CHAPTER 2

3825 Words
Rain POV Nandito ako sa kwarto ko ngayon nagising ako dahil sa pag ring ng phone ko at hindi ko na tinignan kung sino yung tumatawag. Accept Calls...... "Hello po?" [ Hoy bata anong oras na! Sabi ko na nga ba natutulog ka pa rin! ] "Bakit po? Im so sleepy pa po. What is happening there?" [ Hala ka rain magsisimba po tayo ngayon at mamimili tayo ng pagkain para bukas. ] "Its so early yet. The mass will start later" [ Hoy batang makulit mag na-9 na kaya, papunta na nga kami dyan eh. ] "Magna-9 pa la--- WHAT! THE MASS WILL START NOW. WHY DON'T YOU WAKE ME UP EARLIER!" [ kanina p--- ] "Okay okay i will fix myself now. Bye po!" *Call Ended* Pagkatapos ko patayin yung tawag ay nagmadali na ako pumunta sa banyo para maligo, imbis na 45mins ang ligo ko naging 15mins na lang, nagmadali na rin akong magbihis. Pagbaba ko nakita ko sila mommy and daddy na kumakain sa kusina. "Goodmorning mommy! Goodmorning daddy!" masiglang bati ko sa kanila "Goodmorning baby princess" bati ni daddy sakin sabay halik ko sa pisngi nya "Goodmorning anak, kain ka na" bati naman ni mommy at hinalikan ko din sya sa pisngi * Piiit piiit.... Piiit piiiit..... * "Hindi na po nandyan na po kasi sila sa labas, sige po una na po ako, magsisimba pa po kasi kami" pagtanggi ko sa alok ni mommy "Osige mag-iingat kayo anak" paalala ni mommy "Opo!... Si kuya po pala?" tanong ko "Kanina pa umalis" sagot ni daddy "Ganun po ba, sige po alis na po kami" paalam ko Paglabas ko ng bahay, sumigaw agad si kuya. "RAIN BILISAN MO LATE NA TAYO!" sigaw ni kuya mula sa driver seat ng van "OKAY I'M HERE!" sigaw pabalik ko Pagsakay ko pinaandar na agad nila ang sasakayan dahil late na nga kami. "Kuya why you're not waking me up?" inis na tanong ko kay kuya "Wag kang mag-english. Kanina pa kita ginigising tulog na tulog ka. Nasundo ko na silang lahat tulog ka pa rin" sermon naman ni kuya sakin "Hays okay fine. Pasensya na po, may jetlag pa po at hindi po ako nakatulog agad kagabi" paliwanag ko naman Pagdating namin sa simbahan ang dami ng tao kaya nakatayo na lang kami at holy family na ang sinasabi ng pari. Pagtapos ng misa nagmano na kami kay father at umalis na, dumeretso na kami ng mall. Pagdating sa Smith Mall ay kumain muna kami sa mcdo ang mga boys na ang umorder ng kakainin namin. Pagmamay-ari nga pala ng pamilya ni bob ang mall na ito. "Rain jetlag is real ba hahahaha" pang-aasar sakin ni sheng "Mukhang puyat na puyat ka hahahahaha" gatong naman ni dean "Sabi na nga ba eh tulog ka pa kanina, kung hindi pa ako tumawag hindi ka pa gigising" sermon naman ni ate joyce "Oh no!.... You're the one who called this earlier? Im sorry ate I didn't recognize you. I fell a sleep 2 in the morning" paliwanag ko sa kanya, si ate pala yung tumawag kanina "Why?" nag-aalalang tanong naman ni kuya "Nothing.... There's something in my mind" sagot ko na lang pero ang totoo hindi pa rin mawala sa isip ko yung tungkol kay arvin "What it is?" tanong ulit ni kuya "Nahawa ka na sa kapatid mo mag-english" natatawang sabi ni ate joyce "Sorry naman" paumanhin naman ni kuya "Ano ka ba Renz hindi ano, kundi sino hahahaha" pagsingit naman ni jacob sabay tawa "Sino nga ba?" tanong naman ni kuya sa kanya "SINO PA BA EDI SI ARVIN HAHAHAHAH" sabi nila ng sabay sabay "Kailangan po