4.
I spent hours talking to Lolo S na parang wala ng bukas hanggang sa umepekto na ang gamot na ininom niya at tuluyan ng makatulog. Doon lang ako lumabas sa kuwarto niya, at agad akong sinalubong ng naghihintay na si Nicholas.
Hindi na ito naka-formal attire dahil mukhang galing pa siya sa kumpanya ng sunduin niya ako sa airport. Nagtama ang tingin matapos kong makalabas pero hindi tulad kanina ay hindi ko siya nilampasan pero hindi ko rin siya magawang tignan.
I still hate him, mas lumala lang siguro ngayon kahit na sabihin ni Lolo na 'wag akong magalit sa kaniya, hindi ko pa rin talaga maiwasan. Pero ang totoo ay mas nagagalit ako sa sarili ko dahil after I graduated last year mas pinili ko na manatili pa ng ilang buwan pa sa Australia kaysa bumalik dito.
Ang akala ko kasi ay ayos lang ang lahat, ni hindi sumagi sa isip ko na ganito kabilis mangyayari ito, na ano mang oras ay maaaring mawala na si Lolo. He has this rare condition that made him suffer for years already yet ngayon lang nila ipinaalam sa akin, ngayon na mas malala at bilang na lang ang oras para sa kaniya.
Kahapon lang lahat ipinaalam sa akin ni Nicholas ang tungkol sa lagay ni Lolo at kahapon na lang din kami muling nakapag-usap na dalawa. Hindi pa rin magawang mag-sink-in sa akin ng lahat. Ayokong maniwala hanggat hindi ko siya nakikita kaya agad akong umuwi pagkatapos niya akong tawahan. Pero ngayong nakita ko na si Lolo, mas lalong hindi ko napaniwalaan ang lahat. It's like, it's not him anymore. Hindi na siya ang masiyahin, masigla, at palatawa kong Lolo S.
"Hindi ka pa kumakain. And I don't think you eat anything before going here," pambarag niya sa katahimakang saglit na bumalot sa pagitan namin.
"Hindi ako gutom," tipid ko lang na sagot, hindi pa rin siya tinitignan.
"Naghanda sila Manang para sa 'yo—"
"Pakisabi salamat pero wala akong gana." Tinalikuran ko na siya para sana iwan na siya dahil kahit lakas para kausapin siya ay wala na ako.
Hindi pa man ako nakakalayo ay nahawakan na niya ako sa braso. "Tamara..." Hindi ko siya sinagot o nilingon man lang. "Hindi ko intensyon na sabihin ngayon lang sa 'yo ang tungkol dito. I tried contacting you for months pero naka-blocked ako lahat sa 'yo."
Doon ako saglit na natigilan bago marahang binalingan siya. Suot ko pa rin ang itim kong shades na tanging panangga ko ngayon para hindi direktang makipagtitigan sa kahit na sino at hindi makita ang mga emosyong sumasalamin sa halo-halo kong nararamdaman ngayon.
"Kasalanan ko pa rin talaga," ang mahina kong sambit nang maharap siya. Mapait akong napangiti. "Siguro ito na ang karma ko dahil sa kasamaan ng ugali ko."
"There's no thing like that, Tamara."
"But there's a thing like choices," kabig kong bigla bago marahas na binawi ang braso ko mula sa pagkakahawak niya. "You have your own choice, Nicholas. May choice ka para sabihin sa akin noong huling bakasyon ko ang tungkol sa kalagayan ni Lolo but you chose not to tell me." Mariin ko siyang tinitigan sa mga mata kahit na hindi niya nakikita ang namamaga kong mata. "Bakit palagi mo na lang sinasayang ang tiwala ko sa 'yo? Pinipilit kong maniwala sa mga sinasabi ni Lolo, na bukod sa kaniya ay mapagkakatiwalaan kita. But you always disappoints me whenever I put my trust on you."
Hindi siya kumibo at bahagya lang na nagbaba ng tingin. Nag-iwas na rin naman ako sa kaniya ng tingin bago siya tuluyang talikuran para umalis. Hindi na niya ako sinundan pagkatapos no'n pero nagpadala siya ng pagkain at inumin sa tree house na palagi kong tinatambayan noong bata ako.
I spent my time there reminiscing my childhood para ma-divert sa iba ang atensyon ko hanggang sa hindi ko na lang namalayan na nakatulog na ako roon. Nagising ako dahil sa pagkalam ng tyan ko, ngayon lang ako nakaramdam ng gutom simula kahapon.
Inilibot ko agad ang paningin ko ng makitang madilim na sa labas ngunit maliwanag sa tree house dahil nakabukas ang mga ilaw rito. Siguro ay si Nico ang nagbukas, siya lang naman ang nakakaakyat dito bukod sa akin. Because this is my safe place.
"Sir Nico, hindi pa po ba kayo papasok sa loob? Gabi na at malamok na sa parteng iyan. Pinapatawag na rin kayo ni Manang Ester, malapit na raw pong ihain ang hapunan."
Nangunot ang noo ko ng makarinig ng boses sa ibaba ng tree house, pupungas-pungas pa akong sinilip iyon mula sa pintuan. Narinig ko ang pangalan ni Nicholas, ibig sabihin ay nandito siya. Ang akala ko ay hindi na niya ako sinundan.
Mula sa ibaba ng tree house ay umiling si Nicholas na nakaupo sa isa sa baytang ng kahoy na hagdanan nito.
"Pakisabi kay Manang Ester, hihintayin ko lang bumaba si Tamara. Papasok na rin kami maya-maya," aniya bago tumingala para tignan ang tree house.
Agad akong nagtago para hindi niya ako mahuling nakatingin sa kaniya. Hindi na muli ako sumilip pa sa ibaba at narinig na lang ang pag-alis ng kasambahay.
Muling namayani ang katahimikan sa paligid habang nakasandal ako sa dingding katabi ng pintuan. Napabuntong hininga ako. Gusto ko ng bumaba dahil nagsisimula na akong papakin ng mga lamok ngunit ayoko ring makaharap muli si Nicholas.
Humupa na ang mga emosyon ko dahil naiyak ko na lahat kay lolo S at kahit papaano ay nakaidlip pero sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ay bumabalik lahat iyon kapag nakikita ko siya. Ngayon na lang kami muli nagkita pagtapos ng isa at kalahating taon. Ni hindi siya pumunta noong graduation ko kahit na alam kong hindi ko rin naman siya papansinin kahit na pumunta siya.
Hindi ko pa rin talaga mawaglit sa isipan ko ang dahilan ng pag-iwas kong ito sa kaniya, ang eksena ng naabutan kong pakikipaghalikan niya sa babaeng itinanggi niyang girlfriend niya noon. Siguro napakababaw na dahilan lang iyon para sa iba pero para sa akin sapat na iyon para masira ang tiwala ko sa kaniya.
He knows me well, alam niyang ayoko sa lahat ang naglilihim at nagsisinungaling sa akin. Pero mukhang hindi mahalaga para sa kaniya ang nararamdaman ko at sa pangalawang pagkakataon ay sinira na naman niya ang tiwala ko. He lied about my grandpa's condition, sa lahat ng puwede niyang gawin ay iyon pa talagang pinakaayaw ko.
Lumipas na ang ilang minuto ngunit hindi man lang ako nakarinig ng kahit na anong kaluskos mula sa ibaba. At hindi ko na kinakaya ang mga kagat ng lamok sa binti at braso ko kaya kahit ayokong makita si Nicholas ay napagpasyahan ko ng bumaba kaysa magkaroon ng dengue sa pagmamatigas ko.
Agad siyang napaayos ng tayo ng maramdaman ang pagbaba ko.
"Don't you dare look up!" ang agad kong babala bago pa man siya makataas ng tingin dahil naka-dress ako at paniguradong makikita niya ang undergarments ko kung sakaling mag-aangat siya ng tingin.
Tahimik naman siyang nanatiling nakatalikod sa akin hanggang sa makababa ako. Agad akong naunang maglakad nang makababa at agad din naman siyang sumunod.
Malalaki ang hakbang ko habang iritang kinakamot ang magkabila kong braso dahil sa mga kagat ng lamok kanina sa tree house. Namumula na ang balat ko dahil sa pagkamot ko na hindi ko maiwasan dahil sa sobrang kati.
Natigil lang ako ng bigla niyang hablutin ang kamay ko para pigilan sa pagkamot. Agad niyang tinignan ang namumula ko ng balat bago mapabuntong hininga.
"Lalong mai-irritate ang balat mo kung kakamutin mo ng gan'yan," aniya habang nakakunot ang noo.
Marahas ko namang hinablot ang braso ko mula sa kaniya at inis siyang nilampasan ng walang sinasabi. Pero malalaki ang hakbang na hinabol niya lang ako at muling hinuli ang braso ko para hilain. Nagpupumiglas ako pero hindi siya nagpatinag at hindi ako binitawan hanggang sa makapasok kami sa loob ng mansyon.
"Puwedeng pakikuha ako ng cream para sa kagat ng lamok," aniya sa kasambahay na sumalubong sa amin. Agad naman itong sumunod na tinakbo pa ang papuntang kusina.
"Bitawan mo nga ako!" pagpupumiglas ko pa rin.
Mataman niya akong tinignan bago ako marahang itinulak paupo sa sofa sa sala.
"Stay there," utos niya na nagpataas ng kilay ko.
"Inuutusan mo ba ako?" ang hindi makapaniwalang tanong ko ngunit hindi na siya sumagot. Seryoso lang itong nakatingin sa akin ngunit hindi ako nagpatinag at agad na tumayo mula sa pagkakaupo kasabay ng pagdating muli ng kasambahay dala ang isang bote ng lotion o cream na hiningi ni Nicholas sa kaniya.
"Ito po, Sir."
"Salamat."
Agad na umalis ang kasambahay at umasta naman akong aalis na rin ngunit nahuli na muli ni Nicholas ang braso ko at ibinalik ang sa pagkakaupo sa sofa. Masama ang tingin na binalingan ko siya.
"Do you have a death wish!?"
Hindi niya ako pinansin at binuksan lang ang cream bago ilahad ang palad ko at lagyan 'yon.
"Ilagay mo sa braso mo, para hindi ma-irritate ang balat mo," ang marahan lang nitong sambit na hindi ko naman ginawa. Muling nagtagpo ang tingin namin, seryoso siya at halatang nagtitimpi lang katulad ng palagi niyang ginagawa kapag nagmamatigas ako. "Gusto mo bang ako pa ang magpahid sa 'yo?"
Hindi ako sumagot at nag-iwas lang ng tingin para muli sanang tumayo ngunit dumampi na ang palad niya sa palad ko para kuhain ang cream na nilagay niya roon. Napaawang ang bibig ko at naramdaman ang paggapang ng kuryente sa katawan ko ng marahan pumasada ang palad niya braso ko.
Tinabig kong agad ang kamay niya. "What do you think you're doing!"
Natigilan siya at nag-angat ng tingin sakin bago basain ang ibabang labi na senyales na nauubusan na siya ng pasensya. Napalunok naman ako.
"Kaya ko na ang sarili ko, Nicholas. Hindi na ako bata para alagaan at pagsilbihan mo pa ng ganito."
"I just want to help you, Tamara."
"Help me? Did I ask for help? Gaya ng sinabi ko hindi na ako bata, kaya ko na ang sarili ko. And for pete sake! Matuto kang makiramdam. I know I made myself clear. Hindi muna kita kayang makaisap o kahit makita man lang ngayon. So, please leave me alone!" Agad akong tumayo sa sofa at malalaki ang hakbang na tinungo ang hagdanan pataas sa kuwarto ko.
Hindi na niya ako sinundan sa pagkakataon na iyon, pero sa bawat hakbang ko ay lalong bumibigat ang dibdib ko. Lalo akong dinudumog ng mga emosyon. I hate him. Isa siya sa dahilan kaya hindi ako bumalik ng halos isa't kalahating taon. I hate him so much, but I guess I hate myself more.
Hindi ako nagpakita ng matagal para makalimutan ko ang nararamdaman ko para kay Nicholas. And I thought I successfully succeed. Pero ngayong muli ko siyang nakita, and keep doing things he used to do for me before parang nasayang lang ang lahat ng sakripisyo ko.
Padarag kong isinara ang pintuan ng kuwarto ko at nanghihinang sumandal doon. Hindi ko alam kung bakit pero nasasaktan ako, hindi lang dahil sa nagsinungaling siya sa kalagayan ni Lolo. Nasasaktan ako dahil sa tuwing itinataboy ko siya, alam kong lalo niya lang ipagpipilitan ang sarili niya sa akin.
And it scares me, na dahil sa ginagawa niyang 'to ay bumalik ang pilit ko ng kinakalimutang nararamdaman para sa kaniya. And it can't be. Ayoko, hindi ako makakapayag na magpaalipin sa nararamdaman ko para sa kaniya. At mawasak lang ng sarili kong expectations.
Kung kailangan ko siyang iwasan habang buhay ay gagawin ko.