Prologue

2178 Words
'It's just an infatuation on your side Mella, wag mo ganong pansinin, grade 10 palang naman tayo' 'Itigil mo na yan, hangga't maaga pa' 'Marami pang iba jan, bakit ba kase ako pa' 'Friends tayo' Naalimpungatan si Mella sa mahimbing na pagkakatulog, Mella short for Melchora Ildefonso, oldies masyado ang magulang kaya heto, maka-luma tuloy ang pangalan. Tinignan na lamang nito ang orasan nang mapansin maliwanag na sa labas. It's already 7:30 in the morning, pero tila wala pa ata itong balak tumayo at mag-ayos ng sarili. Bumalik na naman sa kanyang ala-ala ang tinulungang Dalaga kahapon. Not totally A help, but advices, yun kasi ang trabaho niya. She's like a Councilor for everyone. And the Lady she's talking about was looking hell yesterday nang puntahan siya nito. Hindi ito umiiyak pero sabog naman ang itsura dahil halatang puyat at hindi na nakuhang mag-ayos ng sarili ng pumunta sakanyang opisina. Iniwan kase raw ito ng jowa niya dahil sa isa pang baabe matagal ng pinag-aawayan nila, pero mahal daw siya ng lalaki. Na-hospital ang karibal nito at kailangan ang jowa niya, naawa ang jowa niya, malala daw kase ang sakit. But hell with her, kahit siya ay napa-kunot ang noo. Is that a valid reason to leave this Lady? Iniwan niya dahil sa awa sa isa? Nagpatuloy ang dalaga sa pag-kekwento. Nang matapos ito, litong-lito sa gagawin. "You know, in your case, nalilito lang si Jowa mo. Nasabi mo, nagkaroon sila ng past bago ikaw, it still haunts him lalo na ayaw niya ring tigilan ang boyfriend mo. He said he loves you, it means he will be back" "Aasa paba ako?" Anang dalaga "Well, it's up to you. Because he said that 3 magic words, sasabihin niya ba yon kung di siya babalik sayo? May karapatan kang umasa dahil sinabi niya yun at kasalanan niya pag nasaktan ka dahil sa umasa ka. Maybe give him space for a while. Hindi naman niya binalikan yung babae eh, pinalipas lang ang sakit nito. Hayaan mo muna siya, we don't know, baka pati siya nasasaktan rin sa ginagawa niya. Men do things like this because of valid reasons we don't even know, because they don't let us know it. Kaya kung ano man ang ginagawa niya, just pray for him na matapos niya na para makabalik na siya sayo" after that, She gave an reassuring smile. "Okay, hihintayin ko siya, salamat Ms. Ildefonso" anito at umalis na. Ganon lang na natapos ang araw niya Sanay na siya na karamihan ng nagpupunta sakanya ay puro pag-ibig ang problema, sa panahon kase ngayon, puro ganun na ang nasa isip ng mga tao, lalo na ng mga kabataan. Minsan ay may mga nagpupunta dahil sa pamilya at kaibigan She always thank God na hindi niya nararanasan ang mga yon dahil halos lahat nasa kanya na. May mga kaibigan siyang maaasahan kahit mga sira-ulo at may pamilya siyang nagpapasaya sakanya. 'kulang pa' anang bahagi ng isang part sa utak niya. Boyfriend? Jowa? Makakasama sa buhay? She's not into love life. Hindi niya naiisip ang bagay na'to. Masaya na siya, bakit pa siya maghahangad ng ibang bagay, may trabaho, kaibigan at pamilya. Mabubuhay na siya kahit walang love life, cause love sucks, love will just put you in a 'Hit and Run' situation. Tatamaan ka, at pag natamaan ka na, iiwan ka din, in the end ikaw lang nasaktan, ikaw lang ang iiyak. That's what she see in love, dahil talaga sa mga nakikita niyang tàong namomroblema sa pag-ibig. Kaya di na niya iniisip pa ang mga ganitong bagay. She looked up to the ceiling. Naalala ang mga magagandang memories niya noong highschool siya. Highschool is the best, ika ng marami, at para sakanya, totoo yun. Lumipas pa ang ilang minuto ay bumangon na ito, naligo at nag-ayos na ng sarili. Paglabas ng kwarto ay dumiretso siya sa ref niyang puno ng Chocolates and fruits. Dumukwang siya at kumuha ng isang bar ng dark chocolate at isang Apple. Pagkatapos ay dumiretso na sa pinto at nilock ito She's living alone in a condo. Siya ang bumili non. Matagal niya ng gustong bumukod sa pamilya kaya ng nagkaroon siya ng trabaho, ito ang unang ginawa. Gusto niya talagang mag-isa lang siya sa tinitirhan niya, not that she doesn't want to be with her family. Ganun lang talaga ang takbo ng utak niya. Dumadalaw naman ang pamilya niya rito paminsan-minsan She also bought a car for her. Hindi man mamahalin, atlis nakaya niyang bumili na galing sa pawis at dugo niya. She rode in her auto and she's ready to drive it when a 7 or 8 year old kid knock on her window "Ahm Hi po" ani nito habang nahihiyang ngumiti "Hello kiddo, may kailangan ka ba?" Sagot nito habang pinagmamasdan ito. Hindi naman ito pulubi dahil maayos ang pananamit at malinis "This is for you" sabay abot ng isang rosas. Nagulat ito sa tinuran ng bata. Kanino galing ito? "For me? From whom?" Gulat na tanong nito sa bata "From me!" Sabay taas ng kamay ng bata "You're so beautiful that's why i'm giving you a flower. And it's a rose because it's beautiful like you" sabi nito habang namumula ang magkabilang pisngi. Nakakatuwa naman itong bata, sabi nito sakanyang isip. Magandang simula sa kanyang araw "Thank you Kiddo! What's your name?" Tatandaan nito ang bata, dahil napaka-sweet at matangos pa ang ilong. Pero mukhang playboy paglaki Lalo namang namula ang pisngi ng bata ng tanungin ang kanyang pangalan. He's name is Monde. She giggled, cute name. Kakausapin niya pa sana ito kaso bigla itong tumakbo palayo, hindi naman na niya nakita pa dahil nakasakay din siya sa kotse nito. Wala na siyang nagawa kaya't pinasibad na niya ang sasakyan. Pagkarating sa opisina ay nadatnan niya ang kanyang assistant na may sinusulat na kung ano. "Good morning Dea" Nagulat ito sa bati niya. Natawa na lamang siya, halatang di napansin ang pagdating niya "Good Morning din Ma'am" pagkuwa'y ngumiti "Anong ginagawa mo?" Tanung nito habang naglalakad papunta sa table niya "May nagpa-appointment po kasi ma'am kaya inayos ko sa schedule niyo po" sabi nito. "Ganun ba? Sino ba ngayong araw, Dea?" Tinititigan niya ang rose na bigay ng bata. Nakuuuu, ke-bata-bata mukhang babaero na. "Ah, si Mr. Kian Ledesma po ma'am, mamayang 11 am po" tumango na lamang ako at binuksan ang cellphone. 2 hours left before her meeting with Mr. Ledesma. Nilabas niya muna ang dark chocolate na dinala tsaka ito sinimulang kainin She loves eating dark chocolates, it gives her energy. Actually, mas lalo talaga siyang nagiging energetic dahil dito, pati ang utak niya ay talagang gumagana. While eating, she open her social media to look for what's new. Wala namang pagbabago. Then something caught her attention. It's an article about Top 5 Hottest Business Man in their Country. 'Ulalaaa' sabi ng utak ni Mella. Ngiti-ngiting binuksan ng dalaga ang article. Mahilig siya sa Gwapo at Hot, ofcourse, hindi naman siya manhid para hindi maappreciate ang mga ganong lalaki. Pero hanggang don lang yon, paghanga lang. Pag nakaka-kita nga siya ng mga Abs, she can't but looking at it, binibilang niya pa nga. Minsan tinitignan niya kung maganda ang pagkakahulma o hindi, tinuruan kase siya ng kuya niya kung pano kumilatis ng abs. Back at the article, lumabas ang limang picture ng nag-gagwapuhang mga lalaking naka-suit. Isa-isa niyang tinignan ito. (5) Terrence Vila One of the billionaires that owns the Vila Companies, their company supplies high quality of woods all over the world. Terrence Vila leave his family at the age of 18 to build his own legacy and now, it's one of the biggest Company that gives a highest rate of money. Terrence Vila is known to be Gentle when it comes to women, because of his mother's 'words of wisdom'. He's still single and there are no girls attached to this Man. (4) Wyncel Colt De Vera Owner of DV Condominium. The Most expensive Condominium in the world. He's one of the women's taste. He's rude but Hot, he's an ass but he's Handsomeness always take over his bad attitude. There are no woman can tame this Man, everybody's words. His only goal is to be a happy-go-lucky man. (3) Cliff Luthor Ruveign A Face without Emotion, Cliff Luthor Ruveign it is. But he's one of the Hottest Billionaire that owns the famous Beaches and resort in the Country. In the country, a Business man, but in London, he's a Prince. Cliff is