“GIOVANNI BENAVIDEZ!” Doon lamang ako bumalik sa katinuan nang marinig ko ang pagsigaw ni Hati sa pangalan ko. Napatingin ako sa kanila at ang tatlong pinsan kong lalaki ay nakatingin sa akin. Kung ano na ang pinag-uusapan nila ay wala akong ideya. “Bakit?” tanong ko, walang muwang sa kung ano na bang napag-usapan. Napasapo si Avion sa kanyang noo at napailing. Hindi mo malaman kung dismayado ba o inaasar lamang ako. Nakita ko rin ang pag-iling ni Zavian at Hati. “Ano bang problema mo, Gio? Kanina pa nag-uusap dito ay parang kung nasaang lupalop iyang isipan mo.” Napapakamot si Avion sa kanyang ulo. Mukhang hindi alam kung uulitin ba nila para sa akin ang lahat ng pag-uusapan namin. Napabuntong hininga ako dahil sa pagkakatulala ko at pag-iisip nang malalim na halos makalimutan ko na

