First Person POV "So, nagkakilala na pala sila, 'no?" Tila siyang-siya na anas ng pinsan ko habang nakasunod ang tingin kay Kyo at Avery na nasa counter na ngayon, magkasamang um-o-order. Ginaya ko ang ginagawa nito at pinakatitigan ang pareha. Ngunit hindi ko maiwasang mairita habang nakatuon ang mata ko sa mga ito. Lalo pa at nakikita ko kung gaano na kalapit ang mga ito gayong tila kakakilala lamang? Close na agad ang mga ito sa ganoon kaikling panahon. Naiinggit ako na hindi ko mawari. Nakikita ko kasi 'yung mga ginagawa nito na sa amin lang ng pinsan ko nito ginagawa noon. Ngayon sa iba na. Hindi lang may kahati dahil ngayon ay itsapwera na ako. Nakakalungkot kung bakit kami humantong sa ganito. "Paano sila nagkakilala? Hmm.. ang amazing," tila tuwang-tuwa pa ulit na sambit nit