talaga sabay sabay?" hala bakit alam nila "Ayan magtagalog ka lang" sermon ni kuya Sandali lang bakit nga ba nandito ang mga boys. Ang pagkakaalam ko all girls lang dapat kami. "Wait nga lang po, bakit po pala kayo nandito? Ang alam ko po kami lang po ng mga girls ang magkikita kita" tanong ko sa boys "Bakit Rain ayaw mo ba makasama ang mga kuya mo?" tanong ni kuya sakin "Hindi naman po sa ganun hindi lang po ako na inform hahahah" nagtampo naman agad si kuya "Akala ko ayaw mo kami kasama" sagot ni kuya "Kung kasama po namin kayo, eh nasaan po yung tropa nyong si Arvin?" nasan nga ba si mako "Aba ewan namin ikaw ang girlfriend eh" sagot naman ni clark, loko talaga ito "Hindi ko din po alam, kasi ang akala ko girls lang po eh kaya hindi ko sya sinabihan. Hindi nga po sya nagparamdam simula po nung umuwi sya" ano kaya ang nangyari sa isang yon "Oo nga nasaan ba si Arvin? Eh lagi naman natin kasama yun pag nagsisimba tayo" pagtataka din ni lhean "Baby diba nga hindi na nga sya nagsasasama satin" paalala ni jacob sa kasintahan nya "Mukhang may tinatago po satin si Arvin" sabay buntong hininga "Nafifeel ko din yan bunso" pagsang-ayon ni kuya sakin "Pero wag muna tayo mag-isip ng ganyan hanggat wala tayong napapatunayan" paalala ni ate joyce samin "Tama tama, wag mo muna isipin yun Rain, ang isipin muna natin kung ano ang mga bibilhin natin ngayon" pag-iiba ni kuya sa usapan "Okay po mga ate at kuya" pagsang-ayon ko sa kanila "Yan wag ka ng malungkot, dapat happy lang" nakangiting saad ni dean "Tama na nga yan" pag-awat ni sheng "Tara na po magpunta na tayo ng grocery tutal tapos na po tayo kumain" yaya ko na sa kanila "Let's go!" masayang saad ni lhean Pagtapos namin kumain pumunta na kami sa grocery store para mamili. ===========••••••••••=========== Joyce POV Nandito na kami sa grocery dahil madami kami naghiwa-hiwalay muna kami at naghati-hati sa mga bibilhin sila dean, sheng at lhean sa mga meat sila bob, clark at jacob naman sa drinks kami naman nila rain, renz at ako ay sa junkfood at iba pa. "Guys maghiwalay hiwalay muna tayo" utos ni renz sa lahat "Let's meet in the cashier na lang po" sabay ngiti ni rain "Sige see you later na lang. Tara na girls" aya ni sheng sa mga babae "Kami din punta na sa mga drinks. Bye guys!" aya naman ni jacob sa boys At umalis na nga sila, kami naman ay pumunta na sa mga junkfoods section. "Ano bang chichirya ang bibilhin natin?" tanong ko sa kanila habang nakatingin sa mga pagkain "Anything ate basta po may stick-o, pringles at fries" sagot ni rain habang namimili ng pagkain "Special mention talaga yung mga favorite mo bunso hahahah" pang-aasar ni renz sabay kurot sa pisngi ng kapatid nya "Ganun po talaga hahahah, pero medyo masakit po yung kurot mo kuya" reklamo ni rain at hinimas nya yung pisnge nya "Ang cute nyo naman tignan na magkapatid" nakatingin ako sa kanila na nakangiti "Syempre naman myloves cute kasi yung kuya" sabay kindat sakin ni renz loko loko talaga "Kuya san po banda? Ako kaya yung cute diba po ate" pang-aasar naman ni rain sa kuya nya "Myloves wag mo akong kindatan dyan hindi bagay sayo. At oo naman bunso cute ka" inakbayan ko si rain "Pinagtulungan nyo pa akong dalawa" sabay nguso ni renz "Syempre naman po kakampi ko si ate. Tsaka kuya wag ka pong mag pout mukha kang bibe hahahahah" si rain sabay dila sa kuya nya at nagtago sa likuran ko "Anong sabi mo? Lagot ka sakin" sabay punta ni renz sa likod ko para kilitiin si rain "Kuya tama na po hahahahah kuya st--hahahaha" pagsaway ni rain sa kapatid "Uy myloves tama na yan" pagsaway ko naman sa kanila "Rain pasalamat ka nandyan si myloves may magtatanggol sayo hahahahaha" birong pananakot ni renz sa kapatid nya "Okay! Thank you po hahahah" biro naman ni rain Kulit talaga nitong si rain. "Tara na nga dun sa frozen section para makabili na tayo ng fries mo" pagyaya ko sa kanila ng makuha na namin yung kailangan namin dito "Yehey fries!" masayang saad ni rain Papunta na kami sa frozen section ng makita ko si arvin at berna na magkasama. "Myloves lika dito. Tignan mo yun" sabay turo ko kila arvin . . . Renz POV "Myloves lika dito. Tignan mo yun" sabay turo ni joyce "Diba sila arvin yun" dagdag nya sa sinabi nya "Saan myloves?" hindi ko naman alam kung saan banda "Ayun oh sa mga chocolate section" sabay turo ulit ni joyce "Oo nga noh loko yun ah magkasama pa sila ni Berna" nainis ako bigla pagkakita ko sa dalawa "Bakit kaya sila magkasama?" tanong naman ni joyce sakin "Hindi dapat sila makita ni Rain. Lagot yan----"  hindi ko na natapos sasabihin ko ng nagsalita si rain "Sino po tinitig--- m-mako?" patay nakita na sila ng kapatid ko Napatingin bigla si arvin samin kaya lumapit agad sya, halata na kinakabahan sya. "Bakit kayo magkasama?" seryosong tanong ko sa kanya "A-ano kasi ano na-nakita ko lang sya dyan sa may chocolate section" kabadong sagot ni arvin Napatingin ako sa kapatid ko nakita ko sya na nakayuko kaya naisipan ko na umalis na dun ng bigla magsalita si arvin. "Bro ano pa lang ginagawa mo dito? Bakit kasama ka nila?" nagtatakang tanong ni arvin sakin "Magkakasama kami dahil kagagaling lang namin sa simbahan atsaka nakalimutan mo na ba na ngayon sila mamimili para bukas kaya sinamahan namin" paliwanag ko sa kanya, para namang wala sya nung nagplano kami "Ikaw arvin anong ginagawa mo dito?" mataray na tanong ni joyce sa kanya "M-may ano may inutos lang sakin si m-mommy" utal utal na sagot ni arvin "Ah ganun ba. Bakit hindi ka pala sumama samin magsimba kanina?" tanong ulit ni joyce "K-kasi ano late na ako nagising" sagot ni arvin "Okay! Sige una na kami may bibilhin pa kasi kami" kailangan na namin makaalis dito "Tara na rain" aya ni joyce sa kapatid ko "Ahm mako see you bukas, love you" nakangiting saad ni arvin Nginitian lang sya ng kapatid ko at nauna na samin maglakad kaya hinabol namin sya. Nang maabutan namin ay tinanong ko agad sya. "Bunso are you okay?" pag-aalala ko sa kanya Pasimple syang nagpunas ng luha, at sabay ngiti samin. Halata naman na nasaktan sya. "Rain alam namin ng kuya mo na hindi ka okay" sabi naman ni joyce kay rain Si rain naman ay ngumiti lang ulit. Masama ito hindi na sya nagsasalita. "Tama si ate joyce mo rain. Magsabi ka lang samin makikinig kami" sabay ngiti ko Bumuntong hininga muna si rain bago magsalita. "Hmm! I don't know if I believe him" pag-amin nya samin "Rain wag mo munang isipin yun okay" pagpapakalma ni joyce sa kanya "Sigurado naman ako na nagsasabi sya ng totoo. Wag mo na muna isipin yun" sabay akbay ko sa kapatid ko Lagot talaga tong si arvin sakin pag nalaman kong niloloko nya kapatid ko. Itatakwil ko na sya bilang bestfriend ko. . . . ********** Nandito na kami sa cashier ng grocery nakapila para magbayad. Habang nakapila nagtatawanan at nagbibiruan kami. Napansin naman namin na tahimik lang si rain. "Rain tahimik mo ata?" pagpansin ni dean sa kapatid ko "May problema ka ba?" tanong naman ni sheng sa kanya Pero nginitian lang sila ng kapatid ko kaya ako ang tinanong nila kasi alam nila na may mali pagtahimik na ang kapatid ko. "Renz nag-away na naman ba kayo?" mahinang tanong ni dean sakin "Hindi ah tsaka bakit ko naman sya aawayin" depensa ko agad sa kanya "Ewan ko... Eh kayo kasama nyan kanina" sagot ni dean "Rain gutom ka na ba?" tanong naman ni jacob sa kapatid ko "No... Im fine" matamlay na sagot ni rain "Sigurado ka ba?" paninigurado ni lhean Nginitian lang ulit sila ni rain. "Anu ba nangyari kanina?" bulong naman ni bob samin "May nakita kasi syang hindi ka aya-aya" pagku-kwento ni joyce sa kanila "Anong ibig mong sabihin?" nagtatakang tanong ni dean "Wait!... Ibig mo bang sabihin na nakita nyo rin sila Arvin at Berna?" biglang singit ni sheng "Oo tama ka nakita nga namin sila" sagot ko sa kanya "Hala nakita nyo rin sila?" gulat na tanong ni joyce sa kanila "Oo pero hindi nila kami nakita" sagot naman ni lhean "So yun pala ang dahilan kung bakit ganyan kapatid mo?" tanong naman ni bob "Parang ganun na nga" tumango tango pa ako "Ano naman sa----" natigilan si clark sa pagsasalita ng biglang sumabat si rain "Don't whisper to each other there. I know that im your topic" walang ganang sabi ni rain "Sorry rain, napag-uusapan lang" paumanhin ni joyce sa kanya "Sorry. Sure ka ba na-----" nak ng ang hilig nya na hindi ako patapusin sa sasabihin ko "It's fine. Im okay" sabay talikod nya sa amin "Oh san ka naman pupunta aber" takang tanong ni sheng sa kanya "Let's meet in the DQ na lang po. I'll go now. Bye!" paalam ni rain samin "Sigu--- Rain!" Hays! Di pa nga ako tapos magsalita umalis na agad, talaga naman "Myloves kayo na bahala dyan sasamahan lang namin kapatid mo" biglang paalam ni joyce samin "Oh sige myloves. Kayo na bahala sa kapatid ko" pakiusap ko sa kanya "Opo sige una na kami. Bye myloves! Bye boys!" sabay halik ni joyce sa pisngi ko "Bye girls!" paalam naman ni bob Nakaalis na ang girls para sundan ang kapatid ko kaya nag-usap usap na muna kami dito. "Patay talaga yang si Arvin sakin" pagbabanta ko "Oh Renz relax lang barkada natin yun" pagpapakalma naman ni jacob sakin "Barkada nating sira ulo ang sabihin mo" inis na saad ko "Simula talaga nung naging sila ni Berna nag iba na ugali nyan ni Arvin" napailing na lang si bob "Lalo na nung naghiwalay sila napariwara na ang buhay nun. Buti na lang dumating sa barkada yang kapatid mo at napatino nya si Arvin" pagbabalik tanaw ni clark "Wag lang syang magkakamali na paiyakin ang kapatid ko. Itatakwil ko talaga sya bilang kaibigan ko" pagbabanta ko muli "Sigurado ka ba? Eh sa barkada kayo ang pinakaclose" tanong ni clark "Oo sigurado ako para sa kapatid ko" seryosong sagot ko "Ang sweet mo naman maging kuya naiinlove na ako" si jacob na nagbakla baklaan "Kadiri ka Jacob, kung ikaw lang din wag na lang" sabay layo ko sa kanya "Grabe ka naman Renz biro lang naman yun" maktol ni jacob "Hahahaha yan kasi pabakla bakla ka pa" pang-aasar