Hinintay kong kausapin ako ni Mangang Barbara patungkol sa nangyari kanina na may kinalaman kay Ma'am Chieanne pero hindi nangyari iyon. Inaasahan ko kasing pagsasabihan ako nito na mali ang ginawa ko o kung hindi ay babalaan tungkol sa babae kasi nga halata naman sa reaksiyon ng mga kasambahay na bad news ito. Kahit walang sinabi si Zeus ay halata naman na ayaw rin nito sa babae at patunay na roon ang masaya nitong reaksiyon nang malamang nakaalis na ang bisita. Siguro si Sir Zaynn lang ang may gusto roon dahil kaibigan niya ito. Pero kaibigan nga lang ba? Ayaw kong magbigay ng malisya sa relasyon nila pero sa asta ni Chieanne ay hindi ko maiwasang magduda. Halatang may pinagmamalaki maliban sa dibdib niyang 'salamat dok'. Dahil wala akong malinaw na impormasyon na nakuha mula sa m

