Remarried
Nagising ako dahil sa tunog ng machine na nasa gilid ng kama ko, iminulat ko ang mga mata at tumama 'yon sa maliwanag na ilaw.
Agad kong nalaman na nasa hospital ako, nakatitig lamang ako sa kisame habang inaalala ang pangyayari kahapon.
Pilit kong igalaw ang kamay upang hawakan ang tiyan pero para akong lantang gulay na hindi makagalaw.
"She's awake!" Gusto kong lingunin ang taong nagsabi nun pero wala akong lakas. Gusto kong maiyak pero parang naubusan ako ng tubig sa katawan.
Nanatili parin sa kisame ang paningin ko, naramdaman ko ang mga taong papalapit sa akin. Iniscan ng doctor ang mata ko gamit ang kaniyang penlight, hindi parin ako makagalaw.
"Is she okay doc?" Tanong ng tao sa mababang boses. Tanging tenga ko lang ang maaasahan ko ngayon, nilingon siya ng doctor.
"After almost a year of being in a coma, she is finally awake but not yet fully recovered."Pagpapaliwanag ng doctor natigilan ako. Na-comatose ako for almost a year?! Dahan-dahan kong ginalaw ang kamay ko.
"A-ang..."Mahinang sambit ko naramdaman kong parang may lumapit sa akin at hinawakan ang kamay ko.
"'wag ka munang magsalita."Malamig niyang ani, napatingin ako sa kaniya. Naalala ko siya. Siya yung lalaking tumulong sa akin noong araw na 'yon.
"A-anak...ko..."Pagpapatuloy ko sa sinabi kanina napatingin siya sa doctor at nagbaba ng tingin.
N-no!
Umiling siya,"he didn't survive." Parang binambo ang puso ko nung marinig ang sinabi niya. Hindi! Ang anak ko! Naramdaman ko ang pamamasa ng mata ko at ang mainit na likidong dahan-dahang tumulo pababa sa tenga ko.
"I'm sorry." Huling linyang sinabi ng doctor bago lumabas ng kwarto. Gusto kong sumigaw pero wala akong lakas, gusto kong puntahan ang dalawang taong kinasusuklaman ko pero wala akong lakas!
Ang walang kamalay-malay na anak ko, nawala sa piling ko. I'm sorry nak, I'm sorry.
"Magpahinga ka na muna." Hindi ko na siya tiningnan pa naramdaman ko nalang na itinaas niya ang kumot sa dibdib ko.
Bumuntong hininga siya bago ako tinalikuran, pero may isang linya pa siyang sinabi.
"Magpagaling ka upang mabalikan mo ang gumawa sa'yo niyan."
Tulala ako buong magdamag hindi ko magawang makatulog, buhay na buhay ang diwa ko. Pinilit kong tumayo at sa pagkakataong ito ay nagtagumpay ako.
Medyo bumalik na rin ang lakas ko, umupo ako ng maayos sa kama at isinandal ang likod. Napatingin ako sa kamay kong may swero, inilanga ko ang paningin.
Sa gilid ko ay may maliit na side table kulay puti iyon na may nakapatong na pulang bulaklak na nakasilid sa vase. Ito pa nga ang nakikita ko malalaman ko ng nasa private room ako.
Nilingon ko ang kabilang bahagi ng kwarto may malaking glass door doon kung hindi ako nagkakamali, patungo yun sa balcony. Huminga ako ng malalim saka dahan-dahang bumaba ng kama.
"Hey! What are you doing?" Napalingon ako sa pinto at iniluwal nun ang lalaki kanina, may dala siyang paper bags at prutas. Hindi ko siya pinansin, inilagay niya ang mga pinamili sa malaking lamesa malapit sa sofa.
Naramdaman ko ang paglapit niya sa akin, "gusto ko lang magpahangin." Malamig kong sagot bumuntong hininga siya at inabot ang dextrose ko. Tiningnan ko siya, anong ginagawa niya?
"I will go with you. Hindi mo pa kayang dalhin itong dextrose mo." Sabi niya animong parang nabasa ang sinasabi ng isip ko, hindi ko na siya sinagot at nag-simula ng maglakad papunta sa balcony.
