"Hindi po sumagi sa isip ko iyang mga sinasabi ninyo," matigas kong wika habang direktang nakatingin sa mga mata ni Chieanne. Anong akala niya sa'kin, cheap? Mahirap man kami pero hindi ako gagamit ng tao upang makaahon sa kahirapan! Sobrang mapanlait ko kaya hindi ako pwedeng pumatol sa panot na pandak na may malaking tiyan kahit gaano pa ito kayaman. Ano na lang ang sasabihin ng mga manliligaw kong nilait-lait at binasted ko? "Really?" napapantastikohan niyang tanong. Nakakainsulto ang tinging binigay niya sa'kin. "Dapat lang dahil sa hitsura mo ay imposibleng pag-aaksayahan ka ng oras ni Zaynn," dagdag pa niya bago ako mapanlait na pinasadahan ng mapangmataas niyang tingin. Hindi ko mapigilang pumalatak dahil hindi nakaligtas sa'kin ang insekuridad na dumaan sa kanyang mga mata. Kung

