.
"Excited lang po ako! para sa bago nating magiging kaklase!." nakabusangot kung sabi sabay irap sa hangin.
"Orientation pa lang natin ngayon kasi nagsisimula palang ang klase next week pa ang original class." paliwanag niya.
kibit balikat ko lang siyang tinignan at saka hinigit ulit para pumasok sa unang room na nakalagay sa schedule na una naming papasukan.
Dumaan ang mga araw at dumating na ang araw ng klase...
Kagaya ng laging nakagawian inihahatid ako lagi ng aking ama sa pagpasok sa eskwela pag medyo malelate na ako sa unang subject pero kadalasan pag mahaba pa ang oras ay nilalakad kona lang ito mula sa bahay hanggang sa University ng department namin.
Nakakasanayan kona ang tamang oras ng pasok ko at lagi kaming magkasabay at magkasama ni ate nica sa pagtambay lalo na papasok sa mga room namin mas lalo kaming napapalapit at mas nakikilala namin ang bawat isa.
were like a sisters mas ramdam ko ang pagiging ate niya sa akin and I'm thankful enough cause i feel the love of having a sister though sa pamilya namin dalawa lang kaming babae at ako ang ate pero hindi ako nagpapakaate sa bunso namin dahil sa naiilang siya dahil hindi siya lumaki sa poder ng aming ama kundi sa poder ng aming lola bago kami iniwan ng aming ina.
i can't help to feel pity for myself na kahit malabong mangyari i still hope na sana buo pa kaming pamilya at hindi ko maiwasang maging malungkot sa tuwing naiisip ko na broken family kami thanks to ate nikka pinaramdam niya sakin ang pagmamahal ng isang kapatid at itinuturing niya na akung pamilya.