Sa activity area ay gaganapin ang ilang mga inihandang palaro na sasalihan ng bawat pamilyang dumalo. Lahat ay pwedeng sumali sa bawat nakahandang laro tapos makakakuha ng mga star ang bawat mananalo. At mukhang nakatuwaan nina Arthuro at Zaynn na magparamihan sa mga maipanalong laro. Nakakatuwa ang naghihintay na mga palaro na pinili talaga ng organizer upang parehong ma-enjoy ng mga bata at ng mga magulang na nandito ngayon. Hindi pa nagsisimula ang mga palaro at kasalukuyan pang nakikinig ang lahat sa speech ng principal sa harapan. Siguro ay abala ako ngayon sa pakikinig sa speaker kung hindi lang pumuwesto malapit sa'min si Precilla at ang team nito. Hindi tuloy ako mapakali at lalong hindi ako makapag-concentrate sa nagsasalita sa harapan ng entablado. May apat na member ang tea

