“Totoo ba iyon? Ang aking ina? Nakita niyo na rin ba siya? Atsaka anong nangyari sa kanya?” natatarantang tanong ko kay Gio. Parang kakatanong ko pa lang ay gusto ko na agad makakuha ng kasagutan. “Unfortunately, hindi pa rin namin nakikita ang iyong ina. Mukhang malayo ang kinaroroonan ng patay na katawan ng stepfather mo sa kung saan niya maaaring itinago ang iyong ina.” Lumapit sa akin si Gio at hinawakan ang pisngi ko. “But don’t worry, dinadagdagan ko na ang mga taong naghahanap sa kanya, okay?” Tumango na lang ako. Wala na rin naman akong ibang magagawa kung hindi ang tumango at maghintay sa kanyang balita sa akin. Ngumiti siya sa akin at muli akong hinila papahiga sa kanya. Huminga ako nang malalim at ipinikit ang mga mata. Sana ay nasa maayos na kalagayan si Inay. Hindi ko alam

