Sa mga araw na wala si Wade, labis na pagkabagot ang naramdaman ni Tashi. Parang hindi na siya nasasanay na mag-isa. Ibang-iba na kasi ang gumising sa umaga na mukha ni Wade ang unang nabubungaran sa umaga. Pag-aaral ang naging diversion niya. Buhos na buhos ang atensyon niya sa pag-aaral. Bahay at school, ganoon lang ang routine niya. Habang nasa malayo si Wade, sinisigurado niyang laging naka-on ang phone. ‘Baka mag-text o tumawag.” “Hoy, kanina pa nakatingin si Prof sa ’yo. Titig ka nang titig sa cp mo.” Tuwid siyang napatingin sa unahan nang sikuhin siya ni Thea. Magkatabi silang nakaupo sa pangalawang hanay pa ng classroom kung saan nagli-lecture ang professor nila sa Architectural Design. Itinago niya ang phone sa bag at buong atensyong nakinig sa anumang sinasabi nito. “You are

