Nataon namang napasulyap ako sa kaliwang bahagi ko at nakkasalubong ko ang mapanghusgang tingin ng isang bata na kaedaran siguro ni Zeus. Bigla ay parang nahuli akong may ginawang kabulastugan na parang napapasong napaatras mula kay Sir Zaynn. Hindi inaasahan ni Sir Zaynn ang biglaan kong kilos kaya nabitiwan ako nito. Wala sa sariling napahinto na pala ako sa paglalakad kaya huminto rin ang dalawa kong kasama. Nagtatanong ang tinging binigay sa'kin ni Sir Zaynn. Nagtaka siguro siya kung bakit bigla akong tumigil sa paglalakad. Hindi ko masabi sa kanya na iyong tingin ng bata ang dahilan. Nang muli kong lingunin ang bata ay hila-hila na ito ng ina palayo sa'min ngunit hindi pa rin nito inaalis ang tingin sa'kin. Ano bang problema ng batang iyon, masyadong judgemental makatingin! "