ni bob sa kanya "Siguro bakla ka talaga nagpapanggap ka lang na lalaki para mapalapit samin" pang-aasar naman ni clark sa kanya "Siraulo!..... Baka nga mas lalaki pa ako sayo" napalakas yung boses ni jacob sabay batok kay clark "Uy wag ka nga maingay Jacob nakakahiya ka, ang dami kayang tao" saway sa kanya ni bob "Sorry!.... Sorry naman eto kasing si Clark siraulo eh" mahinang saad ni jacob "Subong kita sa girlfriend mo eh sabihin ko inaaway mo ako" pananakot ni clark sa kanya "Ikaw ata bakla Clark. Ang laki laki mo na nagsusumbong ka pa hahahahah. Gusto mo samahan pa kita" pang-aasar pabalik ni jacob kay clark "Tama na yan. Parehas lang naman kayong bakla" pang-aasar ko sa dalawa sabay apir ko kay bob "Tama ka dyan bro" natatawang saad ni bob "Pinagtulungan nyo pa kami, sumbong na-----" napatigil si jacob "Ops.... Tama na muna yan magbayad na muna tayo" pag-awat ko sa kanya After namin magbayad pumunta na agad kami sa DQ para sunduin yung mga girls. "Oy mga bakla bilisan nyo naman maglakad"  pang-iinis ko sa dalawa "Sandali lang naman kasi ang bigat kaya ng pinabuhat mo samin ni Clark" reklamo naman ni jacob "Tsaka hindi kami bakla noh sapakin kita dyan eh" inis na saad ni clark Tumingin ako kay bob para senyasan na asarin pa namin yung dalawa. "Ang bagal nyo talaga" patuloy pa rin na pang-aasar ko "Mga bakla nga kasi sila Renz" gatong naman ni bob "Oo nga pala bakla nga pala sila" ang saya talaga pag naasar na yung dalawa "Sabing hindi kami bakla. Sumbong namin kayo sa mga girlfriend nyo" pananakot ni jacob, akala naman naman nya matatakot nya ako "Edi magsumbong kayo samahan pa namin kayo" pangyayabang ko "Baka gusto nyo sabihin ko kila Joyce at Dean na----" di na natuloy ni clark yung sasabihin nya ng magsalita agad ako. Loko toh, tatakutin pa talaga ako. "Sige magsumbong kayo kung mauunahan nyo kami..... Bob takbooo!" sabay takbo namin dalawa, sumunod naman agad sila sa amin "Hoy sandali lang ang daya nyo!" sigaw ni jacob habang tumatakbo kaming apat Para kaming mga batang nagtatakbuhan sa loob ng mall. . . . Joyce POV Sinundan namin si rain papuntang DQ, nakita namin syang tumigil at tumitig sa isa store kaya nilapitan agad namin sya. "Rain ang bilis mo naman maglakad" hingal na saad ni dean "Buti napatigil ka at naabutan ka namin" hingal din si lhean "Ano ba tini---- s**t!" napamura ako bigla sa nakita ko "Uy bibig mo naman couz" sita sakin ni sheng "Anu ba naki--- oh s**t nga!" tumingin din si dean sa tinignan ko kaya napamura sya "Rain tara na umalis na tayo dito" pag-aya ko sa kanya "Tara na punta na tayo sa DQ" nagmamadaling saad ni dean Inakay na namin si rain palayo para hindi na matuloy yung pagluha nya. Maluha luha na kasi yung mata nya alam kong pinipigilan nya lang umiyak. Pagdating namin sa DQ humanap na agad kami ng mauupuan para makausap namin si rain. "Guys kayo na ang bumili alam nyo naman kung ano ang gusto namin" utos ko sa kanila "Sige kami na lang ni Sheng ang o-order" prisinta naman ni lhean Umalis na sila para umorder, tinignan ko si rain ayun nakatulala. "Bunso?" minsan bunso rin tawag ko sa kanya "Uy Rain?" pagtawag din ni dean, hindi kasi kumikibo rain "Rain?.... Rain okay ka lang ba?" pag-aalala ko kasi nakatulala sya Paghawak ko sa kamay nya tumingin sya sakin halata sa