CHAPTER 5

3242 Words
Arvin POV After namin may narinig na kalabog sa taas nagtakbuhan na sila, kami naman tatlo nila berna at red naiwan dito sa baba, hindi ko din alam kung bakit nagpaiwan ako dito sa baba. Sana walang nangyaring masama kay rain, hindi ko naman intensyon na saktan sya pero alam kong masasaktan sya pagnalaman nya ang sikreto ko tungkol sa---- Hindi ko na pansin na pababa na sila dito bumalik lang ako sa katinuan nung narinig kong nagagalit sila sakin. "Arvin lagot ka samin pag may nangyaring masama kay Rain" banta sakin ni dean Nakatayo sila lahat sa harapan ko, bakit ano bang nangyare sa kanya. "Hindi ka namin mapapatawad tandaan mo yan" dagdag pa ni lhean "Bro grabe ka hindi ka na namin kilala" naiiling na saad ni clark "Pag may nangyari talaga kay Rain kakalimutan na namin na kaibigan ka namin" si jacob na masama ang tingin sakin "Oh bakit si Arvin ang sinisisi nyo wala naman gi---" pagtatanggol ni berna sakin "Hoy Berna wag kang makisali sa usapan namin hindi ka naman kasali sa barkada" inis na sita ni sheng sa kanya "Oh bakit baka nakakalimutan nyo mas una---" naputol ulit sasabihin ni berna "Oo mas una ka namin nakilala pero kung hindi lang dahil kay Arvin hindi kami mapipilitan makipagplastikan sayo" pagsasabi ng totoo ni sheng, alam ko ang tungkol dun Noon pa man ay sinasabi na nila sakin na ayaw nila kay berna, pero para sakin daw ay susubukan nilang makisama sa kanya. "So nakiki---" hindi ulit natapos ni berna "Oo nakikipagplastikan lang kami sayo dahil kahit kelan hinding hindi---" napatigil si lhean "TAMA NA YAN, ANO BA PARANG WALA KAYONG MGA PINAGSAMAHAN!" saway na sigaw ko sa kanila kanina pa ako nagpipigil ng inis "OO ARVIN WALA TALAGA NEVER KAMI NAKISAMA NG MAAYOS SA KANYA ALAM MO YAN!!!" sigaw din ni sheng sakin "Oo alam ko! Wag nyo na pagtulungan si Berna. Red dalhin mo na yan si Berna sa room nyo" pag-awat ko sa kanila "S-sige bro, Tara na Berna umakyat na tayo" sagot ni red at kinuha na yung mga gamit nila "Pero Vin pa---" "Sige na sumama ka na sa boyfriend mo ako na bahala dito" utos ko kay berna "Hindi pa tayo tapos" banta ni berna sabay turo sa mga girls at umakyat na sila "Talagang hindi pa tayo tapos maghanda ka samin" pahabol na banta ni sheng sa kanya "Sabing tama na yan eh!" saway ko ulit sa kanya "Sige ipagtanggol mo pa yang ex mo imbis na nasa tabi ka ngayon ni Rain mas ---" "Ano ba sabing tama na. TAMA NA!!!" sigaw ko na kay sheng "Hindi ka na namin talaga kilala" galit na saad ni dean "Tara na umakyat na nga tayo bago pa ako makasapak" aya ni jacob sa kanila "Bro akyat na kami pasensya na" paumhin ni bob, sya talaga ang peacemaker namin Umakyat na sila sabay sabay. Ako naman naiwan dito sa baba na gulong gulo. Hindi ko alam kung aakyat ba ako sa kwarto namin o hindi alam ko na galit sila saakin. Ilang minuto pa ako nagstay dito sa baba. Hays bahala na nga! Paakyat na ako ng makasalubong ko si joyce na pababa kaya tinanong ko agad sya tungkol kay rain. "Ahm Joyce" tumigil sya pero hindi  tumingin sakin "K-kamusta na si R-rain?" kinakabahang tanong ko sa kanya Tumingin lang sya sakin ng masama at nagpatuloy na sya sa paglalakad pababa. Kaya dumeretso na sa kwarto pagbukas ko ng pinto nakita ko si bob na nakaupo sa kama nya. "Ehem!" yumuko ako Napatingin naman si bob sakin. "Nandyan ka na pala, sige punta muna ako kila Clark. Pasensya na kanina" paumanhin ni bob na hindi nakatingin sakin "Sige balitaan nyo ako tungkol kay Rain. Sorry din kanina" ngumiti lang sya at lumabas na Ako naman pumasok na sa loob at inayos ko na yung mga gamit ko. Hays buhay nga naman! . . . Jacob POV Pag ka-akyat namin dumeretso na kami sa mga room na naka-assign samin. Pagpasok namin ng kwarto sinarado ko agad yung pinto ng malakas. "Bro hinay hinay lang sa pagsara walang kasalanan yang pinto" saway sakin ni clark sabay upo sa kama na malapit sa bintana "Nakakainis na kasi yang si Arvin, simula talaga na naging sila nyang si Berna naging ganyan na ugali nya, naging maayos na lang si Arvin nung naging sila ni Rain, pero etong nakaraang buwan bumabalik ulit sya sa ugaling walang kwenta" inis na paliwanag ko sa kanya, hindi ko na maintindihan ugali ni arvin minsan okay, minsan naman hindi "Oo nga eh hindi ko alam kung bakit bumalik na naman yung ganyan nyang ugali" sinimulan na ni clark ayusin yung gamit nya "Simula nung hindi nagparamdam satin si Rain naging ganyan sya at madalas natin syang nakikita kasama si Berna" umupo ako sa kama ko at binabako yung gamit ko "Bro hindi kaya timer si Arvin dahil hindi nagparamdam si Rain ng almost a month napunta na kay Berna ang atensyon nya" nag-aalalang saad ni clark "Naku wag na wag nyang gagawin yun kay Rain lagot sya satin lalo na kay Renz, hinding hindi sya mapapatawad nun" nakatingin lang ako sa ginagawa ni clark "Sigurado yun at wala na syang barkada na babalikan" pagsang-ayon ni clark sa sinabi "Ngayon pa nga lang itina---" nahinto ako ng bigla bumukas yung pinto O_o ganito itsura namin sa gulat. "Bro uso kumatok, nakakagulat ka naman eh" reklamo ni clark sa bagong pasok "Hahahah sorry ang epic ng mukha nyo hahahah" natatawang sagot ni bob, oo si bob lang yung pumasok "Fuckshit ka bro nagulat kami sayo!" sinimulan ko na rin mag-ayos ng gamit "Hahahah sorry na hahahah sorry" tawa pa rin ng tawa si bob "Sige tawa lang, tawa pa" inis na saad ko "Ehem... Ehem... Sorry hindi na ako tatawa" umupo si bob sa tabi ko "Oh anu pala ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya "Wala naman, ayoko lang dun sa kwarto naiinis lang ako" paliwanag ni bob sakin "Oh bakit naman?" takang tanong ni clark "Nandun na kasi si g@g0ng Arvin, gusto ko na nga suntukin kanina buti na lang nakapagpigil pa ako, humingi nga sya ng tawad eh" kwento ni bob samin, akala mo mabait pero nagpipigil lang pala "Tawad na galing sa ilong. Kanina din sa baba gusto ko na sya sapakin eh buti na lang napigilan ako" inis na saad ko "Bro panu yan eh magkasama kayo sa iisang kwarto makakapagpigil ka pa ba?" pag-aalala ni clark kay bob "Yun ang hindi ko alam. Kaya nga ako pumunta dito para humingi ng favor" paliwanag ni bob "Anong favor naman?" kumunot yung noo ko "Baka pwedeng ---" "Hay naku Bob hindi kami makikipagpalit sayo kung ikaw kaya mo makapagtimpi kami hindi namin kaya, mabugbog pa namin yung ungas na yun" sagot agad ni clark kaya hindi na natapos ni bob yung sasabibin nya "Ang OA mo naman tatanong ko lang