HINDI ko alam kung gaano ako katagal na naghintay sa pagdating ni Morgon. Nasa sala lang ako. Minsan ay nakaupo sa sofa at nakatingin lang sa nakasaradong pinto at inaabangan na bumukas iyon at pumasok siya. Minsan naman ay nakatayo ako at nagpapalakad-lakad upang alisin ang pagkabagot ko. Maya’t maya rin ang tingin ko sa wall clock. Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko sa ere saka napatingala sa kisame at bahagyang minasahe ang leeg ko. Pagkatapos ay umupo ulit ako sa sofa. Until I didn’t realize the time, it was almost one in the morning. I also feel sleepy so I lay down on the sofa. Hindi na ako pumasok sa kuwarto niya para kapag dumating siya mamaya, magigising agad ako. Magkikita pa naman kami bukas ng umaga, pero... Gusto ko lang na makausap ko siya ulit mamaya pagkadating

