First Person POV Isinukbit ko ang bag ko at tumayo na kaagad noong makalabas na ang professor namin. Huminga ako nang malalim. Sobrang nakakatamad ang araw na 'to. Ano ba ang pwede kong gawin? Tutal ay free naman na ang maghapon ko? Ayoko pa namang umuwi ng dorm, mababagot lang kasi ako ro'n. Wala naman akong gagawin do'n at makakausap. Matutulog lang ako tapos kakain. Para akong tangang magtatanga lang sa apat na sulok ng silid. Hay. Single life nga naman. Habang naglalakad ay naalala ko bigla ang pinsan ko. Tama! Pwede ko itong kaladkarin para makagala man lang! Napangisi ako. Sa pagkakaalala ko ay isang oras pa bago matapos ang huling subject nito ngayong araw at free na rin ang maghapon nito, pwede ko itong hintayin para may makasama akong maglamyerda. Nagpatuloy ako sa pagl