naman kung pwede dito na lang ako mag room" seryosong saad ni bob "Ah ganun ba lilinawin mo kasi" loko talaga si clark nanisi pa ng iba sa pagiging OA "Sana kasi pinatapos mo muna ako bago ka magreact. So ano pwede ba?" seryosong tanong ni bob "Yun lang ba sige okay lang naman medyo maluwag naman dito" pagpayag ko nagseryoso na kasi sya, takot lang namin sa kanya "Pero san ka matutulog eh dalawa lang yung kama dito?" tanong ni clark "Kunin na lang natin yung foam sa kwarto, tulungan nyo akobv kunin pag wala na si Arvin sa kwarto" paliwanag naman ni bob "Oh sige sige. Pero kamusta na kaya si Rain?" tanong ko sa dalawa, nag-aalala pa rin kasi ako sa kanya "Oo nga eh. Ano kaya nangyari sa kanya, kanina pa sya matamlay nung nagstop over tayo" kwento ni clark "Baka naman may sakit sya hindi lang nya sinasabi satin, knowing Rain ayaw nya ba nag-aalala tayo" paalala ni bob, pero wala syang magagawa kung mag-aalala kami sa kanya "Sana okay na sya, kamustahin kaya natin" suggestion ni clark, tapos na sya mag-ayos ng gamit nya "Good idea puntahan muna natin ang mga girlfriend natin" mamaya ko natatapusin ang pag-aayos ng gamit ko "Sige tara na" pagpayag ni bob Lumabas na kami ng kwarto at pumunta na sa kwarto ng mga babae. . . . Sheng POV Sa sobrang inis namin umakyat na lang kami at pumunta sa kanya kanyang kwarto, pagpasok namin hinagis ko agad yung bag ko sa kama. "Napupuno na ako dyan sa Berna na yan namumuro na talaga yan satin" umupo ako sa kama malapit sa bintana "Oo nga kanina pa yan sa van eh bulong ng bulong rinig naman sya" umupo din si dean sa kama malapit sa pintuan "Hindi lang kanina dati pa sya namumuro satin kung di lang dahil kay Arvin nasampulan ko na yun eh" nahiga na si lhean sa kama na nasa gitna "Ewan ko ba dyan kay Arvin kung ano nakita dyan sa babaeng yan at niyaya nya pa talaga sa bonding natin" naiirita ako sa kanilang dalawa "Tama ka dyan. Sarap balatan ng buhay nakakastress" inis na sabi din ni lhean "Nagpunta nga tayo dito para magrelax hindi para ma-stress" nagbuntong hininga kami sabay sabay "Tama na nga yan, wag na lang natin sila pansinin mai-stress lang tayo" pagpapakalma ni dean samin "Pero kamusta na kaya si Rain?" tanong ko sa dalawa, ngayon lang namin syang nakitang nagkaganun "Okay na kaya sya?" tanong din ni lhean "Hindi pa rin kasi lumalabas sila Renz eh, kaya wala pa tayong balita" sagot ni dean "Eh kung puntahan kaya natin?" suggestion ko "Good idea!" pagsang-ayon ni lhean sakin "Ano ta---" natigil ako sa pagsasalita ng may kumatok *Tok tok..... Tok tok.....* "Pasok!" sigaw ko Bumukas na yung pinto at iniluwal nito ang aming mga boyfriend. "Oh bakit kayo nagpunta dito?" takang tanong ni lhean sa kanila "Yayayain sana namin kayo na kamustahin natin si Rain" sagot ng poging boyfriend ko "Ah ganun ba. Yun nga din ang plano namin na puntahan sya" paliwanag ko naman sa kanila "So ano tara na? Sabay sabay na tayo" aya ni jacob "Pero teka lang, baka masigawan ulit tayo ni Renz" pagpigil samin ni dean "May point ka Dean, baka magalit satin si Renz" pagsang-ayon ko sa kanya, nakakatakot pa naman magalit yun "Bakit naman? Kakamustahin lang naman natin si Rain" pagtataka ni jacob "Antayin na lang kaya