First Person POV Halos maduling na ako sa pagtitig dito at halos hindi rin makahinga dahil sa sobrang lapit nito. Tae. Hindi rin ako gaanong makapag-isip kapag ganito ito kalapit! Ibinaba ko ang cellphone ko at pasimpleng umatras. Lumunok ako at huminga nang malalim. "Sorry. Pero kami na ni Sky ang mag-partner, nauna n'ya akong niyaya. Naka-oo na ako. Kung gusto mo ng ka-partner, iba na lang ang yayain mo," seryosong sabi ko. Totoo naman 'yon saka nakakahiya kay Sky kung sakali, parang iiwan ko itong bigla sa ere. Tumaas ang sulok ng labi nito. "Talaga ba? Tuloy pa raw ba?" tanong nito na para bang pinagtatawanan lang ang sinabi ko. Psh. Nakakainis! At teka nga, sa tono ng pananalita nito.. may ginawa ba itong hokus-pokus? Kinunot ko ang noo ko. "O—Oo. Bakit naman hindi matutuloy

