bc

The Cruel Love

book_age12+
27
FOLLOW
1K
READ
revenge
love-triangle
pregnant
self-improved
drama
comedy
bxg
betrayal
cheating
affair
like
intro-logo
Blurb

"Being with you was such a big mistake."

****

Laura Marquis was betrayed by her so-called true friend by seducing her husband. And because of that her baby died and she survived thanks to the man named Ares Luther who suddenly appear out of nowhere to saved her. Will she comeback and get revenge? Would that be enough to make her feel at ease? Is there still a happy ending for her? Is she willing to loved and to be loved again?

Genre: Romance

chap-preview
Free preview
Prologue
Warning: Read at your own risk, I'm not a professional writer so expect grammatical errors okay? ——————————————— Namatay pero muling nabuhay, niloko, tinaksil, tinalikuran ng mga taong akala mo mag-s-stay sa'yo. Ang akala mo totoong kaibigan, peke pala. Bakit may mga taong papaniwalain ka sa kanilang mga pangakong wala namang kasiguraduhan? Ako namang si tanga, naniwala kaagad. Yung taong kaagay mo sana sa lahat ng iyong problema ay siya pa yung taong dadalhin ka sa bingit ng iyong kamatayan. Nung mga oras na sinilip ko sila sa kwarto hiniling ko na sana hindi ko nalang ginawa, hiniling ko na sana hindi ako umuwi ng bahay. Limang buwan na ang tiyan ko, sumasakit yun habang patuloy ako sa pag-iyak. Tanging liwanag lang ng buwan ang nagsisilbing ilaw sa madilim kong kwarto. Ang nakakadiring ungol ng kaibigan ko at ang nakakarinding ungol ng asawa ko ay nag-paulit-ulit sa loob ng ulo ko. Bakit ako pinaparusahan ng ganito? Ano bang kasalanan ko? "Misis, kailangan mong manatiling stress free. Hindi makakatulong sa baby mo ang palaging matamlay, stress, at malungkot." Payo ng doctor sa 'kin walang gana akong tumango, paulit-ulit paring gumugulo sa isip ko ang pagtataksil sa 'kin ng mga mahahalagang tao sa buhay ko. Hindi ko namalayang nakalabas na ako ng hospital, napatingin ako sa tiyan ko. "Anak, sorry ha? Wala namang kasalanan si papa mo. Nagawa niya lang yun kasi...kasi..." Hindi niya na ako mahal, bumuhos na naman ang luha mula sa mga mata ko. Ano ba Laura! Makakasama sa anak mo kapag palagi kang umiiyak! Pilit kong kalimutan ang nasaksihan ko kahapon pero paulit-ulit yung sumasagi sa isipan ko, hanggang sa nakauwi ako ng bahay. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako, sa bawat paghakbang ko sa hagdan ay kumaklaro sa pandinig ko ang ingay na tanging nagtatalik lang ang nakakagawa. Ginagawa na naman nila... Huminga ako ng malalim upang mapigilan ang luhang nagbabadyang tumulo, bakit dito pa nila ginagawa? Nanginginig ang labi kong nilingon ang kwarto kung saan pinagmulan ang ingay, dahan-dahan akong naglakad patungo roon. Nanginginig ang tuhod ko sa bawat hakbang na gagawin ko, wala sa sariling napahawak ako sa aking tiyan. Nasa tapat na akong ng pinto at mas lalo pang lumakas ang kabog ng dibdib ko. Nakaawang ang pinto kaya nakita ko ang ginagawa nilang kawalangyaan. Hindi ko na napigilan ang luha ko walang preno itong bumuhos, mariin kong tinakpan ang bibig ko upang mapigilan ang paghikbi. Nakita ko ang mukha ng asawa kong sarap na sarap sa kaniyang ginagawa, sa mga oras na 'to gusto ko silang patayin! Pero nag-aalala ako sa magiging kahantungan nun, madadamay ang anak ko kapag ginawa ko 'yon. "Taksil." Sa kalagitnaan ng aking pagpipigil ng hikbi ay naiusal ko 'yon pero hindi nun nagawang patigilin sila, wala parin silang kamalay-malay na may nakakakita na sa kanila. Alfred, nanood ang anak mo sa ginagawa niyong kahayupan. Mas lalong bumuhos ang luha ko matapos 'yong iusal sa isip. Akala ko ba nagbago ka na? Sa bawat ungol na pinapakawalan ni Amanda ay parang kutsilyong tumatarak sa puso ko, kahit galit na galit ay pinili kong panoorin sila. Hindi ko na napigilan ang paghagulgol ko, napatigil silang dalawa at napalingon sa akin. Literal na nanlaki ang mata ni Alfred. "Ano ba! Why did you stop?!" Maarteng tanong ni amanda na nakadapa parin, nilingon niya si Alfred. "Laura...!" Gulat na bulalas ni Alfred dahan-dahan namang napalingon sa 'kin si Amanda at nanlaki ang mga mata. "L-laura?!" Gulantang na anas niya at mabilis na napaatras, nanatili akong nakatingin sa mga mata ni Alfred na ngayon ay nakaawang ang bibig. "N-natukso lang ako, laura. Hindi ko siya mahal, ikaw ang mahal ko." Mabilis siyang tumayo at nagkukumahog na pinulot ang mga damit na nagkalat sa sahig. Hindi ako kumibo patuloy sa pag-agos ang luha ko, hindi ko na rin masyado siyang