"MELLAAAA" sabik na tawag ni kuya na si Carl. Minsan ko lang rin ito makita dahil talagang may sarili na itong buhay. Hindi pa man ako nakakarating ng sala ay kusa na itong lumapit at yumakap.
"Miss you kapatid kong maarte" bulong nito na sinabayan ng tawa.
"Kuya nga, bait-bait ko eh" nakangiti kong pag-sagot.
"Kamusta na? Di ka pa ba kasal? Aba, sumunod ka na sa aken para sumaya kànà"
Yan na naman sa topic na yan. Bakit ba atat silang magka-pamilya ako, nakuuu talaga.
"Kuya masaya na nga ako" lukot na mukha ang pinakita ko tsaka ngumiti ng pagka laki laki pagkuwa'y ibinaling ang atensyon sa asawa't anak ni kuya.
Masaya ang muling pagsasama sama ng buong pamilya. Hindi man maganda ang dahilan kung bakit kami nauwi sa tunay na tahanan, makikita naman ang sigla at ngiti sa aming magulang.
Lahat kami ay nasa sofa at nagtatawanan tungkol sa pagkabata naming magkakapatid habang ang asawa ni Kuya Carl ay nasa kwarto upang patulugin ang kanilang anak.
Maya-maya lang ay tumunog ang Cellphone ni kuya kaya't nag-sign ito na lalabas muna sa aming maliit na hardin. Natigil na rin ang masiglang kwentuhan nang magyaya nang umakyat ang tatay.
Ako naman ay dumiretso ng kusina upang magtimpla ng gatas. 'Alas dose na rin pala,' napasarap ang usapan ng Pamilya Ildefonso ah. Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pintuan, bunga na tapos na ang pag-uusap ng kuya at kung sino man ang nasa kabilang linya.
Nginitian ko ito nang lumakad ito sa direksyon ko. Umupo ito kaya inalukan ko ngunit Milo ang pinatimpla, natawa kaming dalawa nang maalalang mula pagkabata ay ganoon na ang gawain namin.
"Nga pala, gaano ka katagal dito Mella? You're looking good. Wala ba talaga--" pangangantyaw ni Kuya kasabay ng pag-ngisi nito sa akin.
"Wala nga kuya" kunwaring pagdadabog ko paupo sa tabi niya.
"Isa pa, ayaw ko pang magka-anak. Dami ko pang di napupuntahan" natatawang saad ko sakanya.
Tinuktukan naman niya ako bago mag-salita. "Gaga, di porket magjojowa o mag-aasawa, mag-aanak agad noh. Kaya nga may family plan. Ang sabihin mo, wala ka pa ring matipuhan dahil iisang lalaki lang talaga ang pangarap mo" tatawa-tawa niyang pag-didiin sa salitang pangarap.
Napa-irap ako, na-lack of words ata ako sa sinabi niya. Anong isasagot ko, baka ang masabi pa ng kapatid ko ay defensive ako.
Lukot ang mukha na inubos ang gatas tsaka ko hinugasan ang tasa pero hindi pa man ako nakaka-alis ng kusina ay napatingin ako kay kuya na mataman akong tinitignan. Tinaasan ko ito ng kilay tsaka nameywang, nagtititigan lang kami nang tumawa ng mahina si kuya.
"Iba pa ren pag may tama, aguuuuy. Heart beats fast?" bumitaw na ito sa titigan naming dalawa at tumayo dala ang basong nasa kalahati pa ang may milo. Pakanta-kanta pa ito habang paakyat ng hagdanan.
Napahilot na lang ako ng sentido, wala na nga akong sinabi pero may napuna pa rin at nakuha pang mang asar. Sumunod na akong umakyat papunta sa sariling kwarto, nakakapagod ang araw nato para sa aming lahat lalo na ata sa akin.
KINABUKASAN, Tila may piyesta sa loob ng bahay sa dami ng nilulutong putahe ng kanilang Ina. Maaga rin kaming gumising para tumulong.
Sa agahan pa lamang ay nabusog na agad kami sa pandesal, ham, tinapa, itlog at sinangag. Sa tanghalian naman ay tapos nang naluto ang kaldereta at sabay naman nang pinapakulo ang Nilaga at Sinigang.
Ako at si Kim ang nag-ayos at naghain sa hapag-kainan. Nang tapos na ang lahat ay kanya-kanyang upo na kami.
Magdadasal na sana ang bunso nang mapatingin kami kay kuya dahil sa cellphone nito na nag-riring na naman. "Excuse me po saglit, sorry po" Mabilis nitong kinuha sa suot na pants tsaka lumabas ng bahay.
Nais namin na sabay-sabay kumain katulad ng nakagawian kaya nagkwentuhan muna kami, pagkaraan ng ilang minuto ay nakabalik din si kuya sa hapag.
Nakita kong napatingin sa akin ang lahat nang bigla akong tumayo sa kinauupuan at bakas ang gulat sa mga mata.
Hindi lamang kasi si kuya ang bumalik, may kasama ito. "Oh kapatid kalma" ani niya na may ngisi sa labi.
"Christian? Ikaw na ba yan iho?" Gulat ding tanong ng Nanay. "Magandang tanghali po Tita at Tito. Sorry for the interruption", nakangiting tugon nito.
Dahil matanda na ang tatay, hindi nito agad nakilala ang dati'y batang malapit din sakanilang mag-asawa. " Sino ba yan ha? Aba hindi tayo dapat nagpapapasok ng kung sinu-sino dito" ma-awtoridad na tonong sambit nito.
"Ano ka ba Padying, si Christian yan. Yung laging kasama ni Mella noon dito maglaro", pagpapaintindi ng Nanay. Bumaling ito kay Christian na nananatiling nakatayo sakanilang harapan. " Naku iho napaka-gwapo mo talaga, buti at pumasyal ka dito" nakangiting saad ng Nanay.
"Salamat po Tita, nalaman ko po kasing umuwi si Mella kaya nagpunta agad ako dito" nasa akin ang tingin ni Christian nang sumagot.
"Ang maganda pa ay sumabay kana sa amin. Marami akong niluto iho, tara dito umupo ka" pag-anyaya ng Nanay.
Tumango naman ito at umupo sa tabi ng nakatulalang si Mella. Mahinang hinila ng bunso ang kapatid para mabalik sa katinuan. Walang nagawa si Mella kundi tahimik na umupo habang palihim na inirapan ang bagong dating na katabi.
Since pa-rectangle ang mesa, sa magkabilang dulo ang Tatay at Kuya. Sa left side mula sa tabi ni Kuya ay ang anak, asawa at ang Nanay habang sa right side ay si Christian, ako at ang bunso na katabi ng Tatay.
Matapos mag dasal ay nag-umpisa na silang kumain ngunit ako lang ang tila busog sakanilang lahat dahil hindi ako gaano sumusubo ng pagkain na nakalagay sa plato.
Tahimik lang din naman ang katabi ko, pasulyap sulyap ito sa akin hindi alintana ang mga kaharap. Ang Tatay at si Kim ay nag-uusap patungkol sa pag-aaral nito ng kolehiyo sa Maynila na tinututulan naman ng Nanay habang si kuya at ang asawang si Louise ay pinapakain ang anak.
Tanging si ako at si Christian lamang walang imik. Hindi ko na kaya ang awkward na nabubuo sa pagitan naming dalawa kaya binilisan ko nang ubusin ang pagkain.
Magsa-salita na sana ako na tapos na akong kumain at babalik na sa kwarto nang may malambot na bagay ang dumikit sa kamay ko. Panandalian akong natigilan at pagkuwa'y tinignan kung ano ito. Napa-irap ako ng palihim tsaka tinabig ang kamay ni Christian.
Dali-dali akong tumayo dala ang pinagkainan. "I'm done po, punta nako sa kwarto after ko hugasan to" pàgtukoy sa mga hawak-hawak. Mabilis ang mga kilos ko kaya't wala nang nakapag-salita pa sakanila.
Nakita ko pa na sinulyapan ni kuya si Christian at nagkatinginan silang dalawa, tila senyales iyon na parehas sila ng iniisip.
HABANG isinasalansan ko ang mga inuwing damit sa Cabinet ay narinig ko ang mahinang katok sa pintuan. Tumingin ako rito at nakita ko ang Nanay, hindi pa man nako natatanong kung ano ang kailangan nito pumasok na ito agad.
Napatingin ako sa likuran nuya . "Nay? Anong meron po?" Lipat-lipat ang tingin ko sa dalawa. Ngumiti naman ang Nanay na tila nakuha ang gustong mangyari. Napapikit ako, "Naaaay" sa warning tone ng aking boses.
Nawala ang ngiti nito at agad na napalitan ng nagmamaka-awang expression. "Ehh nak, wala ding matutuluyan si Christian tapos wala ng bakanteng kwarto. Since malaki naman ang kwarto mo, share nalang kayo anee? Magkaibigan naman kayo diba."
"Noon yon Nay, tsaka diba? Bawal magsama ang f at m" nakakunot-noong maktol ko.
"Ano ka ba nak, ayos lang sa amin ng Tatay mo. Mabait naman tong poging to" kumapit pa ito sa braso ng binata.
Magrereklamo pa sana ako nang minata na siya ng Nanay niya. Lumingon ito kay Christian, "Iho enjoy your stay ha? Si Mella kausapin mo pag may kailangan ka ha?" Akma na itong tatalikod sa amin nang lumingon ulit ito kay Christian at bumulong, "tatlo gusto namin ng Tito mo ha?" bulong na narinig ko din naman. Tumawa pa ito na parang dwende tsaka tumakbo palabas ng pintuan nang akmang magsasalita ako.
Ngayon kamig dalawa na lang at hindi ko alam ang gagawin.
Kumilos si Christian palakad sa nakabukas na pintuan at dahan-dahan itong sinara.
"s**t" bulong niya sa sarili.
♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥
That's it for now guys, sorry for the typos. Keep loving each other?