6.
1 month later
"What?!"
Napatayo sa upan niya si Uncle Henry matapos idikta ni Mr. Lorenz—ang attorney ni Lolo S ang magiging pagkahati-hati ng mga ari-arian at kumpanya ng Sandoval na nakasulat sa last will and testament nito.
Nanatili naman ako sa upuan ko at napairap na lang sa hangin habang pinapakinggan ang mga violent reaction ng mga kapatid ni Lolo na wala namang inambag sa buhay namin at kumpanya pero nandito para kunin ang mana nila, kung meron man.
"Are you saying that Simon didn't give us anything? Even a penny ?!" ang hindi makapaniwalang tanong ni Aunt Mary.
Napaismid ako. "Do you all really expect to have even a penny after you abandoned him for decades?"
Ang matalim na tingin ni Aunt Mary ay agad na bumaling sa akin gano'n din ang iba pa naming kamag-anak. Humagalpak naman sa tawa ang pinsan kong si Shawn na gustong-gusto ang pagsabat kong ganito tuwing nagkikita-kita ang pamilya namin.
"Pardon?" ang mataray nitong pagpapaulit sa sinabi ko.
Nakahalukikip naman ako sa upuan ko at pinasadahan silang lahat ng tingin. "Nakalimutan niyo na bang iniwan niyo kay Lolo S ang responsibilidad ng kumpanya noong muntikan na 'tong ma-bankrupt? He rebuilt this company all alone, with his own blood and sweat," sumilay ang ngisi sa labi ko. " And here you are, demanding for something that you never care even a bit before. Tingin niyo ba ay gano'n kabait at kadaling utuin ang kapatid niyo? He was kind to everyone, that's true, pero alam niya kung sino lang ang dapat tulungan at kung sino ang hindi."
Pinanood kong magbago ang lahat ng ekspresyon ng mukha nila. Nakangisi ako ngunit kanina pa nangangati ang kamay ko sa inis dahil sa makakapal na mukha ng mga taong ito sa harapan ko.
Paano nila nagagawang humarap dito kahit na hindi naman sila imbitado? Isang buwan pa lang wala si Lolo pero parang wala lang iyon sa kanila, at nandito lang para kuhain ang pamanang sila lang din ang nagdiktang mayroon.
No one can stop me now from speaking against them, wala na si Lolo S, para pigilan pa ako at sabihing intindihin ang mga kapatid niya. Sumosobra na sila. Isang beses lang silang dumalaw noong lamay ni Lolo at gumawa pa sila ng eksena, halos sila pa ang maunang umalis noong matapos ang libing. Kapatid ba talaga sila? Paanong nagkaroon ng ganitong mga kapatid ang pinakamabuting taong nakilala ko?
Malakas ang kabog ng dibdib ko dahil sa pinaghalong inis at galit habang pigil na pigil ang sarili na isumbat sa kanila lahat ng kaya kong isumbat.
Nakita ko ang pag-usog ng katabi ko ng bottled water sa mesa sa harapan ko. Doon lang ako muling naibalik sa wisyo na bulod sa mga kinaiinisan kong kamag-anak ni Lolo S ay nandito pa ang paburito niyang apo-apuhan. Marahas akong napabuntong hininga at kahit hindi binalingan si Nicholas sa tabi ko ay kinuha ko ang bottled water at ininom iyon para kumalma.
"Hanggang ngayon ay matabil pa rin talaga ang dila mong bata ka," si Aunt Mary na pinanliliitan ako ng mata sa sobrang inis sa sinabi ko.
"Atleast hindi makapal ang mukha tulad niyo—"
"What did you just say!?" umalingawngaw ang boses nito sa buong silid kasabay ng marahas niyang pagtayo sa kaniyang upuan.
Hindi naman ako nagpatinag. "Do you really want me to repeat what I've said—"
"That's enough, Tamara," ang mababa at seryosong pagputol sa akin ni Nicholas na ikinairap ko sa hangin at inis na ikinasandal sa upuan ko. Binalingan niya ang mga kapatid ni Lolo. "Can we please hear all the statements before we discuss the matter? Attorney Lorenz is not yet finish —"
"At bakit makikinig kami sa isang hindi naman dapat talaga nandito," ang makahulugan at mapanuyang putol ni Uncle George kay Nicholas, ito naman ngayon ang tumayo. "Sa pagkakaalam ko ay kumpanya ito ng Sandoval, at hindi ka naman isa sa amin. Not even a relative." Mula sa pagngisi at matalim niyang tinignan si Nicholas.
"That's right," si Aunt Mary. "Umaasa ka rin ba na may makukuha ka kay Simon kaya ka nandito? Hindi pa ba sapat na kinupkop ka niya at pinakain? Naghahangad ka pa ng iba? Ambisyoso!"
Hindi makapaniwalang napaawang ang bibig ko, at sa puntong ito ay talagang kumukulo na ang dugo ko. Inalis ko ang pagkakahalukipkip ng kamay ko para tumayo pero naunahan na akong hawakan ni Nicholas sa kamay para pigilan.
"Tamara, hindi mo na kailangang makisali," bulong nito habang daretso pa rin sa mga kasama namin ang tingin.
Sumilay ang ngisi sa labi ko bago marahas na binawi ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya. "Kailan ba ako hindi nakisali sa bulok na pamilyang 'to."
Daretso akong tumayo at nabaling sa akin ang tingin nilang lahat. Agad na inismiran ako ni Aunt Mary na parang walang balak na bigyan ako ng kahit na katiting na atensyon para pakinggan.
"Para lang sa kaalaman ninyong lahat, Nicholas is the acting CEO because he is capable of being one. It's true that he's not a Sandoval, at iyon ang ikinalamang niya sa ating lahat. Atleast hindi siya kasama sa bulok na pamilyang 'to—"
"Tamara! You're being too much! Masiyado ng lumaki ang ulo mo para magsalita ka ng ganiyan sa mga lolo at lola mo! Gan'yan ka ba pinalaki ni Simon?! You're being disrespectful!" si Uncle Henry.
"Because you don't deserve to be respected! And don't you dare bring Lolo S to this!" ang agad kong singhal pabalik.
Kita ko ang pamumula ng mukha niya sa galit pero hindi ako nagpatinag. Tuluyan namang tumayo si Aunt Mary kasama ang apo at anak niya para lumabas ng bulwagan.
"I can't stay here anymore!" she said while leaving the room.
Tumayo na rin si Uncle George na naiiling habang hindi makapaniwalang nakangisi. "I better leave than argue with this brat. Tutal wala rin namang iniwan para sa mga kapatid niya si Kuya. Makasarili pa rin siya hanggang sa huli. Hindi na ako nagtaka kung bakit gan'yan ang ugali ng pinakamamahal niyang apo," anito habang naglalakad.
Lalong humigpit ang pagkakakuyom ng kamao ko dahil doon na nararamdaman ko na ang pagdiin ng mga kukuko sa palad ko. Umamba akong sumagot ngunit mahigpit na akong hinawakan ni Nicholas sa kamay ko para pigilan.
Napahawak naman sa batok niya si Uncle Henry na sobra na rin ang pamumula at parang aatakihin pa 'ata dahil sa galit, agad siyang inaya ng asawa niya na lumabas na rin pero bago 'yon ay masama pa akong tinignan habang may ibinubulong. Hindi naman ako nagpatinag sa kinatatayuan ko at pinanood silang lahat na makalabas ng opisina.
Mabibigat ang paghinga ko, ramdam ko pa rin ang galit sa sistema ko na sa sobrang puno na ay gusto ng sumabog at ibunton iyon sa kanilang lahat.
Nang tuluyan na silang makalabas ay marahas akong napabuntong hininga bago padarag na bumalik sa upuan para mariing pumikit.
"I guess it's better if we take a short break attorney. Let's continue this after 20 minutes," rinig kong sambit ni Nicholas kay Attorney Lorenz.
"Sure. I'll be back after 20 minutes. Muna na muna ako," pagpaalam naman nito bago ko marinig ang paglalakad niya palabas sa silid.
Katahimikan ang agad na bumalot sa buong kuwarto. Nasa meeting room kami ngayon ng kumpanya para pag-usapan ang last will and testament na iniwan ni Lolo, at siyempre inasahan ko na darating ang mga kapatid niya pero hindi ko inaasahan na darating ako sa puntong 'to. But what am I even expecting? Nawala nga sila ng parang bula noong pinakakailangan sila ni Lolo at nagpakita lang nang makabangon na ang kumpanya.
Ilang minuto kaming naging tahimik ni Nicholas na hindi rin gumagalaw sa tabi ko. Nanatili akong nakapikit at pinapakalma ang sarili.
"Ano pang ginagawa mo rito? You can leave—"
"Napagmunihan mo na ba ang mga sinabi mo kanina?" putol niya sa akin sa mahinahong tono at alam na alam ko na ang tonong iyon.
Bukod kay Lolo S ay mas nakakatanggap ako ng pangaral at pagpuna kay Nicholas kapag nagiging sobra na ako sa mga sinasabi at ginagawa ko.
"I'm not going to apologize for what I've already done," ang matigas kong sambit, nakapikit pa rin. "They deserve it after all."
Narinig ko ang pagbuntong hininga niya. "Still, they're your family, Tamara."
Napadilat na ako ng mata at agad siyang binalingan."Wala na akong ibang pamilya bukod kay Lolo S."
At sa 'yo. Dugtong ko sa isipan ngunit hindi maisatinig.
Nagsalubong ang tingin namin, marahan maging ang nangungusap niyang tingin sa akin.
"Tamara, alam mong hindi niya magugustuhan na hinahayaan mong pangunahan ka ng galit," pagtukoy niya kay Lolo S.
Napaiwas ako ng tingin at muling napapikit nang maramdaman na naman ang bugso ng damdamin at pagbara sa lalamunan ko.
"But they're being to much, Nicholas. Hindi mo alam ang nararamdaman ko," pinilit kong hindi mabarag ang boses ko para pigilan ang mga nagbabadya kong luha. "I just can't let them disrespect Lolo S again even after his... his death."
Naramdaman ko ang pagtakas ng luha sa pisngi ko ngunit agad ko iyong pinunasan at huminga ng malalim dahil sa sobrang bigat ng dibdib ko ngayon.
Saglit na tumahimik si Nicholas bago mag-abot ng panyo sa akin at sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ay muli na namang tumulo ang luha ko kaya agad ko iyong hinablot sa kaniya para gamitin.
"I don't like them either, kahit na wala naman akong karapatan dahil hindi ako parte ng pamilya niyo," muli niyang pagsasalita sa marahan pa rin na tono. "Pero palagi kong inaalala ang sinabi niya sa 'ting dalawa noon. Kahit na gaano pa kasama ang mga kapatid niya, ang pamilya ay pamilya. But that's not the reason why he's all silent when his dealing to his siblings. Dahil para sa kaniya, kapag pinatulan niya ang mga gano'ng tao, ibinababa niya lang ang sarili niya sa kanila. And that's even worse."
Masama ang tingin na binalingan ko siya. "Are you telling me that I am worse than those old... nevermind!"
Maliit siyang ngumiti. "Of course not. You are better than them, and you can do better than this." Mariin niya akong tinitigan sa mata. "Tamara, maaaring mas maging mahirap pa sa 'yo ang lahat simula ngayon pero may tiwala ako sa kakayahan mo na makakaya mo ang lahat ng marami pang paparating, may tiwala ako sa kaya mong gawin. May tiwala ako sa 'yo dahil ikaw 'yan."
Hindi ako nakapagsalita. Daretso rin ang tingin ko sa mga nangungusap niyang mata. Malakas na kumabog ang dibdib ko at sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ay unti-unti akong nakalma. Hindi ko alam kung dahil ba sa mga sinabi niya, o sa boses niya, o sa mismong presensya niya rito sa tabi ko.
Umawang ang bibig ko at may gusto sanang sabihin ngunit bumukas na ang pinto ng meeting room at iniluwa no'n ang kababalik lang na si Attorney Lorenz. Agad akong napatikhim at nag-iwas ng tingin kay Nicholas para umayos ng upo.
"Sorry, am I interrupting something?" ang tanong nito habang may makahulugang ngiti sa labi.
Agad akong umiling. "Wala naman attorney. Shall we continue?" binalingan ko si Nicholas na nakatitig pa rin sa akin at may ngiti na sa labi sa hindi ko malamang dahilan. Pinagtaasan ko siya ng kilay na agad niyang ikinailing at ikinabaling sa kauupo lang na si Attorney.
"Yes. Dahil tayo na lang din naman ang nanditing tatlo, hindi ko na rin patatagalin pa ito dahil may iba pa akong ibang dapat na asikasuhin sa mga iniwan ni Don Simon," ang nakangiting sambit ng matanda bago buklatin ang folder na dala niya at ibigay ang tig-isang kopya sa amin ni Nicholas.
Agad ko naman iyong tinanggap para tignan ang loob. Agad ko iyong pinasadahan para mabasa ngunit agad na nangunot ang noo ko nang may mabasa tungkol sa isang kundisyon bago ko—namin makuha ang lahat ng pamana sa amin.
Agad akong nag-angat ng tingin sa kaniya at gano'n din si Nicholas na mukhang nabasa rin ang nabasa ko.
"Am I seeing things or..." Hindi ko na naituloy ang sasabihin dahil sa pagkalito.
Nakangiting tumango naman sa amin si Attorney. "You read it right, miss Sandoval. At inaasahan ko na rin ang reaksyon niyong ito dahil nasabihan na ako ni Don Simon. Pero gaya ng nakasulat sa last will and testament niya, para makuha niyo ang lahat ng pamana na ipingalan at ipinasa niya sa inyong dalawa ay kailangan niyo munang maikasal ni Mr. Fuentes." Bumaling siya kay Nicholas na nakaawang din ang bibig.
"What!?" ang halos sabay naming bulaslas ni Nico bago mapatingin sa isa't isa.
No way!