Hinaplos ni Wade ang basa niyang pisngi. He was looking at her intently. Alam niyang pilit pa rin nitong tinutupad ang pangakong binitiwan, pero gaya niya, mas nanaig ang init at pananabik sa kabila ng tubig ulan na patulog na dumadaloy sa kanilang mga katawan. “Tashi…” He was full of need, tila humihingi ng pahintulot na gawin ang anumang nais. Nang hindi siya umimik, kusa nang humulagpos ang pagtitimpi nito. Wade kissed her. Gumanti siya. Uhaw na uhaw ang mga labi nilang pareho na wala silang pakialam sa ulan o sa paligid. Namalayan na lang niyang umaangat siya sa ere. Buhat siya ni Wade papunta sa kung saan nang halos hindi naghiwalay ang mga labi. Sa backseat ng kotse sila humantong. She took time to gasp for air when their mouths parted. Nagmamadali ang mga kilos ni Wade na binu

