Dahil siguro sa kakaisip ko sa mga sinabi ni Tania tungkol kay Ma'am Chieanne kaya bigla ko itong napanaginipan. Para tuloy akong binangungot na mabilis napabalikwas nang bangon. Paano ba naman kasi, sa panaginip ko ay niyakap ako nito sa leeg. Hindi man gano'n kahigpit ay iba na agad ang pumasok sa isip ko kaya panay ang piglas ko hanggang sa tuluyan akong nagising. Diretsong bangon nga agad ako habang nakahawak ang dalawang kamay sa sarili kong leeg. Pawis na pawis ako kahit malamig ang aircon. Ang bilis ng t***k ng puso ko, at parang totoong - totoo ang panaginip ko. Bangungot talaga ang tamang tawag sa panaginip na iyon lalo na at si Ma'am Chieanne ang laman. Parang totoo talaga kaya hapong-hapo ang pakiramdam ko at inuhaw ako bigla. Sinulyapan ko muna ang katabi kong si Tania.