Naka-alalay ang kamay niya kung sakaling matumba ako pero hindi naman yun nakahawak sa akin. Pakiramdam ko ngayon lang ulit ako nakalakad, naramdaman ko ang benda sa ulo ko.
Mabigat 'yon, napapikit ako nung maalala ang araw kung saan malinaw pa sa isip ko ang nangyari sa akin. Pakiramdam ko naliligo pa rin ako ng dugo.
Pati ang mga hita ko ay mahirap igalaw, kaya matagal bago kami nakarating sa glass door.
"Ako na." Sabi niya at binuksan 'yon, tiningnan ko lang siya at humakbang sa balcony. Agad na bumungad sa akin ang malamig na hangin, muli akong naluha.
Parang ang tagal kong nakalanghap ng preskong hangin, gabi na kaya medyo malamig ang hangin. Napatingin ako sa ibaba nakita ko ang mga sasakyang mabilis na ang takbo, kumunot ang noo ko nung biglang sumagi sa isip ko ang nangyaring impact sa akin.
Sad'yang malakas ang pagkakabangga sa akin nun dahil tumilapon ako, pakiramdam ko bumiak ang ulo ko nun.
Napahawak ako sa aking tiyan, mas lalo akong naluha. Mariin akong napapikit at hinayaang bumuhos ang luha ko. Ang anak ko, patay na ang anak ko.
Namimiss ko ang paglobo ng tiyan ko, namimiss ko ang bawat pag-sipa niya. Sa limang buwan na pag-iingat ko sa kaniya ay sa isang iglap lang ay nawala na siya sa akin.
"I'm sorry, baby." Iminulat ko ang mga mata ko. "Gusto pa sana kitang makasama e, gusto ko pa sanang makita yung ngiti mo e. Bakit mo naman iniwan si mama, baby ko. Patawarin mo si mama ha? Hindi ka nagawang protektahan ni mama..." Humagulgol na ako ng iyak, naramdaman ko ang panghihina ng tuhod ko pero bago pa man ako makaupo sa sahig ay agad na akong hinawakan nung lalaki.
Naramdaman kong tinapik niya ako sa balikat, mas lalong bumuhos ang luha ko para 'yong gripong walang preno sa pagbuhos. "Mahal na mahal ka ni mama, anak." Humihikbing bulong ko sa hangin, naramdaman ko ang mainit na hangin na para bang yumakap sa akin kaya mas lalo akong humagulgol.
"I'm sorry nak, kasalanan 'to lahat ni mama. Ang tanga-tanga ko!" Halos sabunutan ko na ang sarili sa inis, pero pinigilan ako ng lalaki.
"It's not your fault, don't blame yourself. Hindi magiging masaya ang anak mo kapag nakikita ka niyang nagkakaganiyan." Sabi niya nilingon ko siya nakatingin siya sa malayo kaya kitang-kita ko ang matangos niyang ilong. Walang emosyon ang mukha at bahagyang tinatangay ng hangin ang buhok niya.
"Sino ka ba?" Tanong ko pero hindi niya 'yon pinansin. Bakit niya ako tinutulungan? Yumuko siya at may kinuha sa kaniyang bulsa, tissue. Inabot niya 'yon sa akin.
"Wipe your tears." Sabi niya na hindi nakatingin sa akin, tiningnan ko pa muna 'yon bago tinanggap. Pinunasan ko ang mata ko.
"Ares. I'm Ares Luther." Ani'ya pagkatapos ng mahabang katahimikan. Tiningnan ko lang siya bago muling ibinalik ang tingin sa mga nagtataasang mga gusali
Ares...
"I'm Lau—" natigilan ako sa pagsasalita nang maalala ang ipinangako ko sa sarili nung araw na yun. I'm not the Laura Marquis anymore. "I'm Akhanta." Malamig kong sagot.
"I see, you decided to changed your name huh." Tatango-tango pang ani'ya natigilan ako saka siya nilingon, bahagyang nakataas ang kamay niya dahil sa bitbit na dextrose kaya kitang kita ko ang muscles niya sa braso.
"Kilala mo 'ko?" Kalmadong tanong ko, tumango siya.