natin na sabihan tayo nila Renz" paliwanag ko sa kanila "Tama para hindi na tayo masigawan, nakakatakot kaya si Renz" pagsang-ayon ni clark sakin Mabait si renz pero nakakatakot syang magalit lalo na pag tungkol sa pamilya nya ang usapan. "Hahahah oo nga eh masyadong protective sa kapatid" pagsang-ayon din naman ni jacob "Malamang By kapatid nya yun tsaka kahit sino naman satin pinoprotektahan nya" sagot ni lhean "Baliw talaga yang boyfriend mo lhean" napailing na lang ako "Oo matagal na.... Matagal ng baliw kay Lhean" banat ni jacob, lakas talaga ng topak nito "Ang corny mo bro" pang-aasar ni bob sa kanya "Wag nga kayong basag trip bro" reklamo ni jacob "Ewan ko sayo Jacob basta ako magpapahinga na lang" humiga na ulit si lhean "Ako din magpapahinga na muna sobrang stress yung ganap kanina" pumunta na ulit ako sa pwesto ko "So boys balik na muna kayo sa rooms nyo magpapahinga muna kami" utos ni dean sa boys Tapos nagtinginan yung boys sa isa't isa parang may iniisip. "Pwede dito muna kami" sabay sabay nilang sinabi Sabi na nga ba may binabalak ang mga ito pag ganung nagtitinginan sila. "NO!/ HINDI!" sabi namin na sabay sabay kala nila maiisahan nila kami "Ang KJ nyo naman hon" napakamot sa ulo si clark "Ay naku wala kami sa mood makipaglambingan pagod kami" sermon ko sa kanila "Sige na magpahinga na rin kayo sa kwarto nyo bago ko pa kayo masapak" pananakot ni dean sa kanila "Sige na nga, guys tara na. Bye girls see you later" pagpayag ni bob sa girlfriend Takot sa girlfriend nya kaya sumunod agad, lumabas na sila sa kwarto namin, kami naman ay humiga sa kanya kanyang kama. Dahil sa intense na sagutan kanina matutulog muna ako. Nakaka-stress unang araw pa lang namin dito sa baguio. . . . Joyce POV Pagkatapos ko magpaalam kila rain ay bumaba na ako, pagbaba ko nakasalubong ko si arvin pero hindi ko sya pinansin patuloy lang ako sa pagbaba. Pagdating ko sa kusina napatingin ako sa orasan 11 na pala kaya na isipan ko na rin magluto para sa lunch namin lahat. After 30 mins tapos na ako magluto at magsaing kaya ipinaghanda ko na si rain ng pagkain then umakyat na ako. Pagdating ko sa room namin nakita ko yung magkapatid na magkayakap kaya napatigil muna ako at napangiti. "Ehem maistorbo ko muna kayo sa lambingan nyong magkapatid" kaya napatingin sila sakin "Nandyan ka na pala myloves akin na yang tray" kinuha ni renz yung dala kong tray "Yan na yung request mo bunso kain ka na para lumakas ka na" nginitian ko sya "Thank you ate, thank you kuya" ngumiti samin si rain, bumabalik na ang lakas nya "No problem baby for you gagawin namin ang lahat para alagaan ka" binigay ni renz kay rain yung pagkain sabay halik sa ulo "Kuya naman hindi na nga po ako baby" nakangusong reklamo ni rain "Okay okay sige na kumain ka na ubusin mo yan ha, wag kang magtitira" pagsuko ni renz sa kapatid nya, wala eh spoiled sa kuya "Opo kuya, thank you ulit ate" sabay ngiti ulit ni rain "Your always welcome bunso" ngitinitian ko din sya "Kayo po, kain na rin kayo sabay sabay na po tayo" aya ni rain sabay subo ng pagkain nya "Mamaya na kami pagtapos mo para habang kumakain kami eh nagpapahinga ka na" malambing na saad ni renz "Okay po" sagot ni rain "Atsaka magluluto pa kami para sa tanghalian namin lahat" paliwanag ni renz "Oo nga pala nagluto na rin ako ng pagkain natin. Tsaka pala Rain nakasalubong ko yung boyfriend mo kanina kinakamusta ka" kwento ko sa kanila Tumango lang si rain at pinagpatuloy ang pagkain nya. Ayaw nya tagalang pag-usapan ang tungkol sa boyfriend nya ngayon. Pagkatapos kumain ni rain pinaabot nya yung bag nya at may kinuha sya. "Rain anu yan?" tanong ko sa kanya "Gamot po" simpleng sagot nya "Gamot!" Gulat na sabi ni renz "Bunso bakit ang dami mo naman iinoming gamot yung totoo may sakit ka ba?" pagtataka nya at nandun na yung pag-aalala nya Napalunok agad si rain, parang natauhan sya sa sinagot nya kanina. "Rain sabihin mo samin yung totoo may sakit ka ba?" pag-aalala na ni renz sa kapatid nya Huminga ng malalim si rain at tinitigan kami bago magsalita. "Okay I will tell you but promise me that this is secret between the three of us" pakiusap nya samin "Okay we will promise" tinaas ko pa yung kanang kamay ko "Kuya?" baling nya sa kapatid nya "Promise bunso" sagot ni renz "Okay then opo meron po akong sakit" sagot nya sabay yuko "Anong sakit naman?" nakakunot noong tanong ko sa kanya "Sakit po sa puso" malungkot na sagot ni rain "WHAT!" sabi namin ni renz "Are you serious?" paninigurado ni renz "Yes kuya remember kaya kami umalis nila daddy papuntang state kasi ginamot ako, kaya kami pabalik balik sa state dahil dun ako ginagamot para sa sakit ko. Naalala ko nung huling sinabi ng doctor samin bago umuwi dito na kailangan ko ng operahan para tuluyan na akong gumaling, pero hindi ako pumayag" pagkukwento nya samin habang nakayuko "Bakit naman? Kung yun naman ang ikabubuti mo" nakakunot ang noo ni renz "Kasi po pag naoperahan daw ako baka ma-coma ako in that situation hindi alam kung mabubuhay pa ako o tutuloy na yung pagtulog ko habang buhay, kaya ayun hindi ako pumayag dahil sa takot, nagte-therapy ako sa America at binigyan nila ako nitong napakaraming gamot para daw kahit papaano hindi agad lumala yung sakit ko" pagpapatuloy nya sa pagkukwento nya habang nilalaro yung gamot nya "Oh god Rain bakit hindi mo agad sinabi sakin toh edi sana mas naprotektahan pa kita" napalakas yung boses ni renz dahil nakita ko napapitlag si rain "Kuya alam mo naman na ayaw ko na mag-alala kayo sakin, ayoko din maka-istorbo sa inyo at gusto ko rin na mabuhay ng normal na parang wala akong sakit" naluluha na sagot ni rain "Alam naman namin yun Rain pero dahil sa pagtago mo samin ng kalagayan mo ikaw naman ang napapahamak. Kaya pala may nakita akong oxygen sa kwarto mo nung pumasok ako isang beses nung nasa America pa kayo, kaya din pala ayaw mo ako pumasok sa kwarto mo baka kasi makita ko yun" pagkukwento ni renz "Opo kuya ayaw ko po na mag-alala ka tsaka okay na naman po ako ready na naman po ako" ngumiti si rain samin pero halata sa mata nya yung lungkot "Ready naman saan rain?" pagtataka ko "Ready na ako mawala dito sa mundo. Kuya alam mo yung gamot na iniinom ko yun yung nagpapabagal ng paglala ng sakit ng puso ko pero sa totoo lang may taning na po ang buhay ko" paliwanag ni rain sabay punas ng luha nya Nakikinig lang kami sa kanya walang may gusto magsalita samin ni renz. Sa tagal na pagsasama namin may mga iniindang sakit pala sya na hindi namin alam, mahirap isipin na isang araw bigla na lang syang mawawala. "Kaya nga po nag-eenjoy lang ako, ayaw ko pong isipin na may sakit ako, gusto ko po kasing maging normal lang ang lahat" ngumiti lang ulit sya samin pagtapos nya pumanas ang luha nya Napaiyak tuloy ako nakita ko si renz na umiiyak na din. Bakit sya pa? Ang bata nya para mawala. "Wag po kayong umiyak, isa din po yan kaya ayoko ipaalam sa inyo yung kalagayan ko ayoko makita kayong umiiyak at nasasaktan dahil nasasaktan po ako pag nakikita kayong ganyan" malungkot na saad ni rain "H-hindi mo kami masisisi ng k-kuya mo kung bakit kami umiiyak, h-hindi namin alam kung h-hanggang kelan ka na lang namin m-makakasama may deadline ka na pala" sabay pinunasan ko yung luha ko "Rain b-bakit? Bakit i-ikaw pa? K-kelan pa yang s-sakit mo?"  malungkot na tanong ni renz "Diba kuya may hika ako, dahil dun naapektuhan yung puso ko at since elementary pa po ito. H-hindi ko din alam k-kung bakit ako?" sagot ni rain at nagsimula na ulit umiyak "K-kaya pala sabi ni tito kanina b-bago tayo umalis "yung p-puso mo" at k-kaya din pala alagang alaga ka nila" pagkukwento ko sa kanya "K-kuya and a-ate please w-wag nyo po sasabihin sa kanila" hinawakan ni rain yung kamay namin parehas Hindi na kami nakapagsalita ni renz kaya napatango na lang kami at niyakap namin sya ng mahigpit. "P-please stop crying, I don't want to see both of you crying because of me" pagtatahan ni rain samin Kaya pinunasan na namin yung luha namin at ngumiti sa kanya. Susulitin ko na ang mga panahon at oras na magkasama kami. "Rain wag ka mag-alala gagaling ka pa wag kang susuko ha" sabay ngiti ni renz sa kanya "Rain kasama mo kami lalaban dyan sa sakit mo" sabay ngiti ko "But I said---" "No buts lil sis we will fight together. Aalagaan kita at poprotektahan. Si kuya ang bahala sayo" pagpigil ni renz sa pagsasalita ni rain "Okay po kuya basta wag na kayo umiyak nasasaktan po ako" malungkot na sagot ni rain "Okay bunso hindi na, basta enjoy ka lang pero kailangan mo mag-ingat" paalala ko sa kanya "Tama ang ate mo enjoy the moment pero for now take your medicine first and take a rest" nakangiting paliwanag ni renz "Yes kuya!" then ininom nya na yung mga gamot nya "Thank you kuya, thank you ate, I love you" sabay ngiti ni rain "We love you too rain" sabay kiss ko sa noo nya "I love you too baby sister" sabay kiss din ni renz sa noo ni rain At nagyakapan kaming tatlo. "Rain magpahinga ka na, aantayin ka namin makatulog bago kami bumaba at kumain" paliwanag ni renz sa kapatid habang hinahaplos ang ulo nito "Take a rest na babantayan ka muna namin" sabay ngiti ko "Opo eatwell, don't mind me, im okay" humiga na si rain Hinintay lang namin na makatulog sya bago kami lumabas ng kwarto. At tinawag na namin ang iba para kumain. ************ End of Chapter 5: What? Sakit sa puso? Hanggang kelan kaya nila matatago ang sakit ni rain at hanggang kelan na lang nila makakasama si rain? Abangan! Hope you enjoyed this chapter! Thank you! Ps. I don't have any idea in the heart disease, gawa gawa ko lang po yun.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD