chapter 8

1611 Words

Nataong pag-angat ko ng tingin mula kay Zeus ay nakita kong humahakbang na palapit sa'min si Chieanne. Naningkit ang mga matang pinanood ko ang nakalarawang emosyon sa mukha nito. Medyo nakaramdam ako nang pagkaalarma sa nakikita kong inis roon. Malinaw na para sa'kin iyon kaya inihanda ko ang sarili sa maaaring gagawin nito. Sa sulok ng mga mata ko ay napansin ko rin ang pagkabahala sa mukha ng mga katulong. Parang gusto ngang lumapit ni Ate Geng pero nanaig ang tila takot nito sa babaeng bisita na ayon kay Zeus ay kaibigan ng daddy niya. Sa reaksiyon ng mga katulong ay masasabi kong hindi ito ang unang pagkakataong napasabak sila sa ganitong eksena kasama itong Chieanne. At mukhang dehado sila sa bawat pagkakataong iyon dahil kahit nagtapang-tapangan ay halatang takot sila kay Chiean

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD