Chapter 5

2178 Words
5. Simula nang unang araw ng pagbalik ko ay hindi na muli kami nakapag-usap ni Nicholas—hindi ko na siya muling kinausap. Hindi na rin naman niya ako kinulit at sinundan pa na mas nakabuti rin sa aming dalawa. Nagkikita na lang din kami kapag kumakain dahil katulad noon ay gusto pa rin ni Lolo na kumain kaming tatlo nang sabay-sabay kahit na minsan ay wala rin naman si Nicholas. Abala na siya ngayon lalo na at siya na lang ang nagha-handle ng kumpanya dahil wala namang ibang pinagkakatiwalaan si Lolo na mag-aasikaso doon, at hindi pa ako bastang pumalit sa kaniya agad-agad. Sa kabila ng pagiging busy niya ay araw-araw naman siyang umuuwi sa mansyon. Binibisita niya palagi si Lolo S at iniiwan ko naman silang dalawa para makapag-usap at makaiwas na rin kay Nico. Babalik lang ulit ako sa loob kapag nakaalis na siya, kung minsan ay hindi na dahil nagpapahinga na si Lolo. Nagkakasalubong kami sa mansyon na parang lumiliit na dahil kahit saan ay nagkikita kami. Tititigan niya lang ako at lalampasan ko naman siya. Gano'n lang ang naging ganap namin sa nakalipas na mga linggo at alam kong napapansin iyon ng lahat ng kasama namin sa bahay, lalo na ni Lolo. "Hindi ba kayo napapagod?" Sabay naming nilingon ni Nicholas si Lolo S ng minsang pumasok siya sa kuwarto nito at nandoon ako, agad akong tumayo sa upuan ko ng makita siya at aasta na sanang aalis ng magsalita si Lolo. "Po?" halos sabay naming tanong ni Nicholas bago saglit na magkatinginan at agad na umiwas. Bahagyang napabuntong hininga naman si Lolo S na salitan kaming pinasadahan ng tingin ni Nicholas. "D'yan sa ginagawa niyo, hindi ba kayo napapagod? Isang buwan na kayong nag-iiwasan na parang hindi magkakilala," ang tono nito ay parang pinapagalitan na kami. Walang nagsalita sa amin ni Nicholas at pareho lang na nanatili sa kaniya-kaniya puwesto. "Tandaan niyo na bilang na lang ang mga araw ko—" "Lo, naman. 'Wag ka ngang nagsasabi ng gan'yan," ang agad kong putol sa kaniya bago lumapit. "Harapin na natin ang reyalidad, Apo. Tanggap ko na rin naman kung sakali. Pero ang hindi ko tanggap ay ang lilisanin ko ang mundong ito nang nakikita kayong gan'yan," malungkot ang boses na sambit nito. "Alalahanin niyo na hindi lahat ay mapagkakatiwalaan natin, tayo lang ang mayroon sa isa't isa. Paano ako mapapanatag sa kabilang buhay kung ngayon pa lang ay halos ituring niyo na ang isa't isa na parang iba." Katahimikan ang sunod na bumalot sa silid bago maliit na ngumiti sa amin si Lolo at palapitin din si Nicholas sa tabi niya ngunit nasa kabilang banda ito ng kama habang ako naman ay sa kabila. "Kaya niyo bang tuparin ang isa kong hiling?" Binalingan niya kaming dalawa ni Nicholas na wala ring kibo. "Alagaan niyo ang isa't isa." Matapos ang pag-uusap na iyon ay sinubukan kong hindi maging awkward kay Nicholas lalo na sa hapagkainan dahil alam kong malulungkot lang lalo si Lolo S, kapag nakita kaming nagtatalo o hindi man lang nagkikibuan. Nang gabing iyon ay pinatawag niya ako sa kuwarto niya para kausapin bago matulog. Hindi ko alam kung anong gusto niyang pag-usapan pero mukhang maaliwalas ang mukha niya habang hinahaplos ang buhok ko. "Anong tingin mo kay Nicholas?" ang biglaan nitong tanong matapos naming magtawanan sa pagbabaliktanaw niya sa kabataan ko. Napawi ang ngiti sa labi ko nang marinig ang pangalan na iyon. "Bakit naman biglang nasali si Nicholas dito, Lo? Aasarin mo na naman ba ako sa lalaking 'yon?" ngumuso ako. Ngumiti lang siya sa akin. "Sa tingin ko kasi ay isang mabuting bata si Nicholas, hindi lang dahil ako na halos ang nagpalaki sa kaniya—sa inyong dalawa. Nakikita ko lang sa kung paano niyang tratuhin ang mga tao sa paligid niya. Hindi siya maramot, may puso para sa iba, masipag, matyaga, maalaga. Nakikita ko sa kaniya ang batang ako," bahagya siyang tumawa na ikinanguso ko. "Gusto mo lang sabihin na kasing guwapo ka niya noong bata ka," pagsingit ko na lalong ikinalawak ng ngiti niya. "Kung gano'n ay guwapo sa paningin mo si Nico?" mapang-asar nitong tanong sa akin na ikinairap ko sa hangin. "Stop it, Lolo S. Alam mong hate ko ang taong 'yon." "Dahil?" agad nitong tanong. Napaisip naman ako bigla. "Dahil... nakakainis siya, palagi niya akong pinapakaelaman, palagi siyang nakabuntot at sinusumbong sa 'yo. At isa pa... hindi siya totoo sa mga salita niya, at inilihim niya sa akin ang tungkol sa kalagayan mo. Ayoko sa kaniya, sa mga ngiti at tingin niya, sa buong siya." Nakangiti lang sa akin si Lolo habang pinapakinggan ako. "Naiinis ka sa kaniya pero sa bawat uwi mo ay siya ang unang hinahanap ng mata mo. Hindi ka umuuwi kung hindi siya ang magsusundo sa 'yo. Naiinis ka sa pagsunod niya pero hindi mo siya kayang mawala sa paningin mo." Ngumiti siya sa akin. "Apo, alam kong lahat iyan dahil palagi ko kayong pinagmamasdan. Hindi nagsisinungaling ang mga mata." Natahimik ako kahit na gustong depensahan ang sarili sa mga sinabi niya. Pero, napaisip din ako bakit tila ay tama ang lahat ng binanggit ni Lolo? Mga maliliit na bagay na pilit kong iwinawaksi sa isipan ko. Hinawakan ni Lolo S ang kamay ko at marahan iyong ikinulong sa mga palad niya. Ngumiti siyang muli sa akin. "Tamara, Apo. Kung bibigyan mo lang ng pagkakataon ang sarili mo para kilalanin pa si Nicholas, makikita mo kung gaano kabuti ang puso ng batang iyon," ang marahan ngunit sinsero niyang sambit. "Makikita mo ang dahilan kung bakit noon pa man ay siya lang ang lalaking gusto kong ipakasal sa 'yo." Saglit akong natigilan doon. "Lolo S," agad kong angal ngunit ngumiti lang siya sa akin. "Isa na lang ang pangarap ko. Ang makitang maikasal kayo ni Nicholas." Lumipas ang mga sunod na linggo pagkatapos no'n na parang minuto sa isang oras. Paulit-ulit lang ang naging routine ko sa bahay, kung minsan ay nag-uusap na kami ni Nicholas lalo na kung nasa kuwarto ni Lolo o nasa hapagkainan pero hindi kapag kami lang. Dumadalaw rin kung minsan sina Zy at Jasper para makipagkuwentuhan kay Lolo at kumustahin ako dahil hindi na talaga ako lumalabas kahit na pilitin ako ni Lolo. Sa umaga ay dinadala ko sa garden si Lolo S para magdilig ng mga bulaklak niya at makalanghap ng sariwang hangin, kung minsan ay kasama namin si Nicholas kapag wala siyang pasok kahit na alam kong marami siyang ginagawa. I treasure every moment I spend with Lolo S kahit hindi mawaglit sa isipan ko na ano mang oras o araw ay maaari na siyang kunin sa tabi ko. I always cry every night, sa kuwarto na rin niya ako natutulog para bantayan siya. Natatakot ako na iwan niya ako ng wala ako sa tabi niya, and I know that he feel that too. Hindi ako nakakatulog nang maayos tuwing gabi kaiisip kaya bumababa ako saglit sa kusina para magtimpla ng gatas pero bago pa man ako makalabas ng kuwarto ni Lolo ay may kumakatok na sa pintuan ng kuwarto at sa bawat bukas ko ay tanging tray kung saan nakalagay ang isang mainit na gatas ang nakikita ko. Palagi iyon, gabi-gabi sa saktong pagtapat ng kamay ng orasan sa alas dose. At iisang tao lang ang gumagawa no'n—si Nicholas. Nalaman ko 'yon isang gabi, maaga akong bumaba para kumpirmahin kung sino ba ang nag-iiwan ng gatas sa pinto ng kuwarto. And I saw him leaving his office room, with his eye glasses on at nakasuot pa rin ng puting long sleeve na mukhang kagagaling lang trabaho at nagtatrabaho pa rin sa opisina niya. Dumaretso siya sa kusina at hindi ako napansin sa salas dahil patay ang lahat ng ilaw. Palihim ko siyang sinundan sa kusina at pinanood siyang magtimpla ng gatas sa dalawang baso, ang isa ay ininom niya habang ang isa ay maingat niyang inilagay sa maliit na tray. Halata sa mukha niya ang pagod at antok pero hindi man lang siya nagdadalawang isip na hatiran ako ng gatas sa kuwarto ni Lolo S, gaya ng ginagawa niya noon kapag inaatake ako ng mga alaala ko sa mga magulang ko at hindi makatulog. Nang mailapag na niya ang tray sa harap ng pinto ay agad siyang pumihit pabalik sa opisina niya ngunit saglit siyang nagitla ng makita ako. Napaawang ang bibig niya para sana magsalita pero naunahan ko na siya. "You don't have to do this, Nicholas," mababa ang boses na sambit ko bago siya titigan sa mata. "And please rest, walang mag-aalaga sa 'yo kapag nagkasakit ka." 'yun lang at agad ko siyang nilampasan, bago kunin ang tray na may gatas at agad na pumasok sa kuwarto ni Lolo. Hindi ko na nakita ang reaksyon niya pero gano'n na lang ang kabog ng dibdib ko dahil lang sa saglit na pagtitig at pagkausap sa kaniya. Napabuntong hininga na lang ako bago bumalik sa sofa ng kuwarto ni Lolo kung saan ako natutulog. Ininom ko lang ang gatas na tinimpla ni Nicholas bago tuluyang matulog. After that night, magaan na muli ang nakaraan ay namumuong tensyon sa aming dalawa, I even saw Lolo S smiled after seeing us teasing each other like we used to before. But, fate is really cruel to me because after 4 months being with my Lolo S again and finally spending longer time with him, he was already taken away from me. Muli na namang gumuho ang mundo ko, isang umaga paggising ko at wala na ang natitirang pamilyang mayroon ako, ang nag-iisang taong pinagkakatiwalaan ko, my only comfort, my only home. He was gone... peacefully. I cried and cried that morning until I can't cry any tears anymore. Ilang sandali akong tumulala bago tawagan si Nicholas na agad naman niyang sinagot. "Tamara..." "His... his gone, Nico," 'yun lang ang sinabi ko at maya-maya lang ay agad na bumukas ang pintuan ng kuwarto. Magulo ang buhok at halatang kagigising lang ni Nicholas na nakapantulog pa. Agad niya akong hinanap at natagpuan niya akong nakaupo sa lapag habang hawak-hawak ang kamay ni Lolo S. Parang saglit na tumigil ang mundo niya nang bumaling kay Lolo na parang tahimik lang na natutulog. Mabagal ang bawat hakbang niya and I can see pain through his eyes. Paglapit ay walang sabing mahigpit niya akong niyakap at ang akala ko ay wala ng mga luha ay isa isa. muling pumatak hanggang sa ang tahimik kong pag-iyak ay naging hagulgol, walang tigil. Pero hindi ako binitawan ni Nicholas, nanatili siyang nakayakap sa akin, sinasalo lahat ng luha at nakakabingi kong iyak. He didn't say a word to comfort me but his presence was enough to make me feel that I wasn't alone that morning. Napuno ng kalungkutan ang mansyon matapos ang umagang iyon, everyone was grieving, noon ko lang nakitang hindi buhay ang mansyon, pakiramdam ko ay saglit itong hindi naging pamilyar sa akin na parang maging ang mansyon mismo ay nagluluksa sa pagkawala ng padre de pamilya ng tahanan. Sa mansyon ibinurol si Lolo S, marami ang kakilala, business partners ang dumalaw, maging ang mga kamag-anak namin na ngayon ko lang ulit nakita pagkatapos silang tulungan ni Lolo. I never talk to any of them, wala akong lakas para makipagplastikan sa nga taong alam ko na ang pakay sa pagpunta. Si Manang Ester ang nag-aasikaso ng lahat, habang si Nicholas ang kumakausap sa mga bisita na walang ni isang nagtangkang lumapit sa akin para kumustahin ako. Dumating din sila Jasper at Zyrille, sinubukan nila akong piliting kausapin at pakainin but I didn't move a bit, nakatulala lang ako, namamanhid sa sakit na nararamdaman na kahit ako ay hindi ko na maipaliwanag. The whole week of mourning was so fast for me, kasing dami ng nakiramay noong una ang pumunta sa libing ni Lolo. Hindi pa rin ako nakikipag-usap sa kahit na sino, hindi na rin ako muling umiyak simula ng umagang matagpuan kong walang buhay ang Lolo ko. Napuno ng iyakan ang paligid ko habang sabay-sabay naming pinapanood ang pagbaba ng kabaong ni Lolo S sa lupa. Maaliwalas ang hapon na iyon ngunit lahat ng puso ng malapit kay lolo ay nagluluksa, at gano'n ang pusong unti-unting pinipiga pero hindi ko magawang maiyak. Rinig na rinig ko ang pag-iyak ni Manang Ester na ngayon ko lang nakitang lumuha, she was crying so hard that it also pains me, but cannot cry. Naramdaman ko ang isang kamay na humaplos mula sa kabila kong braso, at doon ko lang naramdaman na may katabi pala ako—it was Nicholas. Walang emosyon ang mukha niya ngunit ang mga mata niya ay puno ng sakit at kalungkutan, binalingan niya ako nang maramdaman ang pagbaling ko sa kaniya. At hindi ko maipaliwanag pero nang sandaling iyon habang nakatingin ako sa mga mata niya, unti-unti kong naramdam ang paglandas ng mga luha sa pisngi ko bago magbaba ng tingin muli sa kabaong ni Lolo. And there I cried silently on his arms, habang marahan niyang tinatapik ang braso na tila sinasabing nandiyan lang siya para sa akin. I just hope that he'll stay...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD