Renz POV
Nang makatulog na ang kapatid ko, hindi ko mapigilan na maiyak ulit dahil sa nalaman ko. My little sister have heart disease at very young age parang hindi ko kaya makita sya na nahihirapan.
"Uy myloves umiiyak ka na naman" malungkot na saad ni joyce
"Sorry myloves naawa lang ako sa kapatid ko" tumingin ako kay rain na natutulog
"Shhh wag ka ngang umiyak baka makita ka ng kapatid mo, ayaw nya na nakikita tayong umiiyak lalo ka na" saway sakin ni joyce at pinunasan nya luha ko gamit kamay nya
"Hays tara na nga kumain na tayo para makakain na din sila" tumayo na ako
Humalik muna ako sa noo ni rain at kinuha ko na yung tray para maibaba na.
"Tara na!" sabay ngiti ni joyce
Lumabas na kami ng kwarto bago kami bumaba kinatok muna namin ang bawat kwarto para sabihan sila na kakain na.
Nandito na kami lahat sa hapag kainan. Tahimik lang kami kumakain ang maririnig mo lang eh yung pagtama ng kutsara at tinidor sa plato at wala sino man gustong magsalita.
Napansin ko na tingin ng tingin si arvin sakin yung bang parang may gusto syang sabihin kaya lang hindi nya masabi.
Napansin ko din yung iba na kanina pa nag-aantay ng update tungkol kay rain kaya napatingin ako kay joyce at ngumiti sya sakin. Huminga muna ako ng malalim bago magsalita.
"Wag na kayong mag-alala okay na ang kapatid ko, nagpapahinga na lang sya ngayon" nagpatuloy na ako sa pagkain
"Who cares! " bulong ni berna pero rinig namin
"Ano sabi mo?" medyo galit yung boses ni myloves
"Myloves relax lang nasa tapat tayo ng hapagkainan" pagkakalma ko sa kanya
"Eh kanina pa kasi yan sa van eh, nagtitimpi lang ako" galit na sya, mahirap pa naman pag nagalit ang isa ito
"Tama na yan ayaw ni Rain ng away. Hayaan mo lang sya magsalita ng kung ano ano basta nasabi na natin yung dapat sabihin" pag-awat ko kay myloves, sya na lang ang sinaway ko dahil baka mas uminit pa ang ulo ko pag pinansin ko si berna
"Berna kung wala kang sasabihin na matino wag ka na lang magsalita" pagsaway naman ni arvin kay berna
"Oh ngayon kinakampihan mo na sila, ano ba problema nyo?" mataray na tanong ni berna samin
"IKAW!" sabay sabay na sagot ng mga girls
"Ikaw ang problema namin, simula nung sumali ka sa grupo namin lumayo na ang loob ni Arvin samin" inis na kwento ni sheng
"Pati ugali at pakikitungo nya samin nagbago na rin" dugtong naman ni lhean
"Bakit nyo sakin sinisisi yan eh wala naman ako ginagawang masama" mataray na pagkasabi ni berna
Pinakikinggan lang namin ng mga lalaki sila ayaw namin makisali lalo na ako baka kung ano pa magawa ko kay berna. Away ng mga babae yan kaya mahirap makisali.
"Wala nga ba ha, Berna?" mataray na tanong ni lhean
"Wala. Bakit hanggang ngayon hindi nyo pa rin ako matanggap ha" inis na saad ni berna
"Kasi kahit kelan hindi ka namin matatanggap" mariin na sagot ni joyce sa kanya
"Dati naman okay pakikitungo nyo sakin tapos bigla kayo nagbago, si Rain ang may kasalanan nitong lahat eh" paninisi ni berna sa kapatid ko
"TAMA NA YAN! AT IKAW BERNA WAG MONG MADAMAY DAMAY DITO ANG KAPATID KO" sigaw na awat ko sa kanila, sumabat na ako kasi pati kapatid ko nadamay na
"At bakit hindi, sya naman talaga may kasa----" berna
"ANU BA BERNA TAMA NA YAN WAG MONG IDAMAY SI RAIN. TIGILAN NYO NA ANG PAG-AAWAY NYO" sigaw ni arvin sabay walk out nya
Pag-alis ni arvin umalis na rin si berna sinundan naman ni red si berna pero bago umalis si red may sinabi sya samin.
"Hmm... Guys sorry kung nasira namin yung bonding nyo. Pasensya na talaga" paumanhin ni red sa amin, yumuko pa sya bago umalis
Buti pa si red marunong makiramdam kesa sa kina arvin at berna. Pinapakalma naman namin yung mga babae at pati sarili ko pinapakalma ko na rin.
"Badtrip! Nawalan na ako ng gana" sabay inom ng juice ni myloves
"Ako rin!" binaba ni sheng yung hawak nyang kutsara at tinidor
"Guys kumalma nga kayo, panalangin nyo sana hindi narinig ni Rain yung sigawan nyo kanina" sabay inom ng juice ni bob
"Tama si Bob. Sa lakas ng boses nyo siguradong rinig hanggang taas" sabay subo ng pagkain si clark
"Sana nga hindi narinig ni Rain yun kundi magtatampo yun" hindi nakisali si dean pero alam ko na galit din yan kay berna
"Speaking of Rain, okay na ba talaga sya?" pag-iiba ng usapan ni lhean
"Oo okay na sya, bago kami bumaba pinatulog muna namin sya" paliwanag ko sa kanila
"Oh tulog na naman sya, ano ba nangyayare sa kanya?" pag-aalala naman ni bob, ganyan sya kasi kapatid na ang turing nya sa kapatid ko
Hindi ko sya masisisi dahil pangalawang kuya sya ni rain.
"May sakit ba sya? Bakit matamlay ata sya?" pag-aalala din dean parehas talaga sila ng boyfriend nya
Nagkatinginan kami ni joyce at napalunok ako sa tanong nya.
"Ano kasi medyo masakit lang ulo nya kaya laging tulog" pagdadahilan ko na hindi tumitingin sa kanila
Lord sorry po sa pagsisinungaling namin!
"Kumain na ba sya? Kanina pa yun hindi nakakakain" sabay subo ng pagkain ni jacob
"Oo kanina pa nauna na sya kumain satin bago matulog ulit" sagot ni joyce sa kanya
"Buti naman kung ganun hindi na kami masyadong mag-aalala" nakangiting saad ni dean
Hays buti na lang naniwala agad sila!
"Tapos na ba kayong kumain? Para maligpit na yung lamesa" tanong ni bob sa lahat
"Oo tapos na kami, wala na kaming gana eh" masungit na sagot ni joyce
"Sige na dun na kayo sa sala kami na magliligpit nito" utos ko sa kanila, mga maiinit pa ang ulo ng girls baka makabasag lang sila ng pinggan
"Sige sunod na lang kayo dun myloves movie marathon tayo para mawala ang badtrip namin" nakangiting saad ni joyce sakin
"Sige po myloves" sakot ko sabay kiss sa pisngi nya
Pag-alis nila niligpit na agad namin yung pinagkainan namin at hinugasan na yung mga plato.
.
.
.
Arvin POV
Sa sobrang inis ko hindi ko na tinapos yung pagkain ko at umakyat na sa kwarto.
Ano ba naman tong pinasok mo arvin sobrang gulo, sigurado ako hindi ka mapapatawad ni rain at lalo na ng mga matagal mo nang kaibigan, handa na silang itakwil ka para lang sa kapakanan ni rain. Sabi ko sa sarili ko tapos pinagsusuntok ko yung pader, sa ganito ko lang mailalabas yung inis ko.
Natigil ako sa pagsuntok ng makita ko si rain sa may pintuan nakatingin lang sya sakin pero hindi ko sya pinansin pinagpatuloy ko lang ang pagsuntok sa pader.
Ano sa tingin mo arvin pipigilan ka nya wag ka nang umasa dahil sobrang sakit na pinaramdam mo sa kanya kulang pa yu--- napatigil ako sa pag-iisip at sa pagsuntok ng maramdaman ko na may nakayakap sakin galing sa likod pero hindi ko ulit pinansin yun at pinagpatuloy ko lang ang pagsuntok.
"Tama na yan m-mako" pag-awat nya pero tuloy pa rin ako
Deserve ko pa rin ba sya kahit na nasasaktan ko sya eh nag-aalala pa rin sya sakin?
Napatigil ako sa pagsuntok at pag-iisip dahil naramdaman ko na medyo nababasa na yung likod ko.
Hala umiiyak ba sya o pawis ko lang yun?
.
.
.
Rain POV
Ilang minuto pa lang ako nakakapagpahinga ng may narinig akong nagsisigawan tapos mayamaya pa may narinig naman akong malakas na pagsara ng pinto kaya nagising na ako akala ko sila kuya bumalik na dito sa kwarto pero wala naman akong nakitang tao pipikit na ulit sana ako ng makarinig ako ng kalabog.
Bakit parang may sumusuntok sa pader tanong ko sa sarili ko. Kaya napatayo na ako at hinanap ko kung saan ng gagaling yung pagsuntok.
Parang sa kabilang kwarto nang gagaling yung ingay na naririnig ko.
Kaya naisipan kong lumabas para silipin kung sino at ano yun. Pagdating ko dun sa kwarto binuksan ko agad yung pinto, pagbukas ko napatulala pa ako.
Nakita ko si arvin sinusuntok yung pader at medyo namumula na yung kamay nya. Napatingin naman sya sakin pero hindi nya ako pinansin pinagpatuloy nya ang pagsuntok. Nang makita ko may dugo na yung kamay nya pumasok na ako sa loob at niyakap sya (backhug) pero hindi pa rin nya ako pinapansin kaya nagsalita na ako.
"Tama na yan m-mako" pag-awat ko sa kanya pero tinuloy pa rin nya
Napaiyak ako dahil sa ginagawa nyanv pananakit sa sarili nya. Nang maramdaman nya na basa na yung likod nya dahil sa luha ko, tumigil na sya.
"I-itigil mo na yan Arvin, t-tama na yan please m-mako" pag-awat ko muli sa kanya
Tumingin na sya sakin, tinitigan nya ako ng ilang segundo bago nya ako niyakap.
"Shhh wag ka na umiyak" pagpapatahan nya at hinahagod yung likod ko gamit yung isa nyang kamay
"W-wag mo na yun uulitin ha. A-ayoko nasasaktan ka o kayo" pakiusap ko sa kanya, ayokong may nakikitang nasasaktan sa mga taong importante sakin
"Opo hindi na--- Aray!" daing nya nang masagi ko yung kamay nyang may sugat
Kaya napatingin ako dun sa kamay nyang puro dugo at namamaga pa.
"Sorry!... Halika punta tayo sa kwarto nandun yung first aid kit ko gamutin natin yan" aya ko sa kanya
"Okay sige, tara" sagot nya tapos inalalayan ako medyo mahina pa ako ng konti
Pagdating sa kwarto namin pinaupo ko muna sya sa kama ko.
"Upo ka muna dito kunin ko lang yung kit ko" tumayo ako para kunin yung first aid kit ko
"Sige salamat" sagot ni arvin
Kinuha ko agad yung first aid kit ko sa bag tapos kumuha ako ng upuan at inilagay sa harapan nya tsaka ako umupo.
"Amin na yang kamay mo gamutin na natin" dahan dahan naman nyang inabot sakin yung kamay nya "May problema ka ba?" tanong ko sa kanya, bakit nya ba kasi sinasaktan ang sarili nya
"W-wala mako" sagot nya na hindi nakatingin sakin
"Anu bang naisipan mo bakit mo ginawa yun?" tanong ko habang nililinis yung dugo sa kamay nya
"Wala naman--- Aray!" daing nya ng mapadiin yung paglilinis ko sa sugat nya
"Hala sorry" hinipan ko yung sugat nya
"Dahan dahan lang naman po" malumanay na pakiusap nya sakin
"Bakit pala kayo nagsisigawan kanina?" tanong ko sa kanya na ikinagulat nya
"Ah yun? W-wala yun, nagkakasiyahan lang ka---- Aray naman mako" daing nya ulit, ayoko pa naman sa lahat yung nagsisinungaling
Nakakasiyahan lang ha kaya pala nagtatalo talo na naman kayo. Nagsisinungaling kasi sya kaya diniinan ko yung pang gagamot ko.
"Sorry ulit, ikaw kasi gagawa gawa ka pa ng kalokohan tapos aaray aray ka dyan" sermon ko sa kanya, sakin pa sya magsisinungaling
"Sorry naman po kasi naman na---
nabadtrip lang ako" paliwanag nya
"Nabadtrip naman saan?" nilalagyan ko na ng bandage yung kamay nya
"Wag mo na yung alalahanin, okay na ako wag ka mag-alala" pag-iiba nya sa usapan
"Okay ka na? Sigurado ka ba?" nakatingin ako ng diretso sa kanya
"Oo naman ako pa malakas kaya ako" pagmamayabang naman nya
"Sigurado ka bang malakas ka?" tanong kong muli sa kanya
"Oo nga--- Araaay! Wag naman ganyan mako" daing nya ng hampasin ko ng mahina yung sugat nya
"Akala ko ba malakas ka" mataray na tanong ko, malakas pala ha
"Sabi ko nga malakas ako pero hindi ko sinabi na hindi ako nasasaktan, mako naman eh" pagmamaktol nya sakin
Namiss ko ang pagiging isip bata nya tuwing magrereklamo sya, ang cute nya kasing tignan pag ganyan sya sakin.
"Sorry naman. Ayusin mo kasi" nakangiting sabi ko sa kanya, ayan mayabang kasi hahahaha
"Pero ikaw ba okay ka na? Nakapagpahinga ka na ba?" pag-aalala nya naman sakin
"Ako? Okay naman na ako medyo nanghihina nga lang" umupo ako sa tabi nya at tumingin sa sahig
"Ganun ba sige na pahinga ka na para lumakas ka na" hinawakan nya kamay ko kaya napatingin ako sa kanya
"M-mako pwede favor?" sana ay okay lang sayo ang sasabihin ko
"Anu yun basta kaya ko" ganyan naman palagi ang sagot nya sa tuwing may hihingin ako sa kanya
"P-pwede bang d-dito ka lang muna..... T-tabihan mo muna ako please, sobrang namiss kasi kita at ngayon lang ulit kita makakasama" isang linggo na ako nakaka-uwe pero ngayon na lang ulit kami nakapag-usap ng ganito at isa sa maga rason ko sa pag-uwe ay ang makasama syang muli
"Namiss din kita ng sobra... Sige tatabihan kita para mabilis kang lumakas" malambing nyang sabi habang pinipisil ang mga kamay ko
"Salamat mako" nakangiting pasasalamat ko sa kanya
"Wala yun para naman sayo eh" ngumiti din sya sakin
Humiga na ako sa kama kaya naman tumabi na sya na nakaharap sakin at niyakap nya ako. I miss his hugs!
"Sige na magpahinga ka na mako, love you" hinahaplos nya ang pisngi ko
"Ikaw din, love you too" nakangiting sagot ko
Hinalikan nya na ako sa ulo tsaka niyakap ng mahigpit. Hay sarap ng yakap nya parang nung dati lang, dahil dun natulog na ako.
.
.
.
Renz POV
Ilang oras na nagpapahinga ang kapatid ko, ilang oras na rin kaming nandito sa baba at nanonood kaya naisipan ko na puntahan na sya para gisingin baka mamayang gabi wala na syang maitulog.
"Guys akyat lang ako gisingin ko lang si Rain" paalam ko sa kanila at tumayo na ako
"Bakit mo naman iistorbohin sa pagtulog si Rain?" mataray na tanong ni joyce sakin
Hays overprotective na din sya!
"Myloves kasi po baka mamaya ay hindi na sya makatulog, bawal mapuyat yun" paliwanag ko naman sa kanya
"Okay po, sige sama na ako may kukunin din ako sa kwarto" sagot nya sabay tayo na rin
"Akyat lang muna kami" paalam ko sa kanila
"Sige sige yayain nyo na rin si Rain na bumaba dito" si dean lang ang pumansin samin at tutok na tutok pa rin yung iba sa panonood
"Okay sige!" sagot ko
Umakyat na kami ni joyce, pagbukas ko ng pinto nakita ko si rain na tutulog pa at nakayakap si arvin sa kanya at natutulog din.
"Kaya pala hindi na bumaba si Arvin nandidito pala" nakangiti sya habang nakatingin sa dalawa
"Teka lang myloves hindi tama na magkatabi sila" susugurin ko na dapat si arvin
"Ano ba myloves hinay hinay lang baka magising sila" pag-awat nya sakin kaya hindi na ako nakalapit sa dalawa
"Yung nga gagawin ko gigisingin ko sila dumadamoves kasi yang lalaking yan" medyo may galit sa boses ko
"Ano ka ba magboyfriend naman sila kaya okay lang, tignan mo nga yung mukha ng kapatid mo umaliwalas na parang okay na sya" lumapit sya sa may bag nya at may kinuha
"Pero hindi pa din dapat sila magkatabi tapos magkayakap pa sila" pagkontra ko at lumapit ako sa kanya
"Ano problema dun sila naman. Ganyan din naman tayo minsan pag natutulog, kung hindi pala tama yan dapat pala hindi tayo magkatabing natutulog" medyo may inis sa boses nya habang may kinakalikot sa bag nya
"Hindi naman sa ganun bata pa kasi si Rain tsaka iniingatan ko lang sya" paliwanag ko sa kanya at alam ni arvin ang tungkol sa mga ganitong bagay
"Ewan ko sayo myloves bahala ka dyan wag kang tatabi sakin mamaya ha" pagkakuha nya ng kailangan nya ay tumayo na sya at naglakad
"Joke lang naman yun hindi ka naman mabiro" pagpigil ko sa kanyang umalis
"Naku Renz bahala ka dyan basta hindi ka tatabi sakin. Baba na ako nakuha ko naman na yung phone ko" sagot nya tsaka sya tuluyang umalis
"Myloves wait lang naman" sinundan ko naman sya agad, alam kong nainis sya sa ginawa ko
Bumaba na rin ako at tahimik na bumalik sa sala pagdating ko dun hindi ako pinansin ni joyce at tumabi sya kay sheng.
Joyce-ako-bob-dean-lhean-jacob-clark-sheng
Pwesto namin kanina.
Ako-bob-dean-lhean-jacob-clark-sheng-joyce
Pwesto namin ngayon.
"Nasaan na si Rain?" tanong ni dean sakin
"Nasa taas natutulog pa" matamlay na sagot ko
"Akala ko ba gigising mo na" takang tanong naman ni clark
"Sobrang hingbing ng tulog eh mamaya naman magigising na yun" sa sobrang himbing hindi sila nagising sa ingay namin kanina sa kwarto
"Oh bakit magkahiwalay kayo?" tanong ni jacob ang daldal talaga nito lahat napapansin
"Wag ka na lang maingay jacob" inis na sagot ni joyce sa kanya
"Nagtatanong lang naman" takot na sagot naman ni jacob
"Manahimik ka na lang kasi" saway ko naman sa kanya
"Okay gets ko na" sagot ni jacob sabay ngisi
Tumingin lang ako ng masama sa kanya tsaka kami nagpatuloy sa panonood.
.
.
.
Joyce POV
6pm na nang mapansin ko yung oras sa wall clock kaya naman nagpaalam muna ako sa kanila para magluto ng dinner.
"Guys magluluto lang ako" paalam ko sa kanila
"Tulungan na kita" prisinta agad ni renz
"Wag na kami na lang ni Sheng" pagtanggi ko sa kanya at tumayo na ako
"Okay basta pagkailangan mo ng tulong sabihan mo lang ako" malungkot na paliwanag ni renz
Imbis na sagutin ko sya tinanguhan ko na lang sya. Naiinis pa rin kasi ako sa inakto nya kanina para namang may masamang ginawa si rain at arvin.
"Sheng tara?" aya ko kay sheng
"Okay wait!" tumayo na sya
Naglakad na kami papuntang kusina pero narinig namin yung sigaw nila.
"LQ!" sabay tawa nila except kay renz, napairap na lang ako
Pagdating namin sa kusina kumuha agad ako ng mga kakailanganin namin.
"Anu lulutuin natin?" tanong ni sheng
"Yung favorite ni Rain" nakangiting sagot ko
"Ah tinola okay yan" nakangiting sabi naman ni sheng
"Oo naman pero mas masarap kung si Rain ang magluluto" pagmamalaki ko sa luto nya, masarap talaga si rain magluto sa totoo lang
"Tama ka dyan. Pero bakit kayo LQ?" sabi na nga ba kanina pa gustong magtanong nitong pinsan ko
"Oh bakit samin napunta ang usapan? pero hindi kami LQ noh" pagtanggi ko sa kanya, hindi naman kasi talaga
"Hindi daw, bakit hindi kayo nagpapansinan?" tanong nya, nagsimula na syang maghiwa ng sibuyas, bawang at luya
"Nainis lang ako sa kanya" pag-amin ko sa kanya habang hinuhugasan yung mga manok
"LQ na rin yun. Bakit ka naman nainis?" pangungulit nya
Kinuwento ko na sa kanya yung nakita namin at nangyari kanina sa taas.
"Talaga nakita nyo sila natutulog na magkayakap?" kinikilig na tanong nya sakin
"Oo kinilig nga ako eh kaso napalitan agad ng inis" kwento ko sa kanya, naging OA na naman si renz kanina
"Baka naman kasi naiinggit sya sa kapatid nya hahahaha, baka gusto rin yumakap sayo" biro nya sakin
"Loko ka sheng" hinampas ko sya sa braso pero mahina lang
"Baka gusto nya lang protektahan si Rain, alam mo naman si Renz gagawin ang lahat para sa kapatid nya" paliwanag naman nya, ngayon naman naghihiwa na sya ng sayote
"Alam ko naman yun, nasobrahan lang sya kanina sa ka-OA-yan. Wala naman malisya yun may relasyon naman sila" paliwanag ko naman
"OA naman talaga si Renz pagdating sa kapatid nya eh. Pero kamusta na nga pala si Rain?" tanong nya sa kalagayan ni rain
"Okay na naman sya, malakas naman yun si Rain kaya wag na kayo mag-alala" malakas naman talaga si rain yung puso nya lang ang hindi
"Sila Berna kaya ano ginagawa sa taas baka nagawa na ng bata yun hahahah" pagbibiro nya sa dalawa
"Baliw ka! Ang bata bata pa nila hahahah. Baka natutulog lang yun tsaka hayaan mo sila" loko talaga itong pinsan ko kung ano ano ang iniisip
"Joke lang naman, hindi pa kasi yun bumababa kanina pa pati si Red but speaking of Red, ano ang tingin mo sa kanya?" pagbigay pansin ni sheng kay red
"Okay naman sya eh, medyo tahimik lang siguro nahihiya pa sya satin" sagot ko pero may something sa kanya
"Oo nga masyadong tahimik yung taong yun" pagsang-ayon nya sakin
"May napansin lang ako sa kanila parang wala silang kasweet sweet sa isa't isa" paliwanag ko, yun ata yung something pero hindi
"Napansin ko rin yan parang aso nga si Red nakasunod lang kay Berna lagi" saad ni sheng
"Oo nga eh.... Tama na nga yang chismis mamaya marinig tayo nila" pagsaway ko sa kanya
"Pasimuno ka kasi eh" pang-aasar nya sakin
"Ikaw kaya nagsimula, tapusin na nga natin tong pagluluto para makakain na tayo" natatawang saad ko at pinagpatuloy na namin yung ginagawa namin
Katatapos lang namin magluto kaya bumalik na ulit kami sa barkada na nasa sala para tawagin sila.
"Guys kain na tayo" pagtawag ni sheng sa kanila para kumain na
"Punta na kayo sa kusina tawagin ko lang yung mga nasa taas" paliwanag ko sa kanila
"Sige pero pakinggan mo muna ito" pagpigil sakin ni jacob
"Dyan ka lang wag kang aalis dyan" utos naman ni bob sakin
"Bakit anu ba yun? Wag nyong pinag-aantay yung pagkain" pagsusungit ko sa kanila, hindi ba kasi pwedeng mamaya na lang nila sabihin kung anuman ang gusto nilang marinig ko
"Saglit lang ito wag ka na muna maingay" paliwanag naman ni clark sakin
"Okay!" nagcross arm ako
Nakita ko may hawak na gitara yung mga boys at biglang sila nagtipa sa gitara. Nagulat na lang ako ng biglang may kumanta.
Sorry na
kung nagalit ka
Di naman sinasadya
Kung may nasabi man ako
Init lang ng ulo
Pipilitin kong magbago
Pangako sa iyo
Si renz yung kumakanta habang palapit ng palapit sakin.
Sorry na
Nakikinig ka ba
Malamang sawa ka na
Sa ugali kong ito
Na ayaw magpatalo
At parang sirang tambucho
Na hindi humihinto
Hinawakan nya yung dalawang kamay ko at tumingin sa mata ko.
Sorry na talaga
Kung ako'y medyo tanga
Hindi ako nag iisip
Nauuna ang galit
Sorry na talaga
Sa aking nagawa
Tanggap ko na mali ako
Wag sanang magtampo
Sorry na
"Myloves sorry na po" paghingi ng tawad ni renz sakin
Napayakap ako sa kanya sa sobrang na-touch ako.
"Sorry din myloves" paumanhin ko din sa kanya
"So ano bati na tayo?" tanong nya sakin
Tumango ako at nginitian sya.
"Kiss!... kiss!... kiss!..." sigaw ng barkada namin
Si renz naman ngiting ngiti pati kiss planado nya, kakaiba talaga ang mga galawan ng isang ito.
"Myloves kiss daw" akala mo talaga wala syang alam tungkol dun
"Nako! Tigil tigilan nyo ako plinano nyong lahat ito pati yung kiss, mga pauso nyo talaga" pagtataray ko sa kanila
"Ang KJ mo naman joyce hahahah" panunukso ni jacob sakin
"Kaya nga kinilig din naman sya hahahah" pang-aasar din ni lhean
"Parang kiss lang" isa pa itong si clark
"Sige na nga" tapos hinalikan ko si renz sa pisngi "Oh yan na ha para matigil lang kayo" akala nila maiisahan nila ako
"Ang corny mo naman couz dapat sa lips" nakisali pa si sheng sa kanila
"Tantanan nyo na nga ako, pumunta na kayo sa kusina at maghain na kayo tatawagin ko lang sila Rain" pagsaway ko sa kanila
"Samahan na kita myloves" nakangiting saad ni renz
"Yun oh bumabawi si kuya mong Renz" pang-aasar ni jacob sa kanya
"Hahahah mga loko loko maghain na kayo dun" natatawang utos ni renz sa kanila
"Sige na bro pun---- Arvin!" gulat na saad ni bob habang nakatingin sa likuran namin
Napatingin kami sa hagdan at nakita namin si arvin na pababa at napansin namin nakabenda yung kamay nya.
"Ano nangyare dyan sa kamay mo?" pagtataka ni jacob pagkababa ni arvin sa huling baytang
"Ah eto wala toh, malayo sa bituka" sabay ngiti ni arvin
"Alam namin malayo sa bituka, pero bakit ka nagkaganyan?" pagtataka din ni clark
"Sa sobrang inis ko kanina napasuntok ako sa pader, guys sorry nga pala kanina" napayuko si arvin, mabuti alam nya na may mali syang nagawa
"Wag mo na isipin yun. At buti naman bumababa ka na, kakain na kasi" nginitian ko lang sya
"Wait lang masarap ba tulog mo Vin hahahah" pang-aasar ni sheng sa kanya, madaldal din talaga itong pinsan ko
"Sobrang sarap kamo hahahah" pang-aasar ko din
"H-huh?" naguguluhang lumapit sya samin
"Uy ano pinagsasabi nyo?" pagtataka naman ni dean
"Hahahah hindi nila alam" pinagtawanan ni sheng yung mga kaibigan namin
"Masarap naman talaga matulog pag may katabi, diba Arvin" pang aasar ko ulit sa kanya
"H-hala naki----" hindi na natuloy ni arvin yung sasabihin nya
"Mga ate, mga kuya anu po pinag-uusapan nyo?"
Napatingin ulit kami sa may hagdanan........
***********
SORRY NA by Parokya ni Edgar
.
.
End of Chapter 6: Namiss ko ang mga yakap mo!
Buti na lang at mahal na mahal ni rain si arvin kaya napatawad sya agad, ganun din sila joyce at renz. Magiging maayos at masaya na kaya ang bakasyon nila?
Abangan!
Thanks for reading and viewing! Sana nagustuhan nyo!