3 WEEKS after the incident, hindi na nagparamdam muli si Clyde sa labas ng Unit ko. Wala namang kaso doon, mas bumuti nga na walang nangugulo.
Ang kaso ay ang utak ako, hindi mawala wala sa isip ang pagkikita namin after how many years. Yung last na kita namin hindi maganda and that was when we are in Grade 10 tapos ngayon parang wala lang na humarap sa akin.
Biglang bumalik ang lahat.
'Duuh bata pa kayo non'
'Oo nga pero naman kasiii, bakit ba kase siya bumalik sa buhay ko. Laki ng Pilipinas, pwede namang sa Cebu nalang siya, o kaya Palawan buset talaga'
'Tanga ka ba, sa tingin mo bakit ka niya ginugulo ngayon? Edi syempre may kailangan sayo'
Napa-iling ako ng bumalik sa katinuan, nag-uusap na naman ang dalawang boses na nasa utak ko. Pero anong kailangan nun? Shet, mababaliw na ata ako.
Marami akong dapat gawin sa Clinic pero walang katuturan pa ang inaatupag ko. Mabilis na akong nag-ayos at umalis ng unit para sa trabaho.
Pagbaba palang ng bag sa opisina ay problema agad ang balita na nakarating sa akin. Tumawag kasi ang Nanay at pinapauwi ako sa probinsya dahil lumalala na ang sakit ng tatay.
Napahilot na lamang ako ng sentido, puro bisyo ang inatupag ng Ama nung kami ay mga bata pa kaya ano pa bang kakalabasan, kundi ang sangkatutak na sakit.
Lunes ngayon pero nawala ako agad sa mood, sa biyernes ay kailangan ko agad makauwi. Sabagay, kahit kase rehiyon lang ang layo namin sa isa't-isa, hindi naman ako umuuwi at tuwing pasko lang talaga. Mas sanay din kasi akong mag-isa.
After meeting 3 clients for a day, nag-uwian na ang mga kasamahan ko. Naka-upo lang ako sa swivel chair at nag-iisip ng makakain ngayong dinner.
'Better watching Horror Movies while eating' hilig ko yon. Naisipan kong mag-burger at pizza nalang para di na magluto. Inayos ko na ang mga gamit ko at dumiretso sa mga stalls ng burger at pizza malapit sa Clinic.
May nakita rin akong nagtitinda ng mga salad kaya bumili na rin ako.
While on my way home, my phone beeped. Just a number texting me, I opened it and suddenly raised my left brow.
"Ano to, trip?"
From: 0956212****
See you soon.
"Wala akong matandaan nà kikitain, baka wrong number" oo tama baka nga. Ang mga tao talaga ngayon kapag walang magawa, puro pantitrip ang naiisip
Maya-mayang konti ay nag-vibrate ulit ang phone ko.
Bigla akong napahinto sa gitna ng daan at natulala.
From: 0956212****
Eyes on the road baby.
'What the f**k?' Trip pa ba ang text sa akin. Eh alam nito na nasa daan ako. Dali-dali kong pinaandar muli ang makina at mabilis na pinaharurot pauwi.
Pagbaba ko bitbit ang mga binili ay halos patakbo kong tinungo ang elavator at ilang pindot pa bago ito sumara.
Nakahinga ako ng maluwag nang bumukas ang pinto ng elevator sa floor niya.
'Thank you Lord' piping dasal ko at bahagyang pagkalma.
Tinanaw ko na ang unit pero iba ang nakita ko..
"s**t, siya na naman?" Pabulong ko sa sarili.
Bigla itong lumingon sa akin at bigla din akong nanigas sa kinatatayuan. Nang màg-umpisa na itong maglakad palapit sa akin.
'Compose mo sarili mo tangaaaa'
'Tagal na yoooon, be brave'
Unti-unti kong kinalma ang sarili at naglakad palapit sa unit ko.
Lalagpasan ko na sana ito ngunit hinawakan ko sa braso at hinila pabalik sa harapan niya.
"A-aray, ano ba? Tsaka bakit ka na naman nandito?" Hinila niya pabalik ang braso ko at hinimas-hinimas ng bahagya dahil medyo namula ito.
Wala siyang narinig dito kaya't tinaas ko ang mga paningin sa lalaki but oh no, wrong move.
"H-hoy fc ka ha, marami ng bago dito. We're not friends anymore" sabi ko dito at tsaka inilayo ang tingin kay Clyde.
Hindi pa ren ito nag-salita pero tumalikod naman ito sa akin tsaka naunang naglakad. Ang ikinagulat ko ay nabuksan niya ang pinto ng unit ko.
Hinabol ko ito na dumiretso sa sofa at naupo, humarap siya sakin.
"Oy oy oy Clyde Surban ha! Pano mo ginawa yon? Bakit mo nabuksan? Magnanakaw kana?! Goodness gracious!"
Nakapikit lang ito habang nakikinig sa mga sermon ko.
Napagod din ako magsalita kaya tinitigan ko nalang ito. 'Dami ngang nagbago hays'
Mas guwapo, mas nadepina ang hugis ng mukha. Mas umamo ang mukha kahit na may balbas na ito. 'Parang ginawa ang kilay niya sheyyyttt... Bat ang perpekto ng labi niya sheyyyyyt again'
"Hungry" bulong ni Clyde na halata namang pinarinig sa akin.
Tumaas ang kilay ko at tinitigan siya mula ulo hanggang paa, mukha namang mayaman to ah. Bakit dito naghahanap ng pagkain.
"Gutom ka? Ode kumain ka don sainyo, sa sarili mong bahay. Umalis kana, gusto ko ng magpahinga Clyde. Shoooopi na" sabay hila sa kaliwang braso para patayuin pero para akong naghihila ng bato.
Binitawan ko ito at napapikit nalang, bumuntong hininga nalang ako at nagpasya sa matinong paraan.
Dinala ko ang mga pagkain sa kusina at kumuha ng dalawang plato at bowl para sa salad. Nag-gawa na rin ako ng Apple iced tea at dinala ito lahat pabalik sa sala.
Nilapag ko lang ito tsaka umupo sa kabilang sofa.
"Ayan na lamon na para maka-alis ka na" alok ko rito.
Nag-salang na rin ako ng Movie na Jeepers Creepers II ang title. Horror yon kaya medyo naexcite ako.
Pagbalik ko sa kinauupuan ay nag-umpisa na kumain, not minding the other human sitting on the other couch.
Makalipas ang dalawang oras at tapos na ang palabas, nakalimutan ko na ring may kasama ako kaya nang maalala ko ito ay agad koitong nilingon.
And there... Staring at me again. Napatigil ako sa pagtitig nito. 'Ano bang kailangan nito'
Bigla itong tumayo at unti-unting lumapit sa akin na hindi tinatanggal ang pagkakatitig nito. Natulala lang ako sa mga magaganda nitong mata.
Napabalikwas ako ng maramdaman ang humahaplos na kamay sa pisngi ko. Tila hindi na ako makahinga sa sobrang lapit nito sa mukha ko.
"Mi amore, I'll go now. Thanks for the food, sleep now and rest. I'm watching you, always" yun lang at binigyan ako ng malamyos na hàlik sa noo tsaka tumayo ng tuwid. Sa huling tingin nito sa akin, tinalikuran na ako at lumakad pàlabas ng aking unit.
Nang madinig ko ang pagsara ng pintuan ay saka pa lamang ako nakagalaw ulit
'Anu daw?'
'Always watching?'