the kind of woman haters, no one knows why. (2) Kenn Colton Velasco The King and Boss of his Publishing Incorporation. A Womanizer and good in Sugar coating his words. He can't live without woman in his bed, but he's a Monster if someone will ruin his Company. Apparently, he's soft when it is about his Family, a very loving son and sibling. (1) Mr. C. Surban Business is Business. He can do everything for his company to be always on top. No one can bring him down, because if someone would gonna try, this someone will just see lucifer. Women doesn't exist in his vocabulary, especially the word 'Wedding'. He don't need someone who's gonna go with him until the last day of his life. But that's it, no one knows his story, his family, or if he has friends, even his full name. Everybody only knows that his a Ruthless man and a Monster to everyone. After reading the article, sinimulan niyang tignan ang mga picture ng mga kalalakihan. And what she can say. Lahat sila ay Gwapo, at napaka-Hot! Talaga bang wala pang mga Jowa ang mga ito. Sabagay, sa gwapo nilang iyon, sinong gugustuhing mag-stay sa iisang babae. Hays, men and their things. But someone caught her attention, it's the top 1 Mr. C. Surban. Mysterious hmmm, for someone like Mella, this kind of Guys gives her curiosity. Gusto niyang malaman ang mga kwento ng mga ganitong klaseng lalaki na napaka-tago ang personal life. Well, siguro dahil nasanay na siyang malaman ang mga personal life ng mga tao, dahil sa trabaho niya. Mr. C, sino kaya ito, at ano ang kwento ng buhay niya. Nagising sa malalim na pag-iisip si Mella nang dumating na ang kanyang pasyente. Mr. Kian Ledesma is having a problem with his girlfriend. Not a Big problem for Mella. She can handle it. Natapos ang kanilang pag-uusap maka-lipas ng dalawang oras. And now she's totally hungry. She's craving for Carbonara. Kinuha niya agad ang gamit at lumapit sa Assistant. "C'mmon Dea, let's eat" pag-aya nito sa babae. "Sige lang po ma'am, pinadalhan napo ako ng asawa ko ng pagkain, dito nalang po ako kakain" nakangiting paliwanag ni Dea "Ganun ba? Osiya sige, alis muna ako ha? Nakaka-kain ako ng Carbonara" habang naglalaway na sa pagkaing naisip ni Mella "Sige po ingat sa daan ma'am" ani Dea Pagkatapos magpaalam ay agad na siyang umalis para pumunta sa paboritong restaurant. Naging paborito niya ito dahil magandang ambiance nito, nakakagaan din kase ng pakiramdam pag dito siya kumakain. May sumalubong na isang waiter at iginiya siya sa lamesa, she ordered Tuna Carbonara ang a cold tea. Pagka-alis ng waiter ay mabilis na lumibot ang kanyang mga mata sa kabuuan ng restaurant, mukhang mas pinaganda pa nila ito dahil sa mga nakasabit na pusong kumikinang. It's like valentines in the restaurant. Pagkatapos tignan ang mga nakasabit na puso, dumako ang tingin niya sa labas, sa mga nag-dadaanang sasakyan sa kalsada. Lumipad na naman sa isip niya ang lalaking yon, si Mr. C. She's really curious to that man. Ano kaya ang tinatago non, baka naman maraming kaaway kaya nagtatago, may nakakalapit pa kayang babae don? 'Huh?' Bakit ba iniisip niya ang lalaking yun, hays, napaka-misteryoso namin kasi nito. Gusto tuloy niyang alamin ang buhay nito. Maybe he wants someone to talk to, or some advice, well, she can help. Wait what? Tutulungan niya? Nahibang na ata siya, di naman humihingi ng tulong ang lalaki sakanya, tsaka pake niya ba dun? Nagiging tsismosa na naman siya na parang gustong mangalap ng tsismis. Hindi niya namalayan na nakalapit na ang waiter sa mesa niya. Nang ilapag ang pagkain sa harapan niya ay tsaka lamang siya natauhan sa pinag-i-iisip. Nagpasalamat na lamang siya rito at tahimik na kumain. Pagkatapos ay bumalik sa opisina at sa ganung Pangyayare natapos ang kanyang araw. °°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°° This is work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual person, living or dead, or actual events is purely coincidental. °°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°° Enjoy reading Guys?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD