Hinila ni Alexa ang sarili mula sa pagtingin nang mga damit sa display window sa isang sikat na fashion boutique.
Napatingin siya sa suot na kupas na blue sport shirt at tattered jeans na binagayan niya ng rubber shoes at corduroy jacket. Birthday Gift niya sa sarili nung pumunta siya sa Baclaran nung isang taon binili niya ang kanyang sapatos na sinuot.
Halos mapagkamalan siyang tomboy, but deep inside ay babaeng-babae siya na naghahangad ding mag-ayos kung minsan.
Pero hindi bagay sa kanya dahil siguro maigsi ang buhok niya.
Ayaw niyang magpahaba nang buhok dahil hindi siya marunong mag ayos at wala siyang tiyagang magpatuyo ng buhok pagakatapos maligo, mas gusto niya ang wash and go lang.
Kapag pambabae naman ang gupit kahit maigsi, tumitikwas naman iyon kapag umaabot na ang baha sa lebel ng kanyang mga panga.
Nauwi tuloy siya sa pnglalaki na style nang buhok niya.
Sa mundong na uso ang mahabang rebonded na buhok, pakiramdam niya na bukod tangi lang siya na mayganun gupit panglalaki.
Hays kaya siguro hanggang ngayon single parin ako, sabi niya sa sarili habang naglalakad palabas ng mall.
"Thank you for coming sir.
Please come again," sabi kay Alexa ng guwardiya habang palabas ng main exit door.
Kung wala lang siyang bitbit tatadyakan niya ito.
Tinawag ba naman siyang 'sir'.
Hindi ba nito nakitang may boobs siya? Kunsabagay,naka jacket siya kaya hindi iyon gaanong pansin.
Buwisit! Pang-aasar yon, ahh.
Kanina rin tinawag siya nang bagger na 'sir', kaya namumuro na ang taohan nang mall na iyon sa kanya.
Tatlong eco bag dala ne Alexa Alam niyang sapat na iyon sa pang tatlohang linggo nila. Si Alec ang sumagot sa pamamalengke. Kadalasan naman ay ang kapatid na babae at bunso sa kanilang magkakapatid ang namamalingke tuwing weekend ng umaga.
Walang sakayan ng FX o jeep sa side na iyon ng kalye kaya naglakad pa siya papunta sa terminal na nasa kabilang kanto.
Iniwan kasi niya ang sasakyan sa gym dahil walang free parking area na iyon.
Babalik na lang siya sa gym at mula roon ay saka siya uuwi dala ang kotse.
Kaysa magbayad pa siya nang P50 para sa parking fee, mas mura naman ang P18 na pamasahe balikan sa mall at gym.
Pangpamasahe na yon nang mga kapatid niya kaya nagtitipid siya sa lahat nang bagay.
Napansin niya ang isang lalaking nakaamerikana sa kanyang unahan. Nakatalikod ito sa kanya kaya hindi niya makita kung foreigner o Pinoy kasi matangkad ito.
Sa taas kasi niyang Five-six, na higit karaniwan sa isang Pilipina,ay isang dangkal pa ang tantiya niyang itinaas ng lalaki sa kanya.
Ay! Bakla kaya? Gumigiwang ang paglalakad. Kung hindi ito lasing malakas pa sa tsunami walk ang lalaki.
Aliw na aliw siyang pagmasdan ang paglalakad nito kaya hindi niya napansin ang isang itim na van nahuminto sa tagiliran nila.
Naibagsak niya ang kanyang dalang plastic bag nang kanyang pinamili nang biglang may limang lalaki ang humablot sa lalaking nakaamerikana.
Alam niyang hindi mga kabarkada iyon nang lalaki or nagbibiruan lang dahil sa lakas nang sigaw nang bakla este,ng lalaki.
'Hey! lemmego! why are teking meh?. Kahit slurred ang pagsasalitan nang lalaki naiintindihan naman ne Alexa ito. Mukhang hindi ito bakla, lasing lang. Parang alam na niya ang mangyayari dahil sapilitan itong isakay sa isang itim na van. Kidnapping ito dahil nagpupumiglas ang lasing na lalaki!
Hindi kayang tumayo lang ne Alexa at panuorin lamang ang nangyayari.
May krimen na nagaganap sa kanyang harapanat hindi niya yon kayang tiisin. Kaya tumakbo siya palapit sa mga ito.
Binigyan niya nang isang suntok sa panga ang pinakamamalapit na lalaking kumaladkad sa lasing.
"Pakealamero ka!" sigaw nang pang apat na lalaki na nakahawak din sa lasing. Naging aktibo si Alexa nang maglabas ito nang baril.
Pero bago pa nito maiputok yon hinawakan niya ang kamay nang lalaki at ikot pailalim.
Humiyaw ang lalaki sa sakit dahil napilipit niya ang kamay nito at nabitiwan ang hawak na baril.
Nakita niyang nagpumiglas ang lalaki sa huling lalaking may hawak dito.
Kaya binigyan ne Alexa nang karate chop batok ang kidnapper.
Nakakawala ang lasing at nagsusumigaw para humingi nang tulong.
Mukhang nakakapaisip pa ito kahit lasing. Mabuti naman sabi nang utak niya.
Nagsibangon ang limang lalaki at binalingan silang dalawa. Lumusob si Alexa bago makalapit ang mga kidnapper.
Tinadyakan niya sa mukha ang unang nadaanan at binigyan niya nang suntok sa sebtido ang isa.
Hindi niya napansin ang pangatlo at nasa likuran pala niya at nasuntok siya sa tagiliran.
Bahgyan siyang napayuko, pero dahil sa adrenaline rush ay ay hindi niya ininda ang sakit at ang dalawang natira ay sumugod sa kanya at iniisa isa niya itong bigyan nang pakalakas na karate chop na ikinatumba nang dalawa.
Napaungol ito sa pagbagsak na una ang puwet sigurado siyang masakit yon dahik sa sementado ang lugar.
Pabangon na si Alexa nang makita niya ang isa pang lalaki na hinihila nanaman nito ang lalaking lasing .
Sinugod niya ang lalaking may hawak sa lasing at sinuntok ang panga nito. Nabitawan ang lasing at bago pa nagsitakbuhan ang mga ito pabalik sa itim na van ay binantaan siya.
"Ulol! Magbabayad ka!"
Mumurahin sana niya ang lalaki nang daluhan sila nga mga guwardiya.
Mabilis na sumibat ang van at noon lang nila napansin na wala iyong plate number.
Narinig niya ang tanong nang isang guwardiya na nagraradyo para tumawag nang pulis.
"Sir, okay lang po ba kayo?" narinig niyang tanong nang guwardiya sa kidnap victim sana.
Napatingin si Alexa sa lalaking lasing na muntik na siyang mapanganga.
Ang ganda ay ang guwapo ng bakla ay este ng mama!
Mukhang madudulas ang bangaw sa napakalinis at puti nitong balat. Kahit gatuldok ay wala ata itong peklat o marka. Infairness flawless!
Nadaig pa siya na nakakahiya naman sa balat. At ang face ay value to the highest level yata.
Napakaganda nang deep set of eyes nito na napapayungan nang makapal na kilay.
Matangos ang ingon na maganda ang pagkakahugis na binagayan nang manipis na labi.
Wavy pa ang maitim na buhok na parang laging inaayos sa parlor.
Lumagpas lang ang tingin ne Alexa sa lalaki dahil nakita niya ang kanyang ginrocery na kumalat sa sidewalk!
Agad siyang tumakbo palapit at pinapulot ang mga pinamili at sinipat baka may nabasag.
Nakahinga naman siya nang maluwad na hindi napingisan ang biniling bote ng tuyo at ketchup.
Ibilin kasi yon nang kapatid na babae magluto daw siya nang sweer and sour pork sa linggong.
Goodluck na lang sa kanilang kakain.
Patapos na siya sa paglilipit nang may lumaput sa kanya.
"Boss, pwede po ba kayong sumama sa presinto nang makapagbigay kayo nang statement?"
Nagpantay ang kilay ne Alexa at tiningnan ang guwardiya nasa kanyang tabi. "
Kailangan ko pa bang sumama pa ako inyo? Hindi ba pwedeng iyong lasing nalang ang magbigay ng statement?"
Nakita niya ang pagkagulat sa guwardiya atmabilis siyang hinagod nang tingin. Ang lintik,nagtagal ang tingin sa kanyang dibdib, sinisiguro kung babae siya. Napika siya.
Huhugutin na sana ne Alexa ang wallet at ipakita ang ID niya nang lumapit ang lalaking lasing sa kanila ang guwapong biktima sana ng kidnapper.
"Pare, maraming thenkyo,ha"
Hindi alam ni Alexa kong mapangiwi siya dahil sa hininga nitong amoy alak o sa tinawag siya nitong pare.
That was it,she had enough!
"Anong Pare? Niligtas kita, iinsultuhin mo pa ko? Babae ako? Babae!
Hindi ba obvious, ha?
Kailangan ko pa bang ipakita ang boobs ko para maging proof na babae ako.? sigaw niya sa dalawang lalaki nasa harap niya habang hinuhubad ang jacket.
Hindi man cup C at D ang kanyang hinaharap,halata naman na may dibdib siya. Pero tama ba ang ginagawa niya dahil ngayon dalawang lalaki na ang nakatingin sa kanyang dibdib?
Tumikhim si Alexa para makuha ang atensiyon ng dalawang lalaki.Hindi naman siya nabigo dahil agad umakyat ang tingin ng mga ito sa kanyang mukha.
Sisibghalan na sana niya ang mga lalaki nang magsalita ang poging lasing.
"Shori,mish. Pheroh mharamingh shalamat." Lasing pero nakakapag isip pa nang matino. Okay walang problema.
"Marunong kang mag karate, 'no?" tanong sa kanya ng guwardiya bago pa siya makapag react sa sinabi ni poging lasing.
"Martial arts at gym instructor ho ako sa Fitness body builder," sagot ko at tapos binalikan ko na ang pagliligpit.
Natigilan nalng ako nang my kamay nag naglagay sa plastic bag ng mga de-lata sa loob.
Nahigit niya ang hininga nang makita nuya ang saksakan nang gwafo ang lalaking kanyang niligtas at mukhang mayaman din ito. Parang pamilyar ang Hitsura nito.
Artista kaya ang lalaki ?
Ipinagpatuloy niya ang ginagawa.
Nagpasalamat nanaman ulit ito sa lasing na salita.
Kaya tiningnan niya ito na para bang nangungusap na sabihin niya ang pangalan niya.
Kaya huminto siya sa ginagawa.
Alex. Alexa Roxas. sabi niya dito.