chapter 2

1716 Words
Hindi ko first time sa siyudad, pero unang beses kong makapunta sa lugar kung saan nakatira ang mga mayayaman. Mula kanina sa airport ay isang sasakyan ang sumundo sa'min ni Tania. Didiretso kami sa bahay ng amo ni Tania na si Madam Mia kaya ngayon ay papunta kami roon. Pagkapasok pa lang namin kanina sa eksklusibong subdivision ay parang bigla akong napadpad sa ibang bansa. Bawat natatanaw ng mga mata ko ay simbolo ng karangyaang taglay ng mga naninirahan sa bahaging ito ng bansa. Ni walang makikitang senyales ng kahirapan na kahit iyong alikabok sa lugar ito ay branded yata. Ilang saglit pa at papasok na ang sinasakyan namin sa malawak na bakuran ng isang malaking bahay. Gusto kong mapamura nang tuluyang tumino sa utak ko kung gaano kayaman ang magiging amo ko gayong ayon kay Tania ay mas hamak na mayaman pa iyon dito sa amo niya. Ganito na nga kaganda at kalaki ang bahay ni Madam Mia kaya tiyak na mas enggrande pa rito ang bahay ng pinsan nito na magiging amo ko. "Halika ka na, tiyak na naghihintay na sa'tin sa loob si Madam Mia," untag ni Tania sa'kin. Napakurap-kurap ako at tsaka ko lang napansing nakahinto na ang sinasakyan namin at nasa tapat na ng nakabukas nitong pinto si Tania. Natulala ako sa malaking bahay na nasa harapan namin kaya nawala ako saglit sa sarili. Agad akong bumaba ng sasakyan at sumunod kay Tania nang magsimula na siyang maglakad papasok ng malaking bahay. Humigpit ang kapit ko sa dalang bag habang manghang-manghang napatingin sa bawat nadadaanan namin na noon ay tanging sa TV ko lang nakikita. Ganito pala ang bahay ng mga mayayaman, talo pa ang mall! Nang makasapasok kami sa loob ay pakiramdam ko madudumihan ng suot kong sapatos ang carpeted na sahig na tinatapakan ko. Mukha namang sanay na sanay na si Tania kaya pinilit kong maging komportable kahit hindi talaga ako mapakali. May katulong na sumalubong sa'min at masayang kinausap si Tania. Mukhang totoo ngang maganda ang samahan ng mga nagtatrabaho rito. "Ikaw pala ang kinukwentong kaibigan nitong si Tania," magiliw na kausap sa'kin ng katrabaho ni Tania. Kasing edad lang namin ito ni Tania at mukhang mabait kaya magaan ang loob ko rito. "Ikaw rin iyong magiging tutor ni baby Zeus," dagdag pa nito. "Ako pala si Karen." "Nice meeting you, ako si Melanie," medyo nahihiya kong pakilala. Inabot ko ang nakalahad nitong kamay. "Welcome to De Aldana residence," kwela nitong pahayag. "Swerte natin at mababait ang mga De Aldana." Kumindat pa ito sa'kin. "Maraming salamat," tugon ko. "Halika, ako na ang maghahatid sa'yo sa study room ni Madam Mia," magiliw pa nitong aya sa'kin. "Ako na bahala sa kanya, Tania." "Sigurado ka?" tanong ni Tania rito. "Kailangan ko rin kasing ihatid muna kay Ate Laura itong pinabili niya." "Huwag kang mag-alala, unahin mo na munang hanapin si Ate Laura," sagot ni Karen. Nagtatanong na bumaling sa'kin si Tania. Hangga't maaari ay ayaw kong magpaiwan kay Tania pero mukhang okay naman si Karen. Tinanguan ko si Tania upang hindi na ito mag-alala na maiwan ako sa kaibigan niyang si Karen. "Basta, Melaneey, kayang-kaya mong mapasa ang interview ni Madam!" Hindi ko na tinama ang tawag niya sa'kin dahil sa totoo niyan ay mas nangibabaw sa'kin ngayon ang nararamdaman kong kaba. "Mabait si Madam, kaya siguradong makukuha ka," dagdag naman ni Karen. Pareho sila ni Tania na halatang pinapalakas ang loob ko. "Sana nga," kimi kong sagot sa kanila. "Halika na, at nang ma-celebrate na natin ang pagkatanggap mo sa trabaho," puno ng kumpyansang yaya sa'kin ni Karen. "Iwan muna natin kay Tania itong mga gamit mo." Siya na mismo ang kumuha nang bitbit kong bag at pinasa kay Tania bago hinawakan ang kamay ko at hinila ako papunta sa kung saan. Wala sa sariling napalingon ako kay Tania. Nginitian niya ako at binigayan ng thumbs up. Agad ko namang hinamig ang sarili at huminga nang malalim upang makakuha ng lakas ng loob.l abgo ibinalik ang atensiyon sa dinadaanan namin ni Karen. "Kapag ikaw na ang magiging tutor ni baby Zeus ay sabay-sabay tayo nina Tania at no'ng iba na gumala kapag day off natin," excited na pahayag ni Karen habang magkaagapay kaming naglalakad. Mabuti na lang at binitiwan na nito ang kamay ko. Ayaw ko kasing maramdaman nito ang pamamawis ng palad ko dahil sa nararamdaman kong kaba ngayon. Pasimple kong pinagkiskis ang mga palad ko upang kahit papaano ay makabawas sa nararamdaman kong kaba. Medyo nakatulong din ang pagiging madaldal ni Karen kaya nang nasa tapat na kami nang sinasabi niyang study room ay nabawasan na ang panlalamig ko. Matamis muna akong nginitian ni Karen bago kumatok sa pinto. Ito na rin ang pumihit sa seradura pabukas para sa'kin. "Ikaw na ang pumasok, nasa loob si Madam," kausap nito sa'kin. "Good luck!" Bago pa man ako makatugon ay mahina na akong naitulak ni Karen papasok. Agad namang sumara ang pintuan sa likod ko nang makahakbang na ako sa loob. Tila naging blurry bigla ang ilang mga bagay na nasa loob ng silid at direktang natuon ang buong atensiyon ko sa babaeng nakaupo sa likod ng mesang dumodomina sa buong silid. Nakatingin na ito sa'kin kaya awtomatikong napatuwid ang likod ko bago sinalubong ang mapanuri nitong tingin. "Good afternoon po, Madam," pormal kong bati rito. Ngayon ko lang naalalang hindi ko pala alam ang kumpleto nitong pangalan at tanging ang tawag ni Tania rito na Madam Mia ang alam ko. "Good afternoon," magaan nitong tugon. "Ikaw si Melanie Jimenez na kaibigan ni Tania, right?" dugtong pa nito. "Opo, Madam," tugon ko. "Halika, take a seat," anyaya pa nito sa'kin. Tsaka pa lang ako lumapit sa kinaroroonan nito at naupo sa visitor's seat na nasa harapan ng mesa nito. Ramdam ko ang nakasunod nitong tingin sa'kin kahit na no'ng matapos na akong nakaupo. "I have read your resume," wika pa niya. Kumabog ang puso ko dahil alam ko na kung iyon ang pagbabasehan ay hindi talaga ako qualified maging tutor ng pamangkin nito. "Sabi ni Tania ay may mga kapatid ka raw na pinapaaral?" usisa nito sa'kin kapagkuwan. "Opo," magalang kong tugon. Isang ngiti ang sumilay sa mga labi niya. Malaking tulong iyon upang bahagyang gumaan ang pakiramdam ko. Nakakatensiyon kasi siyang kausap kahit na tunog mabait naman siya. Sa totoo niyan ay masyado pa siyang batang tingnan upang tawaging madam. Kung hindi ko pa alam na nasa forties na ay mapagkamalan ko siyang kaedaran ko lang. Ganito talaga siguro ang mga mayayaman parang hindi tumatanda. "Hi!" Mula sa kaharap ay nabaling ang atensiyon ko sa maliit na boses na biglang sumulpot mula sa kung saan. Isang cute na batang lalaki ang tumambad sa paningin ko. Ngiting -ngiti ito habang nangingislap ang mga matang nakatingin sa'kin. "Hello," awtomatiko kong bati pabalik dito. Sobrang cute nito na saglit nawala sa isip ko na kasalukuyan akong nasa isang interview kasama ang boss ni Tania na pinsan din nang magiging boss ko. "Sorry po," mapagpaumanhin kong baling kay Madam Mia matapos mapagtanto ang ginawa ko. "Is she the one?" tanong ng batang lalaki bago pa ako makakuha ng tugon mula kay Madam Mia. Nang lingunin ko ang bata ay naroon kay Madam Mia ang tingin nito kaya napagtanto kong para dito ang tanong nito. "No need to apologize, Melanie," sabi sa'kin ni Madam Mia sa halip na sagutin ang tanong ng bata. "Come here, Zeus, meet your new tutor," kausap pa nito sa bata. Ilang sandali pa bago nag-sink-in sa utak ko ang pagpakilala sa'kin ni Madam Mia sa pamangkin niya "T-tanggap na po ako?" maang kong usal kapagkuwan. Kasalukuyan na nitong kandong-kandong ang cute na batang tinatawag nitong Zeus. "Oo, tanggap ka na at magsisimula ka na ngayon," nakangiting sagot ni Madam Mia. Parang nabalewala pala ang kaba ko kanina dahil sobrang dali nang interview. Nakapagtataka lang na para sa mga katulad nilang high-profile ay sobrang dali naman nilang magtiwala sa'kin. "Zeus, this is Miss Melanie—" "Can I call you Tita Mel?" nangingislap ang mga matang putol ng bata sa akmang pagpapakilala sa'kin ni Madam Mia. "Please...." nakikiusap pa nitong dugtong. Sobrang cute nito at pakiramdam ko ay alam nito kung paano gamitin iyon upang makuha lahat ng gusto. "Oo naman," magiliw kong sagot. Agad din akong napahinto nang sumagi sa isip ko na possibleng spokening dollars ang bata dahil nga lumaki ito sa isang mayamang pamilya. "Don't worry, he can understand tagalog very well," wika ni Madam Mia na mukhang naintindihan ang natigilan kong reaksiyon. "Anyway, nasabi na ba sa'yo ni Tania na maliban sa pagiging tutor ni Zeus ay tatayo ka ring temporary guardian niya kapag wala sa bansa ang daddy niya?" maya-maya ay tanong sa'kin ni Madam Mia. Walang nabanggit sa'kin si Tania tungkol doon at lalong hindi ko alam kung ano ang trabaho ng isang temporary guardian. "Base on your reaction ay mukhang hindi nga nabanggit ni Tania," pumalatak na komento ng kaharap kong ginang. "Siguro rin ay nagtataka ka kung bakit mas pinili naming kumuha ng tutor mula sa malayong probinsya sa halip na mag-hire mula sa isang private tutoring agency," dugtong pa niya. Isang malumanay na ngiti ang binigay niya sa'kin pero napansin ko ang pagdaan ng matigas na ekspresyon sa mukha niya. "Dahil wala na akong tiwala sa mga babaeng may ideya kung sino ang ama ni Zeus," seryoso niyang dagdag pagdaan ng ilang sandali. "Bilang tutor ng pamangkin ko at temporary guardian nito ay malaki ang magiging impluwesya mo sa kanya. At pinakaayaw ko ay ang nagagamit ang pamangkin ko para sa pansariling interes nang kahit na sino." Mukhang may malalim na pinaghuhugutan si Madam Mia sa mga sinabi niya. Hula ko ay ilang beses nang nangyari ang huli niyang sinabi at ngayon ay binibigyan niya ako ng babala. Napasulyap ako sa batang nasa kandungan niya. Kasalukuyan pa rin itong nakangiti habang titig na titig sa'kin. Nang mapansing nakatingin ako ay lalo nitong nilakihan ang pagkakangiti. Kung hindi ito limang taong gulang ay iisipin kong nagpapa-cute ito sa'kin. Nginitian ko muna ito bago i ibinalik ang tingin kay Madam Mia. Mukha wala naman sa pinag-uusapan namin ni Madam ang atensiyon ng bata kundi ay nasa mukha ko. Hindi naman siguro ako mukhang endangered specie, 'no? Baka kasi kaya tingin nang tingin ito dahil unang beses nitong nakakita nang hindi mukhang tao.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD