Kakauwe lang nila rain galing America 1year din sila nagstay dun.
Pauwe na sila galing airport kasama ang mommy at daddy nya at nakasakay na sila sa taxi.
"Daddy why they don't fetch us here?" tanong ni rain sa daddy nya
"I don't know? Maybe they are all busy" sagot ng daddy nya sa kanya
"But they know that we will go home today, I think they are in our house now" nakangiting saad ng mommy nya
"Really mommy? I miss them so much, let's go home now please!" excited na saad ni rain habang nakatingin sa magulang nya
"Baby don't be so excited okay? Remember it's not finally fine" paalala ng mommy nya
"Mommy im fine" nakangiting sagot ni rain
"Okay baby" napailing na lang ang mommy nya sa kakulitan nya
"Im not baby anymore mommy and daddy" reklamo ni rain sabay nguso
"But you're always our baby, my baby princess" nakangiting saad ng daddy nya
"Daddy im not!" nakangusong sagot ni rain
"Okay princess you're not a baby" natatawang sabi ng daddy nya
Isang oras din silang nasa byahe dahil traffic (buti pa ang traffic hindi nagbabago XD), pagkadating naman nila sa bahay nila ay walang katao tao at nakapatay lahat ng ilaw.
"Mommy you said that they're all here in our house, but why the lights are off and it's so quite?" tanong ni rain sa magulang
"I don't know too princess. I know that they know that we will arrived today" sagot ng mommy nya habang nagtetext
"I guess they forgot that we will get home today" malungkot na saad ni rain
Nakasimangot ngayon si rain dahil baka daw nakalimutan nila na uuwi sila ngayon.
Akala ko pa naman miss nila ako pero nakalimutan nila na ngayon ang dating ko. Isip isip ni rain.
"Pwede wag ka na po mag-english princess, nandito na tayo sa Pilipinas" pakiusap ng daddy nya
"Okay daddy, I'll try" sagot ni rain
"Kasasabi ko lang. Tsaka wag ka na malungkot anak, sige papangit ka nyan hahahah" pagbibiro ng daddy nya
"Daddy naman eh. Tara na nga po sa loob. Pasok na po tayo" sabay ngiti ni rain
"Ayan mas bagay sayo magtagalog at naririnig namin ang salitang "po", wag ka na mag english" pakiusap ng daddy nya
"Opo daddy" sagot ni rain
"Sige tara na" aya ng daddy nya sabay akbay
.
.
.
Rain POV
Hi! I'm Rain Dominique Millares but everyone calls me Rain, I'm 15 years old. May kapatid ako na naiwan dito sa Pilipinas hindi na sya sumama dahil dito sya nag-aaral. Kakauwe nga lang pala namin galing America para magbakasyon, isang taon din kami nagstay doon may inasikaso lang kami, pero sa America ako nag-aral ng elementary.
Ang sabi nila mommy alam daw ng iba na ngayon ang uwi namin pero parang wala namang katao tao sa bahay dahil nakapatay ang mga ilaw at ang tahimik.
Pagpasok namin sa bahay nagulat ako ng biglang bumukas ang mga ilaw at nakita ko ang mga tita at tito ko sila lola at lolo, ang mga pinsan ko at nandun din ang mga kaibigan ko, syempre hindi mawawala ang pinakamamahal kong boyfriend.
"WELCOME HOME!" sigaw nila sabay sabay at unti unti ako napaluha
"Welcome home anak!" bati din nila mommy and daddy
"W-welcome home mommy and daddy" naiiyak pa rin ako kaya niyakap nila ako
"Anak wag ka na umiyak bawal sayo yan, remember?" paalala naman ni daddy
Sya si Dominick Millares ang daddy ko, ang hero ko, at ang first love ko syempre. Strict, protective but caring.
"Yes daddy!" pinunasan ko naman luha ko
"Go ahead and greet them!" nakangiting sabi ni mommy
Rainelyn Millares ang mommy ko, ang best friend ko, ang angel ko at ang idolo ko sa pagluluto. Loving, sweet and caring too.
At isa isa na rin sila lumapit samin para makipagbatian, makipagbesohan at makipagyakapan pagkatapos ay kumain na kami.
Nasa iisang table lang kami mag kakaibigan as usual maingay sa pwesto namin.
"Welcome home mako, I miss you so much and I love you" sabi ni arvin
He is Arvin Alcaran my boyfriend. Yup pinayagan ako nila daddy magboyfriend dahil may tiwala sila sakin.
"I miss you too and I love you too mako" kiniss ko sya sa pisngi
"Aaaaaaaaayyyyiiee!!!" panunukso naman ng mga kaibigan namin
"Mga baliw but I miss you so much guys" sabay ngiti ko sa kanila
"Sobrang namiss ka din namin" nakangiting saad ni sheng
Shenna Samson Francisco, Sheng for short 16 years old, kikay pero palaban at matapang sa barkada.
"Miss you din Rain" masayang saad naman ni dean
She is Dean Marice Cipriano ang matured sa barkada parang yung boyfriend nyang si Bob, at may pagkaboyish.
"Musta naman po kayo dito nung wala ako?" may accent ng konti nasanay lang sa america
Matanda sila sakin ng 1-2 years pero ayaw nilang mag patawag ng ate at kuya.
"Okay naman kami, bonding dito bonding doon ikaw nga lang ang wala sa lahat ng gala ng barkada" kwento ni dean sakin
"Ikaw kamusta ka naman, maganda ba mag-aral sa America?" tanong ni sheng sakin
"Im fine and the school there is so amazing but im pretty sad because your not with me" medyo loner kasi ako dun, hindi kasi ganun ka friendly ang mga estudyante sa school na pinasukan ko
"Sus nambola ka pa hahahah" natatawang saad ni dean
"Rain sabi nila daddy magtagalog ka daw, alam namin na American girl ka pero kailangan mo na magtagalog" paalala naman ni kuya sakin
He is Renz Dominic Jan my super protective and supportive brother, takot sa kanya ang barkada at sya ang leader ng boys pero minsan may pagka-isip bata. Dating badboy pero hindi na ngayon.
"Okay po kuya!" sabay inom ko ng juice
"Ayan english pa more hahahah" pang-aasar naman ni jacob sakin
He is Mark Jacob Rivero ang pasaway at joker ng barkada at ang palaging gutom, laging nasa isip ay pagkain pero under naman sa girlfriend.
Hays ang kulit talaga nila, eto ang namiss ko sa kanila.
"Ikaw mako naging good boy ka ba dito?" tanong ko kay arvin
"A-ako? Oo naman ako pa ba, di ba guys?" kabadong sagot ni arvin
"Kung alam mo lang rain kung gaano umiwas yan sa mga babae nung wala ka" pagku-kwento ni clark
He is Clark Jake De Castro ang mapang-asar at maloko sa barkada pero takot sa girlfriend na si sheng.
"Alam mo ba na naging suplado yan sa iba hahahaha" dugtong ni jacob sa kwento ni clark
"Talaga? Aw nakakatouch naman mako kaya love na love kita" sabay yakap ko kay arvin
"Love you too mako" niyakap nya din ako pabalik
"Hindi lang po kayo yung tao dito" pagpaparinig naman ni dean samin
"Aray! ang daming langgam sobrang sweet kasi" may kasama pang-action si bob
He is Bob Jariel Smith, my kuya's bestfriend, ang seryoso at matured sa barkada. And he is my second kuya.
"Hahahah mga baliw, namiss ko din po yang mga kalokohan nyo" natatawang saad ko
"Kalokohan natin ang sabihin mo hahahah" natatawang sabi naman ni lhean
She Cherilhean Bartolome, Lhean for short, ang warfreak sa barkada pero mabait naman sya at boyfriend nya si Jacob.
"Edi kalokohan po natin hahahahah" nakangiting sagot ko
At nagtawanan kaming lahat. Biglang nagring yung phone ni arvin.
"Guys, mako excuse lang sagutin ko lang ito" paalam ni arvin samin
"Sige po mako" sagot ko sabay tayu nya
"Guys saglit lang ha" sabay talikod arvin samin
"Mako san pun----" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil nakalayo na sya samin
"Bakit po lumayo yun?" nagtatakang tanong ko sa kanila
"Aba ewan namin ikaw ang girlfriend eh" sagot sakin ni dean
"Dati naman po kahit may tumatawag sa kanya hindi naman po sya lumalayo" nakakunot ang noo ko, noon kasi wala naman syang pakialam kung marinig ko ang pinag-uusapan nila ng kausap nya
"Ganyan din yan samin nung nakaraang buwan" kwento naman ni bob
"Tama! Bigla syang naging ganyan 3 months ago" dagdag ni clark sa kwento
Napakunot lalo yung noo ko dahil sa sinabi nila. May tinatago ba si arvin sakin o samin.
"Nakakapanibago po sya ngayon" nakatingin lang ako sa likuran ni arvin
"Baka may surprise sayo kaya ayaw iparinig yung pinag-uusapan nila" pagdadahilan naman ni sheng
"Surprise? Edi sana po alam ng mga boys" nakatingin pa rin ako kay arvin
"Surprise nga diba syempre kahit alam ng boys hindi pa rin sasabihin sayo" sagot ni lhean
"Eh kayo po alam nyo po ba?" tanong ko sa girls
"Hi-hindi" utal na sagot ni lhean
"See! Hindi nyo nga din po alam" sabay sandal ko sa upuan
"Pero Rain sa totoo lang nagbago bigla si Arvin" pag-amin ni jacob
"Talaga po? Paano?" nakaramdam ako ng kaba, anong klaseng pagbabago naman ang tinutukoy nya
"Kasi hindi na sya madalas magpakita samin at hindi na rin sya sumasama samin" paliwanag ni kuya, pagkakaalala ko hindi sya pwedeng mawala kahit saanman magpunta sila kuya
"Eto pa lagi kaming tinatanggihan pag niyayaya namin sya" dagdag naman ni clark, pero dati sya pa nga ang madalas na magyaya sa grupo
"Ganun po ba, eh bakit po kaya sya biglang nagkaganun?" tanong ko muli sa kanila
"Baka dahil dun sa nakita natin guys, simula kasi nun naging ganyan na sya satin" kwento ni lhean
"Anong pong nakita nyo? Bakit ano pong nangyari?" medyo kinakabahan na ako
"Kasi ganito yun Rain. Nakita namin si Arvin at Berna na...... na magkasama, umiiyak pa nga si Berna" pagku-kwento ni lhean
"At parang may pinag-uusapan sila tapos nagyakapan sila. Pero hindi namin narinig yung usapan nila" dagdag pa ni dean
"Baka may problema lang po si Berna nun at alam nyo naman po na magbestfriend sila" baka dinadamayan nya lang si berna nung araw na yun
"Mag bestfriend nga lang ba?" tanong ni kuya
"May problema nga lang ba?" tanong din ni ate joyce
She is Ma. Joyce Samson Flores ang girlfriend ni kuya, masungit sa iba at tagapagtanggol ko, parang totoong ate ko na rin sya.
"Anu pong ibig nyong sabihin?" pagtataka ko
"Rain may tatanong ako sayo" seryosong saad ni sheng
"Ano po yun?" nakakunot na ang noo ko
"Etong nakaraang buwan ba tumatawag ka kay Arvin?" tanong ni sheng sakin
"Hindi po, bakit may problema po ba?" naguguluhang tanong ko, hindi na kami nagkakausap nitong nakaraang buwan
"Wala naman, kasi ano" huminga ng malalim si sheng
"Kasi po ano?" may dapat ba akong malaman
"Kasi minsan naririnig ko sya may kausap sa phone, ang akala ko ikaw ang kausap nya" sagot ni sheng
"Ako rin, narinig ko isang beses na may kausap sya sa phone at nag I love you pa nga sya" kwento naman ni lhean
"Hindi ko naman po sya nakakausap nung nakaraang buwan, akala ko nga po busy kayo sa school" hindi kasi sila nagparamdam sakin nung nakaraang buwan
"Kung hindi ikaw kausap nya, edi sino?" pagtataka din ni dean
"H-hindi ko po alam. Ewan ko po sa inyo kayo po ang kasama nya at kayo din po ang tropa nya" kung ano ano na ang naiisip ko sa mga sinabi bila
"Wala din kaming alam kung sino ang kausap nya Rain" sagot ni jacob
"S-sa tingin nyo po ba na may i-iba sya?" wag naman sana
"Anong iba? Baka hindi iba ang sabihin mo baka yung past" seryosong saad ni bob
"S-sa tingin nyo po ba n-nag kabalikan po sila nung w-wala ako?" naiiyak na tanong ko sa kanila
"Baka, Siguro, Ewan. Hindi natin masasabi yan Rain, wala tayo parehparehas na ebidensya" sagot ni kuya at hinawakan kamay ko
Tama sya wala kami ebidensya at baka mali ang mga iniisip namin tungkol sa mga ikinikilos ni arvin.
"Anong pinag-uusapan nyo?" may biglang nagtanong sa likuran ko
.
.
.
Arvin POV
Habang nagkakatuwaan kami at nag-uusap ay biglang may tumawag sakin tinignan ko muna kung sino ang tumatawag.
Mommy❤ is calling .......
Naku patay bakit ngayon pa sya tumawag, nag-excuse muna ako sa kanila, tsaka ako tumayo agad at lumayo sa kanila, kaya naman hindi ko na narinig yung mga sinabi nila.
[ Hi! ] malambing na bati sa kabilang linya
"Bakit napatawag ka?" tanong ko
[ Hindi ka ba masaya dahil tumawag ako? ]
"Masaya naman ako mommy pero alam mo naman diba na nandito ako kila Rain ngayon" katwiran ko
[ Oo alam ko sorry na, namimiss na kasi kita. Hindi ka pa ba pupunta dito? ]
"Namimiss na rin naman kita. Maya maya pa kasi ako makakauwe"
[ Okay basta punta ka dito sa bahay ]
"Oo naman. Sige na punta na ulit ako sa kanila" paalam ko
[ Okay sige iintayin kita ]
"Sige mommy see you later"
Pinatay ko na agad yung tawag at bumalik agad ako sa kanila.
Nakita ko naman sila na nag-uusap at parang seryoso ang pinag-uusapan nila.
"Anong pinag-uusapan nyo?" tanong ko paglapit ko sa kanila
Habang paupo ako tinanong ko si rain.
"Mako ano pina----" hindi ko natuloy yung sasabihin ko dahil nakita ko si rain parang umiyak
"Mako umiyak ka ba?" tanong ko sa kanya at tinignan ko ang mukha nya
"Huh? Ako? No im not" sagot naman nya sabay tingin sa inumin nya
"Eh bakit medyo mapula mata mo at medyo may luha?" pag-aalala ko sa kanya
"A-ano, ano kasi n-napuwing ako nung humangin kanina diba guys" sagot nya sabay baling sa mga kaibigan namin
"Totoo ba?" tanong ko sa iba, parang hindi ko naman naramdaman na humangin kanina
"A-ano, oo na puwing sya kanina" sagot ni dean
"Ah ganun ba akala ko pinaiyak nyo na ang mako ko eh" inakbayan ko si rain
"Nako hindi namin kayang paiyakin yang si Rain baka ikaw" makahulugang saad ni renz
"Renz!/kuya!" sabay sabay nilang saad
"Oh bakit?" seryosong tanong naman ni renz sa kanila
"Anong ako? Bakit ako?" nakaramdam ako ng kaba, sa sinabi nya
"Ang ibig s-sabihin ni kuya ano k-kaya mo akong paiyakin dahil sa mga surprise mo" pagsingit ni rain
"Oo ganun na nga ibig kong sabihin" pero seryoso pa rin si renz
"Aaah ganun ba a-akala ko naman kung ano" nakahinga na ako ng maayos
"Akala mo ano?" seryosong tanong ni renz
"W-wala, wala yun" kabadong sagot ko
"Guys tama na nga yan baka saan pa mapunta yan" pag-awat ni joyce sa amin
"Ganito na lang po dahil nakauwe na po ako at summer naman, magbakasyon po kaya tayo" suggestion ni rain
"Magandang idea yan Rain" pagsang-ayon ni dean sa kanya
"So guys ano plano natin?" tanong ni joyce sa lahat
"Saan naman tayo magbabakasyon?" tanong ko naman sa kanila
"Let's go to baguio po, what do you think?" masayang saad ni rain
"Ay gusto ko yang plano mo sis" pagsang-ayon ni sheng sa kanya
"Sige sa baguio na lang tayo ngayong bakasyon" pagpayag ni renz sa plano ng kapatid nya
"Ilang araw naman tayo dun?" tanong naman ni dean
"1 week mas maganda" masayang sagot ni clark
"Sounds good. Sige Go ako dyan!" masayang pagpayag ni lhean
"So lahat ba sasama?" tanong ni rain samin at tumingin pa samin lahat
"Oo naman diba guys G tayong lahat" sagot ni renz
"Game!" sigaw nila sabay sabay
"Wait kelan ang alis natin?" tanong naman ni bob
"I think monday next week" sagot ni rain
"Anong oras naman sa lunes?" tanong ni dean
"Maganda siguro kung maaga, mga 3am para sulit" sagot ni jacob
"Grabe naman ang aga po, tulog pa ako nyan hahahah. Saan naman po tayo magkikita kita?" tanong ulit ni rain
"Nagtanong ka pa kung saan malamang dito sa bahay natin" natatawang sagot ni renz sa kapatid
"Sabi ko nga po dito. Bakit kasi nagtanong pa ako hahahah" natatawang saad din ni rain
Nagtawanan sila kaya nakitawa din ako.
"Alam mo naman sa bahay nyo lagi ang waiting area natin hahahaha" natatawang saad ni sheng
"Sino sino pala ang bibili ng mga pagkain na dadalhin natin?" tanong ko sa kanila
"Kami na lang ng mga girls. Right girls?" sagot ni rain sakin
"Yes!/Yeah!/Tama!" sabay sabay na sagot ng girls
"Sa linggo po kami mamimili" excited na saad ni rain
"Sakto after natin magsimba deretso na tayo sa grocery" nakangiting sabi naman ni joyce
"Sige sige maganda yan" pagsang-ayon ni lhean
"S-sigurado ba kayo mako?" may lakad kasi ako nun
"Yes mako. Don't worry we can handle it" nakangiting sagot ni rain
"Ok po sabi mo eh" tapos nginitian ko na lang sya
"Sa wakas after 1year mag babakasyon tayo ng kumpleto" hindi makapaniwalang saad ni sheng
"Hahahah namiss ko din po magbakasyon kasama kayo" nakangiting saad ni rain
"Kami rin namiss namin, So see you baguio in monday!" masayang saad ni lhean
"By wag masyadong excited" biro ni jacob sa girlfriend nya
"Sorry na By, na eexcite lang ako kasi makakasama na ulit natin si Rain" nakangiting saad ni lhean
"Hayaan mo na po sya ma-excite Jacob hahahah" sagot naman ni rain
Tapos na naman sila este kami magplano at mag usap usap, magpapaalam na ako sa kanila.
"Oh pano tapos na tayo magplano pwede na tayo mag-uwian?" tanong ko sa kanila may pupuntahan pa kasi ako
"Atat lang umuwi Arvin" tanong ni bob
"May lakad ka ba mako?" tanong ni rain
"May inuutos kasi sakin si mommy kaya kailangan ko na umuwi" sagot ko sa kanya
"Ah ganun ba sige. Mag-iingat ka mako, ikamusta mo na lang ako kay tita" nakangiting sagot ni rain
"Opo mag-iingat po, Sige sabihin ko kay mommy, So pano guys una na ako" paalam ko
"Sige bro ingat, maya maya uwi na rin kami" paalam ni clark
"Kami rin mamaya uuwi na rin. Ingat na lang bro" paalam ni bob
"Sige salamat. Mako una na ako goodbye love you" sabay tayu ko
"I love you too. Bye!" malambing na sabi ni rain
Pagkasabi ni rain nun umalis na ako dahil may pupuntahan pa ako.
.
.
Rain POV
Pagkasabi ko ng i love you nagmadali agad syang umalis na hindi man lang ako hinahalikan sa noo. Kaya natulala ako kung saang direksyon sya pumunta.
"Uy Rain natulala ka na dyan" pagtawag sakin ni dean na may kasama pang tapik sa balikat ko
"Sorry naninibago lang po kasi talaga ako kay Arvin" paumanhin ko sa kanila
"Bakit naman?" tanong ni dean
"Kasi po hindi man lang nya ako hinalikan sa noo, na lagi naman po nyang ginagawa dati pag uuwi na sya at magkikita kami" paliwanag ko sa kanila, yun na kasi ang nakasanayan ko
"Oo nga noh" pagsang-ayon ni dean
"Lagi syang ganyan pagkasama nya kami, nagmamadaling umalis" kwento naman ni kuya
"Haaays!.... Ang dami na po talaga nag bago dito pati po si Arvin nagbago" napabuntong hininga na lang ako
"Pero kami hindi nagbago, sya lang" sabay ngiti ni lhean
"Hahahah yaan na nga lang po natin sya" ano na kaya nangyayari kay arvin
Hindi ko na muna inisip yung tungkol kay arvin, nag usap usap na lang kami magkakaibigan hanggang medyo dumilim na.
"Oh pano Rain uwi na kami medyo mag gagabi na" paalam ni bob
"Oo nga siguro chat chat na lang okaya text text" tumayo na si clark
"Oh sige ingat po kayo sa pag-uwi ah. See you in monday guys" paalam ko sa kanila
"Okay see you Rain" paalam ni ate joyce
Hinatid namin sila hanggang gate namin at sumakay na sila sa mga sasakyan nila.
"Boys ingatan nyo po ang girls ha, ingat din po sa pag dadrive. Babay po!" paalala ko sa boys
"Opo boss hahahah. Bye!" natatawang paalam ni clark
"Boss ka dyan hahahah" natatawang saad ko naman
"Bye Rain. Alis na kami" paalam na rin ni lhean
"Kami rin, bye Rain, bye guys" paalam din ni dean
"Ingat kayo. Bunso hatid ko lang muna si myloves" paalam ni kuya
"Sige po kuya, mag-ingat po kayo, Ate bye po!" niyakap ko na si ate joyce
"Bye bunso!" paalam ni ate joyce
Pagkaalis nila pumasok na agad ako sa bahay at umakyat na sa kwarto ko.
Ano kaya nangyari kay arvin? Ang laki ng pinagbago nya may hindi ba ako nalalaman tungkol sa kanya? May tinatago ba sya? Hays dami pumapasok sa utak ko makatulog na nga lang.
*****************
End of Chapter 1: Ang Simula!
Ano nga ba ang nangyare kay arvin nung wala si rain sa tabi nya. Tama kaya ang mga hinala nila?
Abangan!
Please comment if its okay or not.
.
.
.
Sana magustuhan nyo po kahit papaano.
.
.
.
Thank you for reading and viewing!