Nadamplisan ko siya sa kanyang leeg kaya’t bahagyang lumuwag ang kanyang pagkakahawak sa baril niya at nahulog iyon. Ipuputok ko pa sanang muli ang baril na hawak nang mapagtantong wala na iyong bala. Napatingin ako kay Adonis. Tatangkain pa sana niyang barilin ulit kami nang may bumaril sa baril na hahawakan niya kaya’t agad nitong iniiwas ang kanyang kamay. Napaupo ako sa sahig dahil sa nangyari. Hindi makapaniwala na may binaril ako kahit na hindi ko naman iyon napatay. Lilingon pa lamang kung saan nanggaling ang bala ng baril na iyon nang may mga lalaking hindi ko kilala na armado rin ang kumalat sa paligid. Nilapitan nila sina Don Benedicto na walang malay at si Adonis na nagngingitngit sa galit. Naalala ko ang nangyari kay Selina kaya agad ko siyang nilingon. Kakalugin ko na san

