First Person POV Nanigas ako sa kinatatayuan ko, gano'n din ang mga kasamahan namin na nagulat sa kapansin-pansin na salitang itinawag sa akin ni Kyo, na alam kong hindi nakaligtas sa pandinig ng mga ito. Ngunit kalaunan ay napasinghap ang mga co-players namin at nakita kong sa akin na nakatuon ang pansin ng mga ito dahil sa narinig. Ramdam ko ang pag-iinit ng mukha ko makalipas ang ilang sandali. Hindi ko malaman ang gagawin ko at sasabihin, ang gusto ko na lang ay lamunin akong bigla ng sahig. Nanggigigil na hinila ko na lang tuloy ang manggas ng damit ni Kyo pero hindi ito tuminag. "Akala ko ba magbibihis ka?" iritang mahinang tanong ko. "Oo nga at kailangang samahan mo ako, BABE." Naumid ang dila ko at napapikit nang mariin dahil sa inulit na naman nito ang itinawag sa akin kani

