Nakarinig ako ng pagbukas ng pinto ng bahay. Agad kong sinilip kung sino iyon at nang makita kong si Gio iyon ay napatigil ako. Napatingin din naman si Gio sa akin at tumigil sa paglalakad. “Where’s Dad?” Medyo kunot noo niyang pagtatanong sa akin. Naupo siya sa sofa habang hinihintay ang aking pagsagot. “Nasa kwarto po nila. Tatawagin ko po,” magalang na pagsagot ko sa kanya. Hindi ko alam bakit ang galang nang pakikipag-usap ko sa kanya. Basta ang alam ko lang, mainit ata ang ulo niya. Umakyat ako sa hagdanan papuntang pangalawang palapag ng bahay. Hindi pa ako nangangalahati sa pag-akyat sa hagdan ay nakita ko na si Sir Santiago kasama si Ma’am Leonor. Napalunok ako bago sabihin na naririto na si Gio kahit alam ko na nakikita naman nila iyon. Bumaba na ako ng hagdan at ganoon din na