makita dahil nanlalabo na ang paningin ko. "P-paano mo nagawa sa amin 'to? Sa amin ng anak mo?" Umiiyak na tanong ko natigilan siya at hindi pa nga nakakasuot ng saplot sa kaniyang pang-ibabang bahagi ay patakbo siyang lumapit sa akin. Napaatras ako at bahagyang iniharang ang dalawang palad ko, natigilan siya. "L-laura...!" Umiling ako,"nakakadiri ka. Nandidiri ako sa'yo! Sainyo!" Nanginginig ang kamay kong dinuro silang dalawa, nakita ko pa ang pag-irap ni Amanda. "Ikaw! Tinuring kitang parang tunay na kapatid, bakit mo nagawa sa akin 'to Amanda?! Bakit?" Mariing tanong ko gusto ko na siyang sugurin at kaladkarin palabas pero natatakot ako dahil baka mapano ang bata na nasa sinapupunan ko. Hindi sila nakasagot napakurap-kurap ako sa kisame bago tumakbo palayo, hinabol ako ni Alfred pero hindi ko siya nilingon. Mabilis akong bumaba sa hagdan. "Laura, isipin mo ang anak natin! Baka mahulog ka!" Nag-aalalang sigaw niya hindi ko siya pinakinggan at matagumpay na nakalabas ng bahay. Hindi ako lumingon at patuloy sa pag-iyak, kahit anong pigil ko na 'wag umiyak dahil makakasama sa anak ko pero hindi ko mapipigilan ang sakit. Ang sakit na kailanman hindi mo na mapapalitan ng masayang ala-ala. Alam kong habang nabubuhay ako ay palagi ko itong maaalala. Palagi ko itong maiisip palagi akong masasaktan. Napalingon ako dahil may biglang humawak sa kamay ko, si Alfred. Nagsusumamo ang mga mata niya, bigla kong naalala ang sinabi niya sa akin bago kami kinasal. 'Aalagaan kita at ang anak natin, mamahalin kita habang buhay, ikaw lang ang babaeng mamahalin ko. I love you Laura.' It turns out na kasinungaling lang pala 'yon. Marahas kong tinanggal ang kamay niya sa braso ko. "Bitawan mo 'ko, nandidiri ako sa'yo!" "Laura please, patawarin mo 'ko! Amanda seduced me, hindi ko sinasadyang matukso, Laura. Please mahal na mahal kita!" Walang emosyon ko siyang pinagmasdan hanggang sa lumuhod siya sa harapan ko, pinunasan ko ang luha sa pisngi ko. "Ano kaya kung ako yung gumawa sa'yo nun, Alfred. Mapapatawad mo ba ako ha?!" Inis na tanong ko, hindi siya nakasagot. "Ang sakit Alfred e. Hindi ka lang nambabae, pinatulan mo yung kaibigan ko! Nakita ng anak mo! Dito pa talaga sa bahay na pangarap ko!" Malakas na sigaw ko sa kaniya, patuloy sa pag-agos ang luha ko patuloy ko rin yung pinupunasan. "Laura please..." "Anong klaseng nilalang kayo?! Ano bang pagkukulang ko, Alfred? Bakit mo nagawa sa akin 'to?" Humihikbing tanong ko, umiling siya ng umiling. Hahawakan niya na sana ang binti ko pero mabilis ko 'yong iniwas. Wala pa rin siyang suot na pang-ibaba mabuti nalang at mataas yung damit niya, walang hiya talaga! "Sorry, Laura. Sorry..." "Naalala mo pa ba ang ipinangako mo sa 'kin Alfred bago tayo kinasal?" Tumango siya. "Y-yes, I remember it clearly," "Then what happened? Why did you broke your promise?!" Mas lalo pang bumuhos ang luha ko, natigilan siya at hindi nakasagot. Napatingin ako sa daliri kong may wedding ring namin. "Your an asshole, Alfred Castino." Pagkasabi ng pagkasabi ko nun ay tinanggal ko ang singsing at ibinato 'yon sa kaniya. Masakit pero kailangan. Nanginginig niyang pinulot 'yon sa lupa, this is a nightmare! Tumulo na rin ang mga luha niya at nasasaktan ako kapag nakikita siyang umiiyak. May kung anong bumara sa lalamunan ko dahilan upang maiyak na naman ako, mabilis ko na siyang tinalikuran at agad na tumakbo palayo. Patuloy parin sa pagbuhos ang luha ko hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko, gusto ko lang na makalayo sa kaniya. Natinag ako sa malakas na busina ng sasakyang papalapit sa akin, hindi ako nakagalaw. Hanggang sa namalayan ko nalang ang sarili kong nakahiga sa malamig na semento habang naliligo sa sariling dugo. Agad kong naramdaman ang sakit sa tiyan ko, nanghihinang napahawak ako do'n. Ang anak ko! Ang anak ko! Gusto ko yung isigaw pero masyado na akong nanghina, kahit nanlalabo na ang paningin ko ay nakita ko ang lalaking naka-itim na lumapit sa akin. Marahan niya akong binuhat pilit kong iminulat ang mga mata pero hindi ko na nagawa. Bago ako mawalan ng malay ay may ipinangako ako sa aking sarili. I will come back but I'm not the weak Laura Marquis anymore.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
32.0K
bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
4.3K
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
106.8K
bc

THE YOUNGEST GENERAL: DEANZ XANDER MONTEMAYOR (TAGALOG)

read
114.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook