Nakatingin lamang ako kay Gio habang siya ay hinahabol ang kanyang paghinga dahil sa hingal niya. Hindi ako nagsalita. Malakas ang aking pakiramdam na hindi rin naman ako makakapagsalita nang maayos, eh. “Hey, what’s wrong?” Nilapitan ako ni Gio at lumuhod siya upang maging magkasing-taas kaming dalawa dahil nga nakaupo ako habang nakahilig sa pader. Mas pinili kong mas ibaon lamang ang mukha ko sa tuhod ko dahil nahihiya akong ipakita ang itsura ko ngayon sa kanya. I bet it is a mess. Iyong makeup ko ay kalat na sa mukha ko dahil sa pag-iyak ko kanina. “Brie,” pagtawag niya sa aking pangalan na agad nagbigay ng kakaibang reaksyon sa aking katawan. Nagtaas ako ng tingin sa kanya at sinalubong ang nag-aalala niyang mga mata. Umawang ang labi ni Gio nang makita ang itsura ko pero agad d