"Of course. Tinanong ng mga doctor ang tungkol sa'yo kaya pinag-aralan kita."
Bumuntong hininga ako, "lahat?"
"Lahat." Kalmadong ani'ya, nangibabaw ang katahimikan sa aming dalawa. Alam niya na ang lahat ng tungkol sa akin? How come?
Palihim akong lumayo sa kaniya at tumingala sa langit, nakita ko ang mga kumikinang na bituin. Namasa na naman ang mata ko nang maalala ang anak ko.
"If you'll feel like crying, just cry." Pamababasag niya sa katahimikan, nilingon ko siya. Nakita ko ang headset na nakasalampak sa tenga niya, nakatingin lamang siya sa malayo. "I won't listen."
Hindi ko alam kung bakit mas lalong bumuhos ang luha ko sa sinabi niya, humagulgol ako at patuloy na minura si Alfred sa isip.
"Walang hiya sila." Wala pa ring tigil sa pagbuhos ang luha ko, walang kasing sakit ang ginawa nila sa 'kin. Mga demonyo sila, nadamay pa ang anak ko! Ang anak natin Alfred, wala na! Hayop ka!
*****
"Thank you." Sa wakas ay nasabi ko na rin, tinulungan niya akong umupo sa kama. Hindi siya sumagot, tiningnan ko siyang isabit ang dextrose sa dextrose stan.
"Are you hungry?" Tanong niya at tumingin sa akin napalunok ako at hindi nakasagot. Tumaas ang kilay niya na animong naghihintay ng sagot.
Tumikhim ako at tumango. "Yes."
"What do you want to eat?" Tanong niya at lumapit sa mesa, nakatingin lang ako sa likod niya. Ngayon ko lang na pansin na napakatangkad niya pala. He's wearing a black suit with a pair of black slacks. Naka-itim siya lahat, kung anong sinuot niya nung araw na yun ganoon rin ang suot niya ngayon.
Nabalik ako sa ulirat nang bigla siyang humarap sa akin at kinunutan ako ng noo. "R-ramen will do." Utal na sabi ko, mas lalong kumunot ang noo niya.
"Junkfoods." Yun lang at muli akong tinalikuran, hindi ko alam kung ano ang ginagawa niya dahil bahagya siyang nakatalikod sa akin.
"Ah, by the way. Alam ba ng mga magulang ko ang nangyari sa akin?" Tanong ko at tumingala sa kisame alam kung nag-alala na sila ngayon kung nalaman nila ang nangyari sa akin. Lalo na si mom. Alam na kaya nila ang nangyari sa a-apo nila?
Bumigat na naman ang dibdib ko at muling lumabo ang paningin mabilis kong pinunasan ang mata.
"Yes," natigilan ako sa sinabi niya. Hinarap niya ako, walang emosyon ang kaniyang mukha. "I told them that you're dead." Mas lalo akong natigilan sa sinabi niya.
"What?!" Nanlalaki ang mga matang tanong ko, bakit niya sinabi 'yon? At sa mga magulang ko pa!
Muli niya akong tinalikuran upang ipagpatuloy ang ginagawa. "If I tell them the truth that you're in a comatose, your ex-husband might take advantage of you. Nalaman ko ring isa pala siya sa mga body-guards mo noon, you fell into the man who can't stand on his own grave." Diritsong sagot niya iniwas ko ang paningin.
Ex-husband?
"If you want to get revenge, you have to turn your heart into stone. You have to be brave and strong, don't be stupid. Show them that they made you into a one." Seryosong ani'ya wala sa sariling napatingin ako sa kamay ko, wala na yung singsing. Tumiim ang bagang ko kasabay nun ang pagkirot ng puso ko.
Totoong minahal ko siya pero lahat ng pinapakita niya sa akin ay isa lang palang kasinungalingan.
"Paano ako babalik sa amin? Paniguradong magugulat sila kapag nakita ako." Bulong ko sa sarili naramdaman ko siyang lumapit sa akin kaya inangat ko ang paningin sa kaniya. Iniligay niya sa side table ang mga pagkain. May pritong isda, itlog, kanin, sabaw ng baka, at prutas. Walang ramen.
"Don't worry I will help you." Sagot niya tiningnan ko siya, seryoso siyang nakatingin sa akin. Iniwas ko ang paningin sa mga pagkain sa side table.
"I said I want to eat ramen, e nasaan ang ramen ngayon?" Tanong ko bumuntong hininga siya at kinuha ang platong may kanin saka 'yon nilagyan ng sabaw ng baka. Wow, siya lang yung kakain. How about me naman?
"Nutritious food is what you need right now." Mariing sabi niya hindi ko maintindihan. Nakita ko siyang hinila ang upuan palapit sa akin at umupo do'n, nakatingin lang ako sa kaniya.
Nakita kong sumandok siya at inihipan ang kanin sa kutsara saka 'yon itinutok sa bibig ko, nagulat ako.
"Open your mouth." Walang emosyong utos niya napakurap-kurap ako at tinapunan ng tingin ang kutsara saka muling ibinalik ang tingin sa kaniya.
"S-susubuan mo 'ko?" Gulantang tanong ko na itinuro pa ang sarili, ibinaba niya ang kutsara, saka bumuntong hininga.
"Do you want the doctor or nurse will do this to you?" Wala paring emosyong tanong niya, kumunot ang noo ko.
"M-may kamay naman ako."
"Then go, feed yourself." Utos niya saka ibinigay sa akin ang plato, hinawakan ko 'yon. Pasiring kong inalis ang tingin sa kaniya, hinawakan ko ang kutsara at sumandok.
Nakatingin siya sa akin at naiilang ako sa ginagawa niya, wala sa sariling isinubo ko ang kutsara saka ko lang narealize na mainit pala! Mabilis kong pinaypayan ang bibig ko.
"M-mayinit!" Hindi ko na maiusal ng maayos ang sasabihin ko dahil sa mainit na pagkaing nasa bibig ko. Umiling siya at inabot ang isang basong tubig, ibinigay niya 'yon sa akin. Agad ko 'yong tinanggap at ininom.
"Is that how hungry you are? That you can't even blow your food?" Mahihimigan ang pagkadismaya sa boses niya, sinamaan ko siya ng tingin. Kung hindi lang sana siya titig ng titig sa akin edi sana naisip kong ihipan ang pagkain ko.
Hindi ko siya sinagot at ibinigay sa kaniya ang baso, kinuha niya 'yon at muling ibinalik sa mesa. Akma ko na sanang muling hahawakan ang kutsara nang bigla niya 'yong kunin.
"Yah! What are you doing?!" Inis na tanong ko tiningnan niya ako.
"Feeding you, I guess?" Sarkastikong tanong niya palihim kong inirap ang mga mata. "C'mon, stop playing hard-to-get, just open your mouth already." Tiningnan ko siya ng hindi makapaniwala, ako? Nagpapa-hard-to-get? Napaawang ang labi ko at akma na sanang sasagot nang bigla niya 'yong subuan ng pagkain!
"Good girl." Ani'ya, sinamaan ko siya ng tingin pero nanatili siyang walang emosyon. Napilitan akong nguyain ang pagkain sa bibig ko.
Masarap, "sinong nagluto nito?" Tanong ko habang ngumunguya, tiningnan niya lang ako.
"Don't talk when your mouth is f*****g full." Walang emosyong sagot niya, napairap nalang ako sa kawalan bago linunok ang pride ko.
Hindi siya nagsalita kaya tahimik lang rin ako, dinuro ko 'yong pritong isda kaya kumuha siya ng kunti nun at niligay sa kanin. Sinubuan niya ako at nginunguya ko naman.
Paulit-ulit lang ang ginagawa namin hanggang sa matapos, siya na ang nagligpit ng pinag-kainan namin or should I say pinag-kainan ko dahil ako lang naman ang kumain.
Pinagmasdan ko lang siya na busy sa pagtapon ng mga plastic sa trash can, huminga ako ng malalim.
"May balita ka ba tungkol sa ex-husband ko?" Nag-aalangang tanong ko natigilan siya. Narinig ko ang buntong hininga niya bago ako hinarap. Lumapit siya sa akin at inutusan akong humiga, sinunod ko naman siya. Inayos niya ang kumot ko.
"He is already remarried to Amanda Cruz."