7.
"What!?"
Gulat na nagkatinginan kami ni Nicholas dahil doon pero agad din na umuwi para balingan si attorney.
"I think I'm hearing things right now," ang hindi makapaniwalang sambit ko ngunit nanatili lang na nakangiti si Mr. Lorenz sa amin at hindi ko gusto ang ngiti niyang iyon.
This can't be!
Muli kong binasa ang nakalagay sa papel na hawak at walang mali roon. Malinaw na malinaw na nakalagay na makukuha ko lang ang mga ari-arian na ipinangalan sa akin, maging ang Sandoval Company kung maikakasal ako kay Nicholas sa loob ng isang taon matapos niyang mawala. At kung hindi namin iyon magawa sa loob ng isang taon, ang lahat ng ari-arian na ipinangalan sa amin, maging ang kumpanya ay mapupunta sa mga charities na sinusuportahan ni Lolo.
Parang nawalan ng lakas na naibaba ko ang papel matapos iyong basahin. Kung kanina ay nag-uumapaw ang emosyon ko dahil sa inis at galit, ngayon ay parang wala akong maramdaman na kung ano kundi panghihina.
Ano ang tumakbo sa isip ni Lolo S para ilagay 'to sa last will and testament niya!? Alam niyang hindi namin gusto ni Nicholas ang isa't isa.
Nilingon ko ang katabi kong walang imik matapos niyang paulit-ulit na basahin ang nakalagay sa papel.
"Alam kong hindi kapani-paniwala ang hiling ni Don Simon, but this is what he really wants." Mula sa kaniyang dalang bag ay inilabas niya ang dalawang may kalakihang invelopebbago iabot iyon sa amin ni Nicholas. "He also want me to give these to you, baka malinawan kayo sa tunay niyang intensyon kapag nabasa niyo ang sulay niya. Mayroon din ang mga kapatid niya pero mukhang ipapadala ko na lang iyon sa mga address nila."
Agad kong tinanggap iyon bago pasadahan ng daliri ang pangalan kong nakasulat sa labas nito. Muli kong naramdaman ang pagdaan ng sakit sa dibdib ko. Hindi ko alam kung magagawa ko bang buksan at basahin ang nasa loob nito, gayong hindi pa rin nagsi-sink-in sa akin ang lahat.
"Nasa mga kopya niyo ang iba pang detalye ng huli niyang habilin para sa pagkakahati-hati ng mga ari-arian at kayaman niya." Muli akong nag-angat ng tingin kay Attorney. Ngumiti siyang muli habang salitan kaming tinitignan ni Nicholas na para bang hinihikayat kami. "Pag-isipan niyong mabuti ang sinabi ko lalo na at iyon ang huling kahilingan niya." Tumayo na mula sa upuan niya para magpaalam si Mr. Lorenz.
Tumayo na rin sa upuan niya si Nicholas para ihatid si Mr. Lorenz sa pintuan, nanatili naman ako sa upuan ko habang nakatitig sa envelope sa harapan na mayroong nakasulat ng pangalan ko.
'Isa na lang ang pangarap ko. Ang makitang maikasal kayo ni Nicholas.'
Mapait akong napangiti nang maalala ang sinabing iyon ni Lolo S sa akin. Muli kong pinasadahan ng daliri ko ang pangalan kong siya mismo ang nagsulat.
"Papaano ako makukumbinsi na pagbigyan ang huli mong huling kung wala ka naman na para makita ang kasal ko," ang mahina kong bulong.
Mariin akong napapikit bago mapabuntong hininga. Narinig ko ang yabag ng papalapit na si Nicholas kaya agad akong tumayo sa upuan ko.
"Aalis ka na rin?" agad nitong tanong nang isukbit ko na sa balikat ang shoulder bag na dala.
"May kailangan ka pa ba?" baling ko sa kaniya, iniiwasan na matitigan siya sa mata dahil may kung ano sa tingin niya na gustong lumabas ng luha sa mga mata sa tuwing nakakasalubong ito.
Mahina siyang umiling. "I'll drive you home."
"Hindi na, may pupuntahan pa ako," pigil ko na ikinatitig niya sa akin na tila nagtatanong pero hindi ko siya binigyan ng sagot at humakbang na para maglakad dala pa rin ang envelope na bigay ni Lolo S.
"Hindi ka pa rin ba uuwi sa mansyon?" ang pahabol nitong tanong na bahagya kong ikinalingon sa kaniya. "Hinahanap ka sa akin palagi ni Manang."
Napaiwas na ako ng tingin. "Hindi ko pa alam. But I'll try visit her sometime."
Hindi na siya nagsalita kahit na ramdam ko na may gusto pa siyang sabihin. Humakbang na ako paalis sa lugar, walang pagpapaalam, at walang kibo naman niya akong pinanood na makalabas sa silid.
