THIRD POV
UMUWI ng Mansion si Clyde na may ngisi sa labi. Sitting near her is an unexplainable feeling. He waited for this to come, na siya naman ang manunuyo at magiging parte ng buhay ni Mela
"Cute" nang maalala niya ang itsura nito habang nanonood ng movie. Iba-ibang expression at humaling na humaling siya roon.
Dumiretso siya sa kwarto para maligo at magpalit ng pantulog. Habang nagtutuyo ng buhok, kinuha niya ang isang frame na nasa night stand katabi ng kama niya. Sa likod non ay mày pinindot siyang maliit na bilog, kasabay non ay ang pagbukas ng isang pinto sa harapan niya.
Pagpasok pa lamang niya sa pintuan ay isa-isa ng nagbukas ang mga ilaw, nakaa-automatic kasi ito kapag naread na ng sensor ang mukha niya.
Isang maikli at diretsong hallway ang dadaanan bago makarating sa dulo na parang kwarto ngunit ang kaibahan nito, maraming mga baril na naka-display.
Ilan na rito ang mga shotgun, MP5, Sniper, Bizon, kahit nga grenade launcher at box ng mga granada.
Hindi doon ang diretso ni Clyde, kundi sa isang corner na punung-puno ng mga pictures ni Mela, simula nang nagkakilala sila hanggang sa present.
Lahat stolen simula nung lumipat si Mella ng school at hindi na sila naging magkaklase pa.
While looking at her pictures, it triggers him to get Mela as fast as he could.
'I can't wait to take you home, baby'
MELLA
TUESDAY to friday, clinic- condo, clinic condo lang ang lugar ko. Ginawa ko na rin ang mga dapat gawin.
Ngayong byernes ang uwi ko at half day nàlang ako sa Clinic. 3 pm kasi ang uwi ko sa probinsya, 4 hours din ang byahe pero okay lang dahil mas maganda umuwi don pag gabi na.
Namili pa muna ako ng ilang pasalubong para sa bunsong kapatid. Nakapag-impake naman na ako, nag-bobrowse nalang ako sa twitter habang inaantay mag-alas tres.
There are poems, mga hugot at mga rants ng kung sinu-sino. Sagutan ng mga artistang nag-aaway online. But someone caught my attention. It's a girl posting a pic with a caption 'Guysss si Mr. C nakita koooo'
Tinignan ko ang picture pero nakatalikod ito na may suot na americana. Matangkad at halatang may katawan na maipagmamalaki. Mukhang may fans ang business man na iyon. Nakaka- curious nga naman kase.
3:30 pm na pala at di ko namalayan dahil nagbasa basa pa ako ng mga comments about sa picture at madaming umagaw ng atensyon na yon.
Nagmadali na lang ako sa pagbubuhat ng isang malaking bag pack. Yun ang gamit ko pag umuuwi, nàkasanayan ko na rin kasi at mas komportable ako don.
Naglalakad na ako sa parking ng mapatingin ako sa elevator na pinanggalingan ko. Hindi ko alam kung bakit pero para kasing may naka-masid.
Ipinagsawalang bahala ko na lang iyon dahil wala namang tao at walang sumakay ng elevator.
Tahimik naman ang byahe ko hanggang sa makarating ng bahay namin sa probinsya ng Pampanga. Nung una ay traffic dahil uwian ng mga trabahador at estudyante pero kalaunan ay naging payapa na ang daan.
Pagpatay ng makina ng sasakyan, natanaw ko na ang bunsong tumatakbo palapit, btw 17 years old na ito at maraming chix ang naghahabol sakanya. Kaya nga minsan ay tumatawag si Nanay at sinasabing maraming pumupunta sakanilang mga babae para hingiin ang kamay ni Bunso.
Yung iba nga raw ay nagdadala pa ng pagkain, at ang karamihan ay umiiyak dahil di daw pinapansin. Si Kim ay matangkad na malaman, kumbaga muscles na nakuha kaka-basketball at maputi rin kagaya niya. Kaya hindi na rin siya magtataka kung bàkit nga gustung-gusto siya ng mga kababaihan rito.
'Eh kung dalhin ko kaya siya Quezon, tapos di kona pauwiin rito?' Natawa ako sa naisip, panigurado iyakan sila.
"Ate! Buti nakauwi ka" niyakap agad ako ni Bunso at kinuha ang dala kong bag.
"Apaka sweet talaga ng kapatid ko kaya maraming nahahalina sayo eh"
"Ano ka ba ate, sa kagwapuhan ko lang sila naakit" sinabayan niya pa ito ng malakas na tawa. Nakisabay na rin ako dahil sa kahanginang taglay nito.
Pagpasok sa bungalow naminh bahay ay nakita ko agad na naka-upo sa sofa ang magulang namin.
Nakangiti naman akong lumapit para humalik sa pisngi ng Nanay at saka nagmano sa Ama.
"Anak, buti at umuwi ka agad. Tagal ka ng hinihintay ng tatay mo, bakit kase mas gusto mo roon?" Paulit-ulit na tanong yon ni Nanay.
Sa syudad kase, mas malaki ang kita kesa dito sa probinsya. Wala namang magpapagamot sa akin dito. Baka maging albularyo lang pag dito ako nag-stay.
"Nay, mas maganda nga doon, tignan mo nga ang laki ng napapadala ko".
" Hayaan mo na Sol, mas maayos ang pamumuhay niya roon. At ikaw na bàta ka, pinayagan kitang lumayo sa amin pero uwian mo naman kami rito ng madalas" pang-sesermon sa akin ng ama na akala ko pa naman ay kakampihan ako.
"Opo na po Tay, kamusta na po ba kayo?"
"Mabuti na dahil nauwi ka na. Wala ka bang kasama?"
Paktay tayo dyan, last year yan din ang tanong ng Ama sa akin. He's pertaining for a Husband and children.
"Ay nako Tay ayoko pa nga ng ganyan. Sarap kaya maging single. Wala pang problema" pagdadahilan ko na lamang dahil bukod sa totoo ang mga sinabi ko ay wala akong oras. Ang oras ko ay nasa pagpapalago ng Clinic.
"Anak naman, malapit nako maglakad sa hagdanan. Ako pa ba mag-aadjust sayo ha."
"Tay naman eh! Matagal ka pa dito kaya wag mo muna isipin yan. Tsaka masaya ako Tay kahit walang ganyan kaya mabuti pa magpahinga kana at wag makulit ha?"
Walang nagawa ang Ama kundi manahimik nang siya naman ang sermunan ko dahil pasaway sa pag-inom ng gamot.
Mahaba-habang kwentuhan pa bago ako nakapasok sa dati kong kwarto. Wala namang dumi o alikabok akong nadatnan dahil nililinis daw iyon ng Nanay.
Maliit lang naman ang kwarto ko. Dalawang kutson na magkapatong ang nasa kwarto ko na nakatabi sa pader. Ayaw ko yung mga nasa horror movie na parang papag na meron space sa ilalim. Matatakutin pa din naman ako kahit papano.
Sa may paanan ng higaan ang cabinet na may malaking salamin. Sa kabilang corner ang rectangle na bintana kung saan nakaharap sa bukirin na kami ang may ari.
Wala naman akong arte dahil mahirap kami dati. Namiss ki nga itong kwarto na to, nakita ko pa ang mga pictures na naka-ipit sa parteng taas ng salamin. Mga lumang litrato nung high school ako.
Nasa ibabaw ng cabinet yung dalawang box na punung-puno ng memories way back grade 9 and 10. Pagkakita ko roon ay agad kong kinuha at binuksan.
Unang bumungad sa akin na litrato ay ang class picture namin noong Grade 10. Unforgettable itong year nato kase ginawa namin lahat para makapag-bonding at sinulit ang taon para makagawa ng maraming memories.
Lahat ng class picture ko ng high school ay naroon sa isang box kasama ng mga album na nag-fieldtrip kami at mga keychains na na-collect ko.
Hanggang ngayon naman ay nangongolekta pa rin ako ng mga keychains dahil isa sa mga hobby ko yon. Every new places na mapuntahan ko, naghahanap ako ng keychain as a remembrance. Okay na ngang walang damit na mabili basta keychain lang masaya na ako.
Binuksan ko rin ang isa pang box. Isang lumang camera ang agad na pumukaw ng atensyon ko. Naalala ko to, it has been used to capture every moments with him.
Stolen man o hindi, andito sa camerang to. Never ko pina-develop ang mga pictures hanggang sa nasira na. Sayang pero wala na din naman dahilan para panghinayangan.
Marami pa akong nakita, mga letters from my Bestfriends na binibigay sa akin tuwing birthday ko. That's our best way to give gifts when one of us is having birthday. Kase naniniwala kami na mas mahalaga ang mga letrang isinulat dahil mababasa pa yon pagdating ng araw.
Sa pinaka-dulo ng mga letters, may nakalagay na maliit na envelop. Di ko na maalala to kaya kinuha at binuksan upang basahin.
Bubuksan ko na sana nang may biglang kumatok.
"Ate! Kakain na daw sabi ni Nanay". Tawag ni bunso.
" Oo sige susunod ako"
Binuksan na ni Kim ang pintuan para makalapit sa akin. Excited itong lumapit.
"Dumating din si kuya, ate. Kasama niya yung mag-ina niya kaya tara na" pag-aya nito. Matagal ko na ring di nakikita ang kuya dahil nangibang bansa ito kaya nagulat ako sa nalaman.
Wala na akong ginawa kundi umoo sa bunso. Ibinalik ko lahat sa kahon ang mga litrato at gamit at sabay na kaming lumabas.