Wala sa sarili akong sunud-sunod na napalunok habang nakatingin sa pinakamagandang mga matang natitigan ko nang ganito kalapit. Nakaawang ang bibig ko pero kahit tinangka kong magsalita ay walang lumabas mula rito. Para akong nahipnotismo ng mga mata ng kaharap na ni hindi ko na nga pinansin ang masama nitong pagkakatingin sa'kin. Ilang sandali pa bago ako natauhan mula sa pagkatulala at mabilis na iniwas ang paningin sa kanyang mga mata para lang mapadako sa matangos niyang ilong pababa sa tila nang-eengganyo niyang mga labi. Natitilihan na ako deep inside dahil wala akong nakikitang kapintasan sa perpektong mukha ng kaharap na maging ang medyo magulo nitong buhok ay dumagdag pa sa taglay nitong karisma. Para tuloy akong sinampal nang maalala ko ang sinigaw ko kaninang 'râpë'. Wa