Binati ako ng mga employee na nakasalubong ko and I remained my straight face hanggang sa makarating ako sa kotse ko. Doon ay agad akong nagpakawala ng malakas na pagbuntong hininga habang nakayuko sa manibela.
Isang buwan na agad ang nakalipas matapos nang libing ni Lolo S, ang araw rin na umalis ako sa mansyon ng walang pasabi. Ngayon na lang ulit kami nagkita ni Nicholas na alam kong walang tigil akong pinahanap dahil sa walang pasabi kong pag-alis ng gabing iyon. Alam kong marami siyang tanong sa akin, pero katulad ng dati, hindi niya iyon isasatinig at kakausapin akong parang walang nangyari.
Ilang minuto akong nakayuko sa manibela, dinadama ang bigat ng dibdib dahil sa mga emosyong nararamdaman sa pagbalik muli rito at pagkausap sa mga kapatid ni Lolo.
Umalis ako sa mansyon dahil alam kong hindi ko makakayang gumising araw-araw doon at maalala ang paggising ko at wala na siya. It's still haunting me every night and every morning. Ang sakit na idinulot sa akin ng umagang iyon ay hindi na maalis sa sistema ko sa bawat paggising at pagbangon ko.
Pero kahit na anong gawin kong pag-iwas alam kong mas lalo lang akong mahihirapan kung babalik ako sa mansyon. Katulad lang ito nang kung paanong tumira ako sa Australia para takasan ang bangungot ng pagkawala ng mga magulang ko. Pero ngayon, I can't just leave, lalo na at alam kong hindi titigil ang mga kapatid ni Lolo S nang hindi napapasakanila ang kumpanya.
Nang kahit papaano ay gumaan na ang pakiramdam ko ay agad kong mabilis na pinatakbo ang sasakyan ko. Dumaretso na ako sa lugar na talagang sinadya ko sa pagbabalik ko, ang lugar na kahit alam kong masasaktan ako ay alam ko rin na mas magpapagaan sa puso ko.
Bitbit ang binili kong bulaklak at ang envelope na binigay ni Attorney kanina at isang bote ng alak. Daretso kong tinungo ang sadya ko. Agad na gumuhit sa labi ko ang isang ngiti ng makita ang bagong bahay niya.
"Mukhang marami kang bisita," pabirong sambit ko pagpasok. "Paniguradong sila Manang Ester ang ilan sa mga iyon," dutong ko ng makita ang mga bulaklak sa paligid. Ibinaba ko rin ang bulaklak na dala at ngumiti sa kaniya. "Do you miss me? Because, I do miss you ... a lot."
Pinangako kong hindi na ako luluha kapag binisita ko siya pero hindi ko mapigilan ang mga luha kong may sariling buhay at kumakawala sa mata ko.
Binalingan ko ang hawak na papel. "Galing ako sa kumpanya, and I'm sorry, I acted like a little brat again infront of your so called siblings. Wala ka na kasi para awatin ako, at pakalmahin. Hindi ko sila kayang harapin lalo na at alam kong naglalabasan lang naman sila para makuha ang kumpanya." Ngumisi ako. "Mabuti na lang at nandoon si Nicholas, kundi ay baka inatake na si Uncle Henry," biro ko bago tuluyang mapawi ang mga ngiti labi habang binabasa ang pangalan ni Lolo S sa lapida ng libingan niya.
"Malungkot siguro rito," bulong ko matapos sumalampak sa sahig at buksan ang dala kong bote ng alak. Sinalinan ko muna ang takip ng bote bago ilapag sa tabi para kay Lolo S, bago makipag-cheers sa hangin na tila ay may kasama bago lagukin ang laman ng bote. "Pero, wala pa ring papantay sa lungkot ng mamuhay sa mundong 'to."
Naupo lang ako doon at nilaklak ng walang tigil ang boteng hawak habang muling nagbabalik ang mga emosyong pilit na tinatakasan kasabay ng mga luhang para na namang ulan sa bugso sa pisngi ko. Pero sa puntong ito ay hindi na ako nag-abalang pigilan ang sarili at punasan iyon.
Kasabay ng bawat hikbi ay ang mga himutok at sumbong na tanging kay Lolo S ko lang kayang sabihin at aminin. Hindi ako tumigil sa pagtunggan ng alak na dala hanggang sa tuluyan iyong maubos. Humihikbi at humahagulgol ako hanggang sa magsawa at tuluyan na akong mapagod.
Doon ay muling nahagip ng mata ko ang envelope na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nabubuksan. Kinuha ko iyon at nagdadalawang isip kung kaya ko na bang basahin, pero sa huli ay binuksan ko rin at kinuha ang isang sulat sa loob.
Agad akong napangiti ng mabasa ang unang linya sa loob, at kasunod no'n ay ang tahimik ko muling paghikbi.
'To my dearest and only princess, Tamara Brielle,
I hope you're not crying too much while reading this, because for sure I am no longer by your side when you receive this...'
Nanatili akong nakaupo sa puwesto ko at tahimik na binabasa sa isip ang sulat niya para sa akin. And I can clearly hear his voice while reading it.
'... Maybe, you're upset right now because of what I wrote on my last will *laughs*. Though, I am not regretting anything I wrote there. Dahil para sa akin, si Nicholas lang ang nakikita kong para sa 'yo. Ang alam kong hindi magsasawang umintindi at mag-alaga sa 'yo...'
Marahan ang pagbabasa ko sa bawat salita sa papel, sinusulit ang bawat salita, at alaala niya sa bawat linya.
'... I didn't wrote that on my will because I was favored on Nicholas for you, well, half of it... Natatandaan mo pa ba ang sinabi ko tungkol sa kapangyarihan ng mga tingin? Totoong naniniwala ako sa kapangyarihan no'n, apo. Alam kong hindi mo ako maiintindihan ngunit iyon ang nagtulak sa akin sa desisyon kong ito...'
Mariin akong napapikit matapos ilang ulit na pasadahan ang sulat na iniwan niya para sa akin. Malalim akong bumuntong hininga bago dumilat at titigan ang pangalan niya sa lapida.
"Hindi ko pa rin makuha ang mga paniniwala mo, Lo," bulong ko habang inaalala ang mga sinabi niya sa sulat.
Ilang minuto pa ang pinalipas ko habang nakaupo sa sahig at nakatulala sa pangalan ni Lolo S, bago ko mapagpasyahang umalis. Bitbit ko pa rin ang sulat ni Lolo na ibinaba ko sa passenger seat ng kotse ko ng makabalik ako sa loob ng sasakyan.
Walang gaanong epekto sa akin ang alak na ininom kahit na mataas ang percentage no'n, pero dahil doon at sa saglit na pagkausap ko kay Lolo S sa isipan ko, nakapagdesisyon na ako.
Matulin na muli kong pinatakbo ang sasakyan ko, daretso lang ang tingin sa daan, wala ng luha sa pisngi, wala ng emosyong maramdaman sa dibdib. Pero buo na ang desisyon ko.
Pagparada ng kotse ay agad akong dumaretso sa loob ng kumpanya, binati ako ng mga employee na nakasalubong ko ngunit tulad ng kanina ay wala pa rin silang nakuhang pagtugon sa akin. Daretso pa rin ang tingin ko maging ang lakad ko.
"Good evening, Ma'am Tamara. Si Sir Nico po ba ang hanap ninyo?" salubong agad sa akin ng secretary ni Nicholas ng makarating ako sa floor ng office niya. Saglit ko siyang binalingan. "I'm sorry, Ma'am, pero hindi muna po kasi siya nagpapapasok—"
Hindi ko na siya pinatapos at agad na lang na dumaretso sa pintuan ng opisina ni Nicholas para buksan iyon. Agad naman na sumunod sa akin ang secretary niya para pigilan pa rin ako pero hindi ako huminto hanggang sa makapasok ako at makalapit sa desk ni Nicholas kung saan ay tahimik itong pumipirma ng mga papeles.
Kunot noong nag-angat siya ng tingin sa akin, daretso pa rin ang tingin ko sa kaniya.
"Tamara..." litong banggit niya sa pangalan ko na parang hindi makapaniwala na nandito ako ngayon sa harapan niya. Bumaling siya sa sekretarya niyang nasa likuran ko. "You may leave." Agad naman siyang sinunod nito at tahimik na lumabas.
Namayani ang saglit na katahimikan sa pagitan naming dalawa sa pagsara ng pintuan.
Kumunot ang noo niya. "I can smell alcohol through you. Nag-drive ka ba ng nakainom?" ang matigas nitong tanong.
Napabuntong hininga ako bago ibaba ang shoukder bag ko sa ibabaw ng lamesa niya. "Yes, got a problem with that?" Naglakad ako papalapit sa kaniya. Kunot noo naman niya akong sinundan.
"Alam kong hindi ka madaling malasing pero alam mo na hindi ka dapat nagmamaneho ng nakainom—"
"Let's get married," putol ko sa kaniya na tila ay ikinatigil niya. Hindi siya sumagot kaya lumapit pa ako sa kaniya at hinarap sa akin ang swivel chair niya.
Kunot pa rin ang noo niya ngunit mariin ang tingin niya sa akin sinusundan ang bawat galaw ko.
"I think you're drunk this time—"
"Marry me, Nicholas," putol kong muli sa kaniya.
Tinitigan niya akong muli, may lito na sa mga mata na tila naghahanap ng kasagutan sa mga mata kong direktang nakatingin din sa kaniya. Inilapit ko ang mukha sa kaniya bago marahang hinawakan ang pisngi niya.
"I'll do anything, just... marry me, Nicholas Brenttson Fuentes."