Ride

1467 Words

“Just let me sleep muna.” Ilang minuto nang natutulog si Wade sa naka-recline na upuan ng sasakyan. Matapos nitong ilagak kanina ang mga bagahe niya, nakiusap itong maghahabol muna ng kaunting idlip kahit saglit lang. “Sasama ako.” Ang sabi nito kanina nang sabihin niyang dapat muna itong magpahinga dahil kagagaling lang nito sa airport. Hindi na siya umangil pa at nagpatianod na lang nang hawakan nito ang kamay niya at igiya siya paupo sa kotse. Worried siya na baka may jetlag pa ito. Pero ang tigas din ng bungo ni Wade. Nakakain na kaya ito? Ni hindi pa ito nakapagpalit ng damit. Bumaba ang titig niya sa kamay niya na bihag pa rin nito hanggang sa ngayon. Kumurba ang ngiti sa mga labi niya. Para lang kasing mukhang ayaw nitong malayo siya anumang oras. At ang yakap nito kanina.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD