Medyo nanginginig ang mga kamay ko habang nilalagyan ng disinfectant ang sugat sa balikat ni Sir Zaynn. Hindi birong lakas ng loob ang ginamit ko ngayon upang magagawa nang maayos itong inuutos niya at hindi pangunahan ng kung anumang emosyong nagrarambolan sa loob ko. Ang alam ko ay mahapdi itong ginamit kong panlinis sa mga dugo-dugo sa paligid ng sugat niya, pero maliban sa bahagyang pagpe-flex ng muscles niya ay walang ibang pinakitang reaksiyon itong ginagamot ko. Kahit sa pagbibigay ng instructions kung ano ang susunod kong ilalagay sa sugat niya ay nanatiling kalmado at malinaw ang kanyang boses. Ilang sandali pa at natapos ko nang malagyan ng gasa ang sugat niya. Nanatili pa rin siyang nakaupo sa couch habang nakasandal ang ulo niya at nakapikit ang mga mata. Ako naman ay naka

