“Ready?” Nakatangiting tanong ni Wade sa kanya habang binubuhay nito ang makina ng kotse. “Ready.” Binuhay ni Wade ang makina ng kotse at dahan-dahan na nga silang lumalayo sa tarangkahan ng luma nilang tahanan. Ngayon ang araw ng balik nila sa Maynila. Nakapagpaalam na rin siya kay Aling Nenita. Masasabi niya, sulit ang ilang araw na nanatili sila sa lugar na ito. “Paalam, Wawa,” mahinang sambit niya habang ang tingin ay nakatuon sa labas ng nakabukas na bintana. As they sped away, she couldn’t help but look at the familiar surroundings around them. Mami-miss niya ulit ang lugar na ito. Mas lalong mami-miss dahil sa loob ng ilang araw, mas nagkakulay ang bawat sandaling inilagi niya rito. Thanks to Wade. Hanggang sa naramdaman niya ang mainit at malaking kamay ni Wade na ginagap