mata nya yung sakit. "Rain nandito lang kami" sabay ngiti ko sa kanya "Wag muna tayo mag-isip ng nega Rain" pagpapakalma ni dean sa kanya "Okay lang na ilabas mo yang nararamdaman mo" mahinahong saad ko Bigla nya akong niyakap. Sabi ko na nga ba nasasaktan sya. Kaya niyakap ko rin sya at hinagod hagod ang likod nya. Dumating sila lhean at nakayakap pa rin si rain sakin. "Guys eto na yung inyo" sabay abot ni lhean ng mga ice cream "Thank you!" sabay ngiti ko "Rain okay ka lang?" tanong ni sheng kay rain habang nakayakap sakin "Wag ka na malungkot nandito kami para sayo" nakangiting saad ni dean "Nandito lang kami, wag ka muna mag-isip ng nega baka mali ang iniisip natin" nagtinginan kami lhean, nag-aalala din sya "Oo nga bunso baka mali tayo ng akala" hinaplos ko ang buhok nya "Kainin mo na itong ice cream mo" sabay abot ni dean ng ice cream kay rain "Sige na kumain ka na at punasan mo na yang luha mo baka biglang dumating ang kuya mo" paalala ko sa kanya, baka kasi biglang magwala si renz pag nakita nyang umiiyak ang kapatid nya "Oo nga Rain mamaya sugurin nya pa yung si ano gusto mo ba yun?" tanong ni lhean Bumitaw na sa pagkakayakap si rain at nagpunas ng luha. "N-no, I don't..... S-sorry po" malungkot na saad ni rain sabay punas sa mukha nya "Oh bakit ka naman nagso-sorry?" takang tanong ko "Because all of you saw me crying. You should not implicate in my drama, I'm really sorry" paumanhin ni rain samin "Anu ka ba Rain magkakaibigan tayo, okay lang yun" sabay ngiti ni sheng "At sabi ng kuya mo wag ka na mag-english" paalala ko ulit sa kanya "Sorry! May pagkukulang din naman po kasi ako kaya nya siguro nagawa yun. Kasalanan ko" paninisi ni rain sa sarili nya "Shhh! Tama na ang sorry, hindi mo kailangan magsorry. Magkakaibigan tayo" pag-awat ko sa kanya "Syempre po mas una nyo syang naging kaibigan at barkada, kung hindi naman naging kami wala naman po ako sa barkada nyo" hays ayan naman si rain laging dinadown ang sarili nya "Anu ka ba Rain kahit una nya kami naging kaibigan o barkada sa tama pa rin kami kakampi" nakangiting sagot ni dean "Kahit naman hindi maging kayo kaibigan ka pa rin namin dahil kapatid ka ni myloves" paliwanag ko naman sa kanya "Tsaka kasama ka naman talaga sa barkada" nakangiting saad naman ni sheng "Barkada ka din namin, magbabarkada tayo kaya magdadamayan tayo" sabay ngiti ni lhean sa kanya "Rain wag mong isipin na sabit ka lang sa barkada, mas gusto pa nga namin ikaw kesa kay berna" pagpapalakas ng loob ni dean kay rain "Totoo yun kaya wag ka na malungkot, bunso ka namin kaya aalagaan ka namin" pagsang-ayon ni lhean "Opo mga ate" sabay ngiti ni rain "Kaya wag ka na malungkot baka abutan ka ng kuya mo" paalala ko muli sa kanya "Oh wag ka na magdrama hahahah mag grouphug na lang tayo" biro ni sheng "Gusto ko yan mga ate. Grouphug?" ayan masaya na si rain "GROUP HUG!" sabay sabay namin sabi at nagyakapan kami . . . Rain POV Pagkatapos namin mag grouphug nagulat kami nung makita namin nagtatakbuhan sila kuya palapit sa amin. "Oh bakit kayo tumatakbo?" nagtatakang tanong ni ate joyce sa kanila "A-ano kasi hina...habol kami ng mga bakla" hinihingal na sabi ni kuya "Huh? Eh nasan pala sila Jacob?" naguguluhang tanong naman ni lhean "Ayan sila.... Ayan na yung mga bakla" pagsusumbong ni kuya tapos nagtago sa likod nila ate joyce Napatingin naman kami sa tinuro nila. Nakita namin sila jacob na papalapit samin. "Ayan na yung mga bakla" sumbong din ni bob "Sa...bing hindi nga ka...mi bakla" hingal na hingal na sabi ni jacob habang nakatungkod ang dalawang kamay sa tuhod Tumawa silang lahat ako ngumiti lang. Lumabas na naman ang pagiging isip bata nila. "Hahahaha myloves akala ko naman kung sinong bakla sasampalin ko sana, etong dalawa lang pala" natatawang sabi ni ate joyce "Ako rin naghahanda na, yun pala sila Jacob lang" nakangiting saad ni dean "Ngayon nyo lang nalaman na bakla sila? pang-aasar naman ni lhean sa boyfriend nya "Gra...be ka naman... By di naman kami bakla" pagmamaktol ni jacob "Etong dala...wang toh pauso eh.... pinagod nyo pa kami" reklamo naman ni clark "Eh bakit sinabi...ba namin na habulin...nyo kami" hingal na saad ni bob "Yan takbo pa more hingal na hingal na tuloy kayo" biro ko sa kanila "Yang kuya mo kasi eh" paninisi ni clark kay kuya "Masuntok nga ng isang beses yang kuya mo" pagbabanta ni jacob "Oo nga makaganti lang" pagsang-ayon ni clark "Aba sige subukan nyo lang, lagot kayo sakin" pagbabanta ni ate joyce sa kanilang dalawa "Yan lagot kayo sa pinsan ko" pananakot naman ni sheng sa dalawa "Hon pagtanggol mo naman ako" naiiyak na saad ni clark "Bahala ka dyan matapang ka diba?" mataray na saad ni sheng "Oh ano ka ngayon Clark, under ka pala eh hahahaha" pang-aasar ni kuya "Sinong under? Ako hindi ako under no?" pagtatapang tapangan ni clark "Patunayan mo nga" panghahamon ni bob sa kanya "Hon order mo nga ako ng ice cream" sabay ngiti ni clark "Baka gusto mo masapak hon, umorder ka mag-isa mo" mataray na sagot ni sheng "Sabi ko nga ako ang oorder" napakamot sa ulo si clark "Hahahah under ka pala bro buti ako hindi. By subuan mo ko ng ice cream" malambing na utos ni jacob "Suntok gusto mo?" banta naman ni lhean sa kanya "Eto naman hindi mabiro, joke lang naman" sabay yakap ni jacob sa kanya "Oh ikaw may sasabihin ka din ba?" tanong ni dean sa boyfriend nya "Wala po" sagot ni bob "Good!" simpleng saad ni dean "Mga bakla na under pa hahahahah. Si Bob din under hahahah" pang-aasar ni kuya sa tatlo "Myloves wag kang tumawa tawa dyan" pagsaway naman ni ate joyce sa kanya "Sabi ko nga po hindi na tatawa" sabay yakap ni kuya kay ate joyce "Pft......" pagpigil ko sa pagtawa "Huy Rain ilabas mo na yan mamaya kung saan pa lumabas yan" inis na saad ni jacob "Pft...okay hahahah mga hahahah under pala hahahah kayo eh" matatapang pero takot sa mga girlfriend "Wag mo kaming tinatawanan Rain sapakin ka namin dyan" sabay sabay sabi nila kuya "Mga ate oh susuntukin daw ako" pagsusumbong ko kila ate joyce "Kayong mga lalaki wag nyong patulan yung bata" sermon ni ate joyce sa kanila "Pati bata inaaway nyo" dugtong ni dean "Bumili na nga kayo dun ng ice cream nyo " utos ni lhean sa kanila "Ano pa iniintay nyo bili na. Alis na!" utos naman ni sheng Bago sila umalis dumila muna ako sa kanila Tapos nagtawanan kaming mga babae pag alis nila. Pagkatapos nila bumili umuwi na kami para makapaghanda na kami bukas. ************* End of Chapter 2: Sana Hindi Totoo! Puro kalokohan ang boys, pero ano kaya yung nakita ng mga girls? Abangan! Hope you like it!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD