First Person POV Sa paglipas ng mga araw ay kapansin-pansin ang pagbalik ni Kyo na sumama sa amin, minsan ay karay-karay nito si Avery or the other way around pero minsan naman ay hindi magkasama ang mga ito.. himala lang dahil sa mga gano'ng pagkakataon ay sumasama pa rin sa amin si Kyo, kaso lang ay may napansin ako rito. Parang ang laki ng ipinagbago nito.. ang seryoso kasi nito at hindi na ganoon kaloko o palabiro. Nitong nakaraan ay madalas na tahimik lang ito, tiga-pakinig at tiga-tawa paminsan-minsan sa kwentuhan. Ano ba ang nangyari rito sa mga araw na hindi namin ito nakasama? Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis, na tila ba nagpapaka-matured na ito. 'Di tulad dati na napakaisip-bata nito. Still, nakaka-miss pa rin 'yung dati. 'Yung nakasanayan ko. 'Yung dating kinaii

