Lampas tanghalian na nang dumating sila ng Wawa. Kina Aling Nenita kaagad sila dumiretso. Papaalis na rin si Aling Nenita patungo sa anak nito sa karatig bayan at hinintay lang talaga ang pagdating niya. Yakapan, kumustahan. Talagang na-miss niya rin ito. Sa lahat ng mga kapitbahay nila, si Aling Nenita ang masasabing pinakamalapit sa pamilya nila. “Mas lalo kang gumanda, anak. Kamukhang-kamukha mo na talaga ang nanay mo.” Ikinulong pa ni Aling Nenita ng dalawang palad ang mukha niya at sinipat iyon na para bang nanay na hindi nakita ang sariling anak sa loob ng mahabang panahon. Pero sa isang iglap, napawi ang malawak na ngiti ni Aling Nenita. Napalitan ng pagtataka ang mukha habang napatingin kay Wade na tahimik lang na nakatayo sa isang tabi. “May kasama ka pala.” Bago pa man niya n